SC, Naglabas Ng TRO Kontra Cybercrime Law

PINATIGIL NG Supreme Court (SC) ang pagpapatupad ng kontrobersiyal na Cyber Prevention Act of 2012 o Cybercrime Law matapos na matanggap ng Kataas-taasang Hukuman ang sangkaterbang mga petisyon at pagtutol.                                                                Ginawa ng Korte Suprema ang pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) kaugnay sa ginanap na regular en banc meeting ng mga mahistrado.

Base sa resulta ng botohan, umaabot sa 15 boto ang pumabor para sa TRO.

Una rito, nagsagawa ng kilos protesta, bitbit ang mga placards, ang mara-ming grupo ng bloggers, estudyante, media groups at iba pa sa harapan ng SC building sa Padre Faura, Maynila upang ipaabot pa rin ang pagkontra sa nasabing panukalang batas.

Kasalukuyang nasa 15 mga petisyon na ang nakabinbin sa Korte Suprema na humiling na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) sa kontrobersyal na batas.

Pinakahuling naghain ng kanilang petisyon ay ang National Press Club (NPC) at Philippine Internet Freedom Alliance (PIFA) at si Bayan Muna Rep. Teddy Casino.

Sa naturang petisyon ng PIFA, hiling ng mga ito na magpalabas ng status quo ante order o writ of preliminary injunction ang SC kontra sa implementasyon nito.

Samantala, hiling din ng grupo sa SC na pag-aralan ng mabuti ang pagbasura sa Cybercrime Law at ideklarang unconstitutional dahil sa mga probisyon nitong hindi sang-ayon sa kung ano ang nakasaad sa Saligang Batas.

Hindi makatarungan ang probisyon sa batas hinggil sa cyber libel dahil sinisikil nito ang karapatan ng lahat sa paglalabas ng kanilang saloobin, giit ng mga petitioner.Kwestyunable rin umano ang ilang probisyon ng batas dahil nilalabag nito ang freedom of expression, due process, equal protection, right to privacy and correspondence at right to unreasonable searches and seizures.

Inirereklamo rin ng mga grupo ang Section 4 hanggang 8 at Section 11, 12, 13, 15, 17, 19, 20, 21 at 22.

Nakasaad naman sa natu-rang mga probisyon ang pag-criminalize sa libel sa internet, ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga awtoridad na mangalap, sumuri, mangum-piska at magsara ng mga computer data, at ang pagbibigay ng kapangyarihan sa DOJ na harangin ang access sa computer data na may prima facie o hayag na ebidensiyang paglabag sa probisyon ng nabanggit na batas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.