Scarlett Johansson $20M ang TF sa sequel ng “The Avengers”?

WATCH OUT, Avengers fans! Sigurado na raw ang sequel ng “The Avengers”.

At sa latest tsismis ay balitang si Scarlett Johansson pa rin daw ang gaganap na Black Widow sa “The Avengers 2” at balitang tumataginting na $20M daw ang magiging talent fee ng aktres.

‘Pag nagkataon nga raw, si Scarlett ang may pinakamalaking TF na natanggap sa isang pelikula na una nang hawak ni Angelina Jolie para sa pelikulang “The Tourist”.

Subalit, ayon sa rep ni Johansson, wala pa raw siyang natatanggap na balita tungkol sa figure na matatanggap ng aktres. Masyado raw malaking halaga ang $20M para sa isang supporting role.

But then again, may mga nagsabi na sa laki ng kinita ng “The Avengers” ay hindi raw malayong tumanggap ng $20M si Scarlett para sa sequel ng “The Avengers”.

 

ADAM LAMBERT EXCITED SA TSISMIS NA MAGING JUDGE SA AMERICAN IDOL

 

MALAKAS ANG bulung-bulangan sa Hollywood na ikokonsidera raw si Adam Lambert na maging judge sa Season 12 ng “American Idol”.

Tsismis na nakaabot na sa kaalaman ni Adam na balitang excited na excited sa nasabing rumor.

“I’m just hearing about this today. Listen, if – and I say ‘if’ with a capital IF – if they were to approach me and if they were to say, ‘We want you to be a judge on the show,’ I would love that. I would jump at the chance.

“I owe my career to ‘American Idol’. I mean, if it weren’t for ‘American Idol’, I doubt that… I would be sitting here with you… I think it would be really exciting to be sitting at a judging panel and trying to help people reach their dreams.”

Bukod daw kay Adam, lumitaw rin ang mga pangalan nina Miley Cyrus, Nicki Minaj, Katy Perry na una nang tumanggi sa offer at ang nakakaloka pa raw ay lumitaw rin ang pangalan ni Charlie Sheen para maging judge ng AI.

 

MICK JAGGER AT DAVID BOWIE NAGING MAG-JOWA AYON SA ISANG LIBRO!

 

KILALA BILANG mga notorious pagdating sa mga babae ang mga legendary rock icons na sina Mick Jagger at David Bowie.

Pero sa isang controversial book na Mick: The Wild Life and Mad Genius of Jagger ni Christopher Andersen, ibinunyag na nagkaroon daw ng affair sina Mick at David.

Pasabog daw kung pasabog ang tsismis na naging sina Mick at David na nagsimula raw ang romansa ng dalawa noong 70s kung saan nakikita raw si Mick na nagpupunta sa backstage ng isa sa mga concerts ni Bowie.

“Bowie and Jagger were spotted everywhere together without their wives. Neither complained when a photographer snapped them in a moment of repose, Bowie tenderly cradling Mick’s head in his lap. Bowie also took Mick to gay films,” matapang na pahayag ni Andersen.

Nahuli pa nga raw sina Bowie at Jagger ng dating asawa ni David na si Angie Bowie na magkatabing natutulog sa kama noong 1973, ayon pa sa author.

Nag-out of town daw noon si Angie at noong umuwi ito at dumiretso sa kusina ay sinabihan daw si Angie ng kanilang katulong ng “Someone is in your bed.”

“Angie went upstairs to her bedroom, slowly pushed the door open, and there they were: Mick Jagger and David Bowie,naked in bed together, sleeping. Both men woke up with a start. ‘Oh, hello,’ said Bowie, clearly taken by surprise. ‘How are you?’

“’I’m fine, do you want some coffee?’ Mick blinking awake, remained silent. Angie returned a few minutes later with coffee and orange juice,” dagdag na pagbubulgar ni Andersen.

Nakahanap din ng witness si Andersen sa katauhan ni Ava Cherry na diumano’y isang back-up singer.

“Ava Cherry, a backup singer who lived with the Bowies for a time, reportedly told a friend that ‘Mick and David were really sexually obsessed with each other. Even though I was in bed with them many times, I ended up just watching them have sex,” pahayag ni Andersen sa kanyang personal account.

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.