Sayawan, bumaha ng dugo

DAVAO CITY – BINAHA ng dugo ang masayang sayawan nang may naghagis ng granada sa gitna ng mga nagsasayaw sa Purok 2, Barangay Kapatagan, Laak, Compostela Valley, batay sa ulat ng Police Regional Office 11 (PRO-11) kamakailan.

Sa nakalap na report ni Supt. Jose Carumba, tagapagsalita ng PRO-11, hindi pa nakikilala ang suspek na nagtapon ng granada sa gitna ng sayawan na ikinasugat ng tatlong katao.

“Nangyari ‘yung insidente dakong alas-11:30 ng gabi. Sa imbestigasyon ay bigla na lamang may sumabog at tatlo katao na ‘yung naiwang duguan at nakahandusay sa gitna ng sayawan habang nagsitakbuhan na ang lahat,” ayon pa rin kay Carumba.

Kinilala naman ang mga biktima na sina Felimon Saiden, 46, residente ng Tagum City; Eli Piyal, 19; at Jovert Visagas, 16, pawang mga residente sa pinangyarihan ng madugong insidente.

Nagtamo umano ng mga shrapnel sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima na isinugod sa malapit na pagamutan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.