SC sinupalpal ang petisyon ni Morato

SINUPALPAL NG SUPREME Court ang petisyon ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chair Manoling Morato na kinokontra ang paglipat ng PCSO main office sa Philippine International Convention Center (PICC) complex, Pasay City mula sa QI compound, Quezon City.

Sa isang resolusyong ibinaba nu’ng Setyembre 9, 2011, ipinahayag ng 3rd Division, chaired ni Associate Justice Presbiteryo Velasco na ang PCSO Board Resolution na tinuligsa ni Morato ay “in accord with the facts and applicable law and jurisprudence.” Idiniin pa ng resolusyon na ang PCSO ay walang ginawang “abuso sa kanilang desisyon.”

Ikinagalak ni PCSO Chair Margarita Juico ang desisyon na nabatid lamang niya nu’ng nakaraang Oktubre 18. “I’m glad the issue has been settled by the court so the board can continue to focus on more important things. We knew it would not prosper because we knew what we did was right,” Juico said in a statement.

“Sayang ang oras at salapi na ginugugol ng pamahalaan sa ganitong mga klaseng kaso,” ayon naman sa ibang organisasyon.

Idinugtong pa ni Juico na ang resolusyon ng pag-lipat ay binase nila sa rekomendasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Quezon City Engineer’s Office at ng isang private consultancy ng ahensya na dapat umalis sa QI compound dahil sa dami nitong structural defects na makakapagpahamak sa maraming buhay kung magkaroon ng major calamities tulad ng lindol at super typhoons.

Ayon sa records, ang QI building na dinisenyo ni National Artist for Architecture Juan Nakpil ay 72 taon na at matagal nang nirekomenda ng DPWH for demolition. Ang resolusyon ay na-file ni Morato sa Supreme Court nu’ng Oktubre 12, 2010.

Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang batikos ni Morato sa isyu at PCSO. Samantala, maraming mabibigat na kasong kriminal ang hinaharap ni Morato na maaari siyang ikulong habang-buhay. Ilan dito ay ang kanyang Electioneering case nu’ng 2010 na airtight ang ebidensya na pinangampanya niya sa government Channel 4 ang mga senatorial candidates ng administrasyong Arroyo. Isa pa rito ang pagkasangkot niya sa isang Plunder case na isinampa sa Ombudsman ng kasalukuyang PCSO board laban sa old board.  Ang Plunder case ay nag-ugat diumano sa pagbili ng thermal paper sa isang foreign firm na disadvantageous sa pamahalaan.

Matatandaan din na si Morato ay sinampahan ng maraming Libel cases nu’ng mga nakaraang taon. Ang mga nagsampa ay ang dating Pangulong Joseph Estrada na pinatawad siya nu’ng ang uli ay naging pangulo.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.