Says he’s single for more than a year: JC Tiuseco doesn’t want another showbiz girlfriend!

PUMIRMA NA NG kontrata sa Regal Films si JC Tiuseco. Isa siya sa bagong male batch ng Regal Babies kung saan kasama rin sina Fabio Ide, Daniel Matsunaga, Ervic Vijandre, at Ian Batherson.

Nagkaroon nga kami ng pagkakataon na masilip ang pictorial nila sa studio ng kilalang photographer na si Edward dela Cuesta. Naka-jeans lang sila lahat at walang pang-taas. At si JC ang sa tingin namin ay pinakamatikas ang pangangatawan. Kung sabagay, dati pa naman ay pinapantasya na siya ng mga girls and gays as well dahil bukod sa guwapo niyang mukha, sa abs at well-defined chest pa lang niya, angat na siya sa iba pang kalalakihan.

And for sure, pag-uusapan si JC sa kanyang role sa bagong pang-hapong seryeng Sisid sa GMA-7, kung saan dalawa sila ni Dominic Roco na leading men ni Jackie Rice. Peral diver ang kanyang character kaya lagi siyang nakahubad na maikling maong shorts lang ang kanyang suot.

Game na nga ba siya sa mga sexy roles?

“Well… sa lahat ng nagawa ko, itong sa Sisid ang pinaka-sexy. Kasi most of the time, wala akong shirt. Tapos ‘yong maong shorts na suot ko, sobrang ikli. Kasi gano’n daw ang mga sinusuot ng mga maninisid sa province. Maong shorts na punit-punit pa.

“Eh sa sobrang ikli no’ng maong shorts na suot ko, kailangang lagi akong naka-trunks o cycling sa loob. Kasi maikli talaga. Kapag bumukaka ako, makikita na ‘yong ano ko… ha-ha-ha!

“’Yong mga kasama ko noong una, nagri-react sila… uy, ano ba ‘yong suot mo? Sobrang ikli! Ha-ha-ha!”

From what he know, single ba si Jackie ngayon?

“Hindi ko alam, eh,” natawang sagot ni JC. “Ako, single… pretty much! Matagal na. Mga more than a year na akong single.

“Focus muna ako sa career ngayon, eh. Everytime na may work kasi, after work, nando’n lang ako sa bahay or sa gym.  Hindi na ako gumigimik, eh.  Siguro napagsawaan ko na rin ‘yong pag-gimik.

“Minsan-minsan na lang siguro. Kapag may nagyaya sa akin na friends na matagal ko nang hindi nakasama tapos nagyaya silang gumimik, okey lang. Pero ‘yong lagi, hindi na.”

Sa tingin niya, gaano pa katagal bago siya muling magkaroon ng interes for a relationship again?

“Actually, you can never tell, eh. Parang siguro… kapag dumating na. Na may makilala ako siguro na gustung-gusto ko.

“Kasi minsan naman, kahit na parang feeling mo gusto mo nang magkaroon ng girlfriend, pero wala pa naman ‘yong nakikilala mo na gustung-gusto mo talaga. Huwag na lang muna kung wala pa naman.”

Hindi na showbiz ang gugustuhin niyang maging girlfriend, right?

“Malamang!  Ha-ha-ha!

“Mahirap ‘pag showbiz, ‘di ba? Kapag dalawa kayong showbiz na in a relationship. Mas mahirap. Mas maraming… magulo. Tapos hindi nagkakaintindihan nga minsan.”

Hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ng ex-girlfriend niyang si Maxene Magalona. Since then, hindi pa raw sila nagkita. What if they see each other one of these days? Magiging kumportable kaya siya na makaharap ulit ito o iiwas siya?

“Sa akin wala na ‘yon, eh. Matagal na, ‘di ba? Years na. Happy naman ako ngayon with my life.”

Baka naman may lovelife siya ngayon at isinisikreto lang niya?

“Hindi. Loveless talaga ako.”

Fling o affair na walang commitment?

“Wala rin. After work talaga, umuuwi na ako, eh. Wala pa kasing ipinapakilala ang friends ko sa akin, eh,” biro pa niya.

Kailangan pa bang may ipakilala sa kanya? Pumunta lang siya sa mga bar o iba pang public place, marami nang girls ang lalapit at makikipagkilala sa kanya.

“Hindi rin. Siyempre kasi… if you’re looking for the right one, hindi ka dapat naghahanap sa bar o kung saan-saan.  Hinihintay mo na lang kung kailan siya darating sa buhay mo.

“Dapat ‘yong puwede mong iuwi sa bahay n’yo at maipagmamalaki mong ipa-kilala sa magulang mo at sa buong pa-milya n’yo.”

‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Says he’s single for more than a year: JC Tiuseco doesn’t want another showbiz girlfriend!

Leave a Reply

Your email address will not be published.