SC, nagtakda ng oral argument kontra source code petition ni Gordon

NAGPATAWAG NG oral argument ang Supreme Court (SC) kaugnay sa petisyon na inihain noong nakaraang linggo ni dating Senador Richard Gordon na humihi-ling na atasan ang Commission on Elections (Comelec) na payagan ang mga political party na ma-review ang source code.

Sinabi ng SC Public Information Office na itinakda ang oral argument ngayong araw, Mayo 8, Miyerkules, alas-4:00 ng hapon.

Nabatid na una nang naghain si United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate Richard “Dick” Gordon ng “Petition for Mandamus” sa SC laban sa Comelec upang payagan ang political parties na siyasatin ang source code na siyang gagamitin para sa May 2013 midterm elections.

Ayon kay Atty. Rodolfo “Inky” Reyes, abogado ni Gordon, mahalagang masuri ang source code bilang programming software ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine na siyang nagta-transmit ng boto sa mismong araw ng eleksyon.

Nais kasi nitong tiyakin na magkaroon ng makatotohanan, malinis at credible elections.

“The law is clear. Section 14 of the Automated Election Law says that the COMELEC “shall promptly make the source code of that technology available and open to any interested political party or groups which may conduct their own review thereof,” ani Gordon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “SC, nagtakda ng oral argument kontra source code petition ni Gordon

  1. si gordon kahit kelan walang sikat yan alam nyang wla syang panalo kaya gusto nya ng manual count para makapandaya, dati na yang mandaraya at ganid sa pwesto tignan mo sa olongapo kapit tuko mula asawa hanggang anak ayaw umalis sa pwesto. kung alam lang ng mga tao na sagad sa buto ang kasamaan nyan sa mga tauhan nya at sa mga tao. ambisyoso pang maging presidente ng pilipinas kahit, chairman ng barangay o kagawad lang sa metro manila hindi yan mananalo puro pananakot sa olongapo ang ginagawa nyan kaya yan nanalo sa pwesto, nakaupo lang yan dati sa senado dahil sumipsip kay gloria nung kalakasan pa ni bansot.. Hoy Dikdik Gordon a.k.a buteteng laot, magjakol ka na lang gusto mo na naman magpalago kapal ng mukha mo..!

Leave a Reply

Your email address will not be published.