Scene stealers Awardees

PABONGGAHAN ANG MGA winners sa katatapos na Us Girls Awards 2011 noong August 18 sa Amber, The Fort sa Taguig City kasama ang mga host ng award-winning lifestyle magazine show na US Girls sa Studio 23 na sina Iya Villania, Cheska Garcia-Kramer at Angel Aquino. Sa ikatlong taon ng pagkilala ng naturang programa sa most gorgeous at stylist icons ng bansa, mapalad na napabilang dito ang mga hinahangaan n’yong taartits mula sa iba’t ibang istasyon (para hindi nga naman bias, he-he!). Hindi lang mga artista sa telebisyon at pelikula ang nakatanggap ng tropeo kundi pati na rin ang TV broadcaster gaya ni Gretchen Fullido na isa sa mga pinarangalan bilang Sexiest Female at TV Host na si Bianca Gonzales na isa sa mga nakakopo ng Most Fashionable Female title. Sa lalaki naman eh, kinilala ang controversial entrepreneur na si Hayden Kho na isa sa Most Fashionable Male at Azkal player Phil Younghusband as one of the Sexiest Male awardee. Kuminang din ng gabing ‘yun ang mga utaw na siyang dahilan kung bakit parating maganda at guwapo ang mga peborit n’yong stars, ang mga make-up artist at stylist ng taon gaya nina Steven Doloso, Ricci Chan, Bang Pineda, Patty Yap, atbp. Ang taray ‘di ba, mga kaparazzi? Kilalanin natin ang ilan sa mga naging scene stealer na naka-receive din ng prestigious award. Pak!

Photos by Mark Atienza
Paparampa
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Scene stealers Awardees

Leave a Reply

Your email address will not be published.