Sawa sa mga tibong karelasyon: Aktres sa lalaki naman nahuhumaling!

KALOKA ANG ISANG aktres na ito. Kasi ba naman, pagkatapos na pagkatapos niyang makipagrelasyon sa kapwa niya babae ay sa isang lalaki naman siya ngayon nahuhumaling.

For a time ay naging dyowa ang aktres ng isang TV executive na mahilig talagang pumorma sa mga artista na kanilang hawak. Noong sila pa ng aktres, talagang namayagpag ang career nito. Kumbaga, palagi itong may proyekto. Ganyan ang tiborsyang executive, con todo alaga sa kanyang dyowa. Ha-Ha-Ha!

Anyway, napunta naman ang aktres sa isang mayamang lesbian na kilala rin sa showbiz kahit na medyo low profile ito. Matagal din ang kanilang relasyon hanggang sa nabalitaan na lang namin na hiwalay na ang dalawa.

What’s funny is isang lalaki naman ang ipinalit ng aktres. At take note, kamag-anak ito ng dyowa niyang tibo. Ha-Ha-Ha! Like her lesbian lover, madatung din ang dyowa ng aktres at marami itong business.

NAGULAT SI ROCHELLE Pangilinan sa tsikang iiwan na niya ang kanyang manager na si Joy Cancio. Ang tsika kasi, nakikipagnegosasyon na raw si Rochelle kay Ms. Wilma Galvante na executive ng GMA-7.

“Hindi naman po iyon totoo. Wala, wala po,” natarantang sabi ni Rochelle sa launching ng bagong season ng Daisy Siete, ang “Adam or Eve”.

“Hindi, ang pinuntahan ko roon ay si Luz Pobel kasi meron silang bowling. Nakausap ko si Ms. Wilma Galvante noong ‘SOP’ time pa sa Green Room. Nandoon si Aling Dionesia kaya nandoon si Tita Wilma. Sabi niya, ‘ang galing-galing mo!’” Esplika ng Sex Bomb dancer.

Maging si Joy ay nagpaliwanag sa issue.

“Kahit sa isa’t isa, alam namin kung bakit kami tumatagal, dahil ‘yung pagiging intact ng aming samahan, ‘yung pagmamahal nandoon. I’m sure mahihirapan ako, siguro sila rin mahihirapan kung kami ay magkakahiwalay. Ang wish ko lang, sana kung magkakahiwalay kami, siguro kung mag-aasawa na sila. At saka ‘yung maayos na pag-uusap. Pero ‘yung kay Wilma, siguro meron kasing time na mayroon akong nilalakad sa Siyete. Isa si Rochelle sa pioneer sa Sex Bomb. Kahit papaano, lumalakad ako, nagdi-dream na kahit paano maging primetime sila. Siguro nagkikita sila or nakukuwento ni Rochelle,” mahabang explanation ni Joy.

AYAW PA RING magsalita ni Oyo Sotto tungkol sa relasyon nila ni Kristine Hermosa kahit na sa isang interview ay inamin na ni Tintin na dyowa na niya ang anak ni Vic Sotto.

“Magiging kami lang ‘pag kasal na kami,” say ni Oyo sa group interview noong Trade and Press Launch ng TV5 sa World Trade Center. Talent ng TV 5 si Oyo na may horror show sa Singko, ang Midnight DJ.

Itinanggi ng binata ang nasulat na nagpakasal na sila ni Kristine sa US.

“Nasa Baguio ako kasama ang kapatid ko. So, malabong mangyari iyon. Sabi ko nga sa unang-unang interview ko, hindi po totoo na nagpakasal kami. If ever magpapakasal kami, sasabihin ko talaga kasi ayaw kong itago talaga. Dapat ipagmalaki talaga,” esplika ng binata.

Sabi ni Oyo, iba talaga si Tintin sa mga babaeng nakilala niya. “I don’t wanna compare pero she’s very simple, and very true. Marami lang taong nami-misinterpret ‘yung ugali niya na parang suplada siya or mahirap siyang kausapin. If you really get to know her, she’s very kind, loving, mabait, caring.”

At ipinagtanggol pa niya ang aktres sa mga batikos dito. “Nami-misinterpret ng tao ‘yung pagiging totoo niya as a person. If she feels something na hindi niya gusto, sasabihin niya. ‘Direk, ayaw ko nito.’ Ganyan, ganyan. Totoo lang siyang tao.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

13 thoughts on “Sawa sa mga tibong karelasyon: Aktres sa lalaki naman nahuhumaling!

  1. plastik ka oyo , lintik ka kahit kelan , hahahhahaha

    laki ng ngipin mu , hahhahahaha alang pag lagyan , hahahhaha

    • mabait ? magaling makiasama ? susme ka dai ,

      ubod ka ng cnungaling lintik ka . mabait ? my mabait bang basagulero ? marunung makisama ? may ganun bang hilig ayaw d2 ayaw dun ,
      d naman ubra kay rechard g . hahahha no match ang loko na malaki ilong . hahhaha

      pweeee – de ba . mag lubay ka , isa ka sa kamag anak ni oyo laki ngipin nu , o kundi nman kapatid ka nya ? hahahhahaha

      my mabait bang inagawan pati pinsan nya , ng gf . susme , pweee-de ba uli . kapal ng tinga mu .

      ang pangit mu oyo , laki ng ngipin , laki ng bunganga , laki ng ilong san ka pa . only c oyo sotto lang . hahahhaha

      • HOY ITSU NA POKPOK, HINAY HINAY KA LANG DAHIL BAKA ATAKIHIN KA SA PUSO SA SOBRANG INGGIT MO. SIGE KA, WELCOME NA WELCOME KA PA NAMAN SA IMPYERNO, HAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.