Sawmill at Heavy Equipments, Sinilaban sa Isabela

KAGAGAWAN UMANO ng 18 armadong kalalakihan na nakasuot ng camouflage at fatigue uniform at nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasa likod ng pagsunog sa isang sawmill at maraming heavy equipment sa Usol, Jones, lalawigan ng Isabela.

Sinilaban ng mga salarin ang generator set, isang road grader, isang loader, dumptruck, tatlong forklift, isang 6×6 truck at isang crane .

Hindi pa malaman ang kabuuang halaga ng pinsalang dulot ng pagsunog sa maraming kagamitan at sa sawmill.

Matapos sunugin ang mga heavy equipment, sinilaban din ng mga armadong grupo ang iba pang bahagi ng sawmill tulad ng opisina at imbakan ng langis bago sila tumakas patungo sa silangang direksyon.  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.