Sarangani, Inuga ng Lindol

NIYANIG NG magnitude 4.5 na lindol ang ilang bahagi ng Davao del Sur bandang alas-9:27 ng gabi kamakalawa.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol sa 114 kilometro silangan ng lalawigan ng Sarangani.

Tinatayang may lalim na 130 kilometro ang lindol, na tectonic in origin.

Samantala, naramdaman naman ang Intensity II sa siyudad ng Davao.

Wala namang nai-report na nasawi o nasugatan sa nasabing lindol.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.