Sarangani, Naghahanda na sa Epekto ng LPA

PINAALERTO NA ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) deputy regional director Jerome Barangco ang lahat ng local government sa Region 12 na paghandaan ang epekto ng low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng General Santos City.

Sinabi ni Barangco na mas pinag-iingat ang mga mamamayan na nakatira sa paanan ng bundok at tabi ng mga sapa sa posibleng flashflood o landslide.

Pinaghahanda na rin ng NDRRMC ang lalawigan ng Sarangani na maaapektuhan ng LPA na magdudulot ng mga pag-ulan.

Binawalan na rin ang paglayag ng mga malilit na sasakyang pangdagat na mapanganib dahil sa paglaki ng mga alon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.