SC, ibinasura ang apela vs Cybercrime Law

IBINASURA NG Korte Suprema ang mga apelang inihain kaugnay ng naging desisyon nito patungkol sa kontrobersiyal na Cybercrime Law.

Sa en banc session ng Korte Suprema sa Baguio City, pinagtibay nito ang naunang desisyon sa batas.

Pebrero 2014 nang maglabas ng desisyon ang Korte Suprema na nagsasabing legal o sang-ayon sa Saligang Batas ang probisyon ng batas patungkol sa online libel, bagay na mahigpit na tinututulan ng mga taga-suporta ng malayang pamamahayag.

Idineklara namang unconstitutional ng Korte Suprema ang pangongolekta ng real-time traffic data ng awtoridad pati ang takedown power clause ng Department of Justice (DOJ) o paglimita o pag-alis ng access sa Internet ng sinumang user.

Labag din sa Konstitusyon ang Section 7 na nagtutulak ng parusa sa online libel at child pornography sa ilalim ng parehong Revised Penal Code at RA 10175 dahil sa pagbabawal sa double jeopardy.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.