SC: OP, walang karapatang magdisiplina vs deputy Ombudsman

PINANINDIGAN NG Supreme Court (SC) ang nauna nitong desisyon na walang kapangyarihan ang Office of the President (OP) para magdisiplina ng deputy Ombudsman.

Ito ay kasunod nang pagbasura ng Korte Suprema sa motion for partial reconsideration na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) kaugnay sa desisyon ng hukuman noong January 28, 2014.

Nais ng OSG na baligtarin ng SC ang desisyon nito na nagsasabing walang kapangyarihan ang Palasyo sa pagdisiplina sa Deputy Ombudsman.

Dahil dito, walang bagong nakikitang argumento ang hukuman para makumbinsi ito na baligtarin ang naunang pasya.

Lumalabas sa desisyon ng Korte Suprema na may petsang Enero 28, 2014 iniutos nito ang reinstatement nang sinibak na si Deputy Ombudsman for Military Emilio Gonzales III dahil hindi naman umano maituturing na betrayal of public trust ang hindi niya agad na pag-aksyon sa kaso ng pulis na si Rolando Mendoza na nang-hostage ng mga Hong Kong tourists sa Quirino Grandstand sa Maynila noong 2010.

Idineklara rin ng hukuman na unconstitutional o iligal ang kapangyarihan ng Office of the President na magdisiplina ng Deputy Ombudsman, pero saklaw naman daw ng kapangyarihan nito ang pagdisiplina sa Special Prosecutor.

Base sa en banc session, ibinasura ng SC ang petisyon ni dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco na humihiling na tanggalan ng kapangyarihan ang punong ehekutibo na mag-alis sa puwesto ng Deputy Ombudsman at Special Prosecutor.

Partikular na pinadedeklara ng dating solon na dapat maging iligal ang Section 8-2 ng Republic Act 6770 o Ombudsman Act of 1989 dahil taliwas ito sa itinatakda ng Konstitusyon na ang Office of the Ombudsman ay dapat maging hiwalay na tanggapan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.