Sayang ang pagkaguwapo: Male actor pilit mang ilihim, pamilyado pa rin!

IKINALUNGKOT ko naman ang balitang naiparating sa akin nitong nakaraang linggo lamang. Nakatanggap ng tawag ang aking assistant mula sa personal secretary ni Boy Abunda na sinasabing medyo masama ang loob nila sa akin. Nakausap ko rin sa telepono si Jobert Sucaldito at sinabi rin ang tungkol dito.

Ayon sa kanila, hindi raw nagustuhan ang mga sinulat ko at ang mga sinabi ko sa aking programa sa DWSS 1294 khz laban kay Boy. Marahil ito ay may kinalaman sa eskandalong kinasangkutan ng magkasintahang sila John Lloyd Cruz at Shaina Madayao, maging noong kainitan ng mga isyu laban kay Kris Aquino.

Marami nang balita ang nakarating kay Boy. Maging ang pag-record sa CD ng aking radio program sa DWSS ay nagawa na rin, mapaniwalaan lamang sila, dahil hindi naman talaga siya naniniwala sa mga sabi-sabi. Ikinagulat ko ang nagawang pag-record dahil ibig sabihin ay sobrang daming nakikinig sa akin at talagang inaabangan ang aking chikka. Ngunit malamang ay ginawa lamang iyon para siraan ako at pabagsakin. Ang hinala ko, kagagawan ito ng mga grupong nais akong pabagsakin, ngunit hindi nila magawa, kaya maging si Boy ay idinadamay pa nila.

Inaamin ko na may mga sinasabi akong maaring makasakit sa ibang tao lalo na kung hindi ko mapigilan ang aking dila at ilantad ang katotohanan. Ginagawa ko lamang ang aking trabaho at kung naging personal man ito sa inyo, ipagpatawad n’yo po.

Honestly speaking, masakit sa aking kalooban na masaktan ang isang napakabuting taong tulad ni Boy Abunda. Matagal na kaming magkakilala at hanggang ngayon ay isa siya sa mga tumutulong sa akin pagdating sa aking kalusugan. Humihingi ako ng tawad sa sama ng loob na naibigay ko sa iyo at sa iyong mga staff, ipinapangako kong hindi na mauulit ang ganitong eksena. Muli… patawad, Boy Abunda.

NGAYON AY DUMAKO naman tayo sa isang napakagandang balita na hatid sa atin ng Century Chemical Corporation! Ngayong panahon ng sakit tulad ng mga sore eyes, ubo, sipon at marami pang iba, sanhi ng germs ay nararapat lamang na magkaroon tayo ng protection upang makaiwas sa ano mang sakit na kumakalat at sa mga gastos na dala nito.

Kaya naman ipinagmamalaki kong iprisinta ang GUARDIAN ETHYL ALCOHOL with 90% solution that kills 99.9% of germs!  Sa panahon ngayon, dapat maging praktikal at maging maingat. Dito sa GUARDIAN… Protektado ka!

At nais ko ring i-congratulate ang ANZAHL PAINT ng Century Chemical Corporation bilang isa sa mga sponsors ng matagumpay na Universal Reality Combat Championship o URCC event na ginanap noong nakaraang Sabado sa Makati. Winner na winner kayo!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong male actor na napapabalitang laging missing in action sa Metro Manila pagdating ng weekend?

Ang chikka kasi, pagdating ng Sabado, itong si male actor ay nawawala sa alta-siyudad at nagagawing South upang bisitahin ang kanyang non-showbiz jowa at wala pang one-year old na kambal… Tama!

Daddy na pala itong si male actor, kaya kahit gaano ka fresh pa ang kanyang look ay hindi na siya available dahil pamilyado na. Sayang at bagay na bagay pa naman sa kanya ang mga kontrabida roles!

Gusto n’yo ng clue? Punta kayong Laguna every weekend nang maispatan n’yo mismo! Pak!

Hindi n’yo mahulaan? Subaybayan na lamang sa aming programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30-12 nn at makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

10 thoughts on “Sayang ang pagkaguwapo: Male actor pilit mang ilihim, pamilyado pa rin!

  1. HEH!! INGGIT LANG SIYA SAYO TITA SWARDING.
    HINDI KASI NILA KAYANG MAGBULGAR NG MGA SENSATIONAL NEWS LIKE U, KUNG DI KO PA ALAM, SAYONG COLUMN PA NANGUNGUPYA SILA, MGA COPYCAT SILA. WALA SILANG FIGHTING SPIRIT, MGA URONG ANG BA . . G MGA BALITA NILA PURO HUGAS KAMAY, IWAS PUSOY.. YONG ONE SIDED BA.. AT PURO PUPURI MARIRINIG MO, OBYUS YAN. PWEE!
    MGA ETCHOSERANG PALAKA..MANINDIGAN KAYO.

  2. Bakit ka hihingi ng tawad kung katotohanan lang ang iyong sinasabi. Nagagalit ba si Boy Abunda dahil pilit nilang pinasisinungalingan ang pagkakadala kina shaina at John lloyd sa ospital ng magkadikit eh kung totoo naman iyon?

    Ano naman ang gustong ipasulat ni Boy Abunda.
    Na hindi malandi at makati ang mga alaga niya? Si Mariel…hindi makatiis na walang lalaki. Si kris…etc…gagawa ng kalokohan ang dsmga alaga niya pero gusto ni Boy Abunda na huwag isusulat ang mga pinaggagagawang kalokohan.

    sSya kasi ang naatasan gn ABS CBN na maglinis ng bakod at dumi ng kompanya. In other words…basurero si Boy Abunda.

    Yang mga alaga mo ang pagsabihan mo, Boy Abunda!!!!! Tumino sila para hindi sila nasasangkot sa gulo.

  3. kahit wala kang ginawang kasalanan maiinis parin mga tao sa piligid mo.. makita lng nila mukha mo sira na araw nila.. Kabayong malnurish ka kasi..

  4. good for you tita s.
    tama lng ang ginwa mong pagpapakumbaba
    pero trabaho yan..bigay opinion sa kapwa basta wag ka lng tu2lad sa ibang feelingerang writer dyan gaya ung ronnie na walang alam kundi manira.nka2hiya!

  5. nakakatuwa ka naman, marunong kang humingi ng tawad. tama iyan kung ang nasaktan mo ay ang tumutulong sa iyo. pero kung nagsasabi ka naman ng totoo at hindi naninira at hindi naman iyong taong tumutulong sa iyo ang ni-rereport mo, eh ginagawa mo lang naman ang iyong trabaho. pero kung naninira ka lang, humingi ka nga ng tawad. pero kung nag-bibigay ka lang naman ng opinion at parte ito ng trabaho mo bakit ka naman mag-sosorry. halimbawang alaga lahat ni Abundat ang mga artista eh ibg bang sabihin nito wala ka ng ibabalita at pagtatakpan mo lahat sila. kaloka talag a itong si Abundat. gusto niya untouchable siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.