Sarmiento bilang claims board, kinuwestyon sa SC

KINUWESTYON NG apat na militanteng grupo sa Supreme Court (SC) ang pagkakatalaga kay retired Police General Lina Castillo Sarmiento bilang chairperson ng Human Rights Victims’ Claims Board.

Base sa 20-pahinang petition for certiorari, prohibition and injunction with application for temporary restraining order (TRO), iginiit ng grupong Bayan Muna, Selda, Karapatan at National Union of Peoples Lawyer (NUPL) na ilegal ang pagkakatalaga kay Sarmiento.

Sinabi ng grupo na may grave abuse of discretion at dapat na ipawalang-bisa ang pagkakatalaga kay Sarmiento dahil kontra ito sa pangunahing mithiin ng Republic Act (RA) 10368 na nagtatag ng Human Rights Victims Claims Board, dahil nagmula ang retiradong opisyal sa PNP na naging bahagi ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao.

Maliwanag anila sa Section 8 ng RA 10368 na ang itatalaga sa board ay dapat may malinaw, sapat na kaalaman at hangarin sa pagpapatupad ng karapatang pantao.

Kabilang sa respondents sa inihaing petisyon si Pangulong Noynoy Aquino III na nagtalaga kay Sarmiento. Sa kanyang talumpati sa Cebu, nauna nang idinipensa ng punong ehekutibo ang pagtalaga kay Sarmiento.

Ang Claims Board ang tatanggap, susuri, magsisiyasat at mag-aapruba ng aplikasyon para sa kompensasyon ng Martial Law victims.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.