Sasakyan ni Lindsay Lohan bumangga sa isang 18-wheeler!

kanye_west-kim_kardashian

Picture 1 of 4


AKSIDENTE ANG
kinahinatnan ni Lindsay Lohan sa Pacific Coast Highway, kung saan bumangga ang sinasakyang Porsche ng aktres sa isang 18-wheeler truck.

Sa hospital na dineretso ang aktres pero balitang hindi ito sumakay sa isang ambulance at kasama niya sa nasabing aksidente ang kanyang assistant na nakasakay naman sa passenger seat.

Suwerte naman daw na hindi naman malala ang sinapit nina Lindsay at assistant nito at tanging konting galos lang ang natamo nila.

Matapos madala sa Sta. Monica UCLA Hospital sina Lindsay, nakalabas na rin sila matapos ang dalawang oras na pagkaka-confine.

At dahil sa maliliit na bruises, cuts and scratches ay nadaan naman daw sa make-up ang mga ito at naituloy nito ang pagsi-shoot ng kanyang latest flick na “Liz & Dick” kung saan gagampanan niya ang papel na Elizabeth Taylor.

 

$750K LAMBORGHINI REGALO NI KIM KARDASHIAN KAY KANYE WEST!

 

KALOKAH PALANG mainlab si Kim Kardashian! For 3 months ng pagiging mag-jowa nila ng rapper na si Kanye West ay bongga raw magregalo ang seksing reality star.

Kamakailan lang kasi ay isang pares ng Nike Air Yeezy sneakers daw ang iniregalo ng “butt-blessed” na si Kim sa jowa niyang si Kanye kahit wala namang okasyon.

At ang mas nakakalokah raw, sa 35th birthday daw ni Kanye, isang Lamborghini na nagkakahalaga raw ng $750,000 ang regalo ni Kim kay Kanye!

“One lucky guy” nga raw ang rapper dahil sa bukod sa maganda na ang girlfriend nito at super pabolosa pa raw ito kung magregalo ay very supportive pa raw ito sa career ng rapper. Karay-karay rin daw kasi ni Kanye si Kim kahit sa concert nito sa Dublin, Ireland kasama ang jowa ni Beyonce na si Jay-Z.

 

 TINA TURNER PINATAY SA TWITTER!

 

MARAMI-RAMI NA rin namang mga local at international celebrities ang “pinapatay” sa twitter. At ang latest na nabiktima ng twitter hoax ay ang legendary singer na si Tina Turner.

Last week ay lumabas sa twitter world ang balitang namatay na diumano ang 72-year old songstress na si Tina. Pero idinenay naman ng representative ng singer at sinabing walang katotohanan ang balitang ito. Buhay na buhay raw ang singer.

Ayon naman kay Deborah Feyeric sa kanyang twitter, “She wasn’t dead on Sunday, she wasn’t dead on Thursday, she’s not dead today. Someday this will be true, but not this week.

Ilan pa sa napabalitang “namatay” sa twitter ay sina Justin Bieber, Usher, Patrick Dempsey at Chris Brown.

 

MADONNA NAGPAKITA NG NIPPLE SA KANYANG CONCERT SA ISTANBUL!

 

SA EDAD na 53 ay hindi pa rin papahuli ang “Material Girl” na si Madonna pagda-ting sa pagpapaseksi.

Sa kanyang concert sa Istanbul, Turkey, namangha ang mga manonood sa Queen of Pop nang walang takot itong kumanta ng kanyang hit song na “Human Nature” suot ang isang skimpy bra at ibuyangyang ang kanyang right nipple sa mga manonood!

Mangha pero super-enjoy raw ang mga manonood sa ginawang pagpapakita ng nipple ni Madonna.

Isa lang ang Istanbul sa 30 bansang pagtatanghalan ni Madonna ng kanyang MDNA Tour at pagpapakitaan niya ng mga erotic moves kabilang na nga ang nipple exposure.

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.