School principal, binoga

KRITIKAL ANG isang 40-anyos na school principal matapos barilin sa loob ng kanyang opisina sa lalawigan ng Sorsogon.

Una rito, bandang alas-9:20 ng gabi kamakalawa habang namamahinga sa kanyang opisina ang biktima na kinilalang si Romeo Diamsen y Paje ng San Juan Elementary School at residente ng Barangay Macabog, Bacon, Sorsogon nang bigla na lamang itong pasukin at barilin ng hindi nakilalang armadong suspek.

Nagtamo ng tama sa ulo, tiyan at hita ang nasabing biktima. Agad din naman itong nailipat sa Sorsogon Doctor’s Hospital.

Ang biktima ay dumalo lamang sa kanilang alumni homecoming subalit sa hindi inaasahan, nauwi sa trahedya ang sana’y isang masayang pagtitipon.

Samantala, nagpa-patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad kaugnay sa motibo at pagkakakilanlan ng salarin. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.