SC, Kaso ni Rasuman, Ilipat sa MM – DoJ

NAGKUKUMAHOG ANG Department of Justice (DoJ) panel of prosecutors na mapabilis ang pagsasailalim sa arraignment sa Auto Nad Trading founder na si Jachob “Coco” Rasuman na nahaharap sa tatlong counts ng syndicated estafa sa korte sa Cagayan de Oro City.

Ito’y matapos maghain si Prosecutor General Claro Arellano ng mosyon sa Korte Suprema upang hilinging mailipat ang kasong kinakaharap ni Rasuman sa Metro Manila.

Ayon kay Arellano, kabilang sa batayan nila kung bakit gusto nilang mailipat ang kaso ni Rasuman ay dahil sa malaking gastos ng gobyerno sa transportasyon ni Rasuman, ang malaking banta sa kanyang buhay, at liban dito karamihan sa mga akusado ay nasa Metro Manila kaya banta rin ito sa kanilang mga seguridad.

Iginiit ng prosecutor na hindi umano nababagay ang Cagayan de Oro na pagdausan ng hearing dahil nalalagay lamang sa peligro ang seguridad ng mga saksi lalo’ pat may malawak na impluwensiya sa pulitika at ekonomiya ang mga taong nasasangkot sa mulit-billion scam.

Una rito, hinawakan ni Regional Trial Court (RTC) Branch 20 presiding Judge Bonifacio Macabaya ang tatlong kaso ni Rasuman at sa 11 kasamahan pa nito.

Samantala, napag-alaman na si Rasuman ay direktang inaakusahan ng kanilang mga naging kliyente na lumustay umano sa multi-billion peso investment capital sa Hilagang Mindanao at sa ibang bahagi ng bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.