Saudi Fund, Gagamitin sa Pag-unlad ng Mindanao

PINAGTUTUUNAN NG PANSIN ng pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lugar ng Mindanao upang makamit ang kapayapaan ng mga residente rito na matagal nang inaasam-asam.

Sinabi ni Secretary Rogelio Singson sa coordination meeting sa pagitan ng representante ng Saudi Fund for Development (P-1MRIP), na pinakamimithi ng kasalukuyang administrasyon ang maiangat ang kahirapan ng mga nasa rural areas sa Mindanao.

Ayon kay Abdullah Al-Shedokhi namumuno ng SFD Mission na poponduhan niya ang mga kalye at tulay sa naturang lugar kung sasang-ayunan ng National Economic Deve-lopment Authority upang mabigyan ng pagkakataon na maiangat ang kabuhayan ng mga naninirahan doon.

Ang mga binabanggit na proyekto ay ang Contract Package 1A and 1B Cotabato City East Diversion road, contract package 2A and 2B of Lake Lanao Circumferencial road, and contract package 3A and 3B of Basilan Circumferencial road.
Kasama sa aayusin sa Cotabato East Diversion road ay ang 12.8 kilometers concrete road at konstruksiyon ng tatlong tulay na mag-uugnay sa Marbel-Cotabato road to Lanao na dadaan sa walong barangay.
Samantalang kasama rin ang konstruksiyon ng 25.52 kilometers ng concrete road sa Basilan circumferencial road na magmumula sa Baas patungong Tipo-Tipo at sa Maiuso at Canas.

Ang MRIP-phase 1 ay

poponduhan ng 20 milyong US dollar sa pakikipagtulungan ng Pilipinas at pamahalaan ng Saudi.

(FROILAN MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.