Sarah’s mom throws tissue at Direk Cathy

NA-SHOCK KAMI nu’ng makarating sa amin ang balitang ‘yun na isang young actor na kilala naming mabait at “martir” sa pag-ibig ay meron din palang bisyo, ‘no?

Alam n’yo bang ‘pag kailangan daw nito ng E (hindi E-modium, ha?) as in Ecstacy ay otomatik na nitong maiisip na magtungo sa isang bar sa Quezon City para puntahan ang taong iniiskoran niya ng E.

One time, sa bar na kanyang pinupuntahan ay roon na raw nito tineyk ang E together with his ka-jamming sa E na isang girl. Aba, nu’ng medyo me tama na raw ang young actor, hamunin ba naman ng suntukan ‘yung babae?

Ewan kumbakit uminit ang ulo ng young actor. Parang hindi pa yata namin nababalitaan na uminit ang ulo niya. O, gano’n talaga ang epek sa kanya ng tabletas?

Hay, naku, mag-iingat si young actor, dahil baka ma-frame up o ma-set up siya, lagot. Ang mga parents pa naman niya ay kilala ng mga fans, ‘no!

Kaya sana ay ‘wag “toyoin” ang ulo niya.

I mean the upper head, ha?

(Kilala n’yo na ba siya kung sino siya? Well, just text us, just type OGIE ON at i-send sa 2366.)

BAKA SA SATURDAY, balik-Wowowee na si Willie Revillame matapos siyang ma-confine sa St. Luke’s para sa kanyang executive check-up.

Nagririgodon ang bituka ni Willie ‘pag nalilipasan siya ng gutom. ‘Pag kumakain naman, nasusuka. No, hindi naman siya pregnant. Hehehe.

Tapos, barado pa ang heart niya, kaya in-angiogram din siya.

Nakatakda ring magpa-laser ng mata si Willie para hindi na siya nagsasalamin, dahil malabo nga rin ang kanyang paningin. Isinadyest namin kay Willie ang Asian Eye Institute (na nasa Phinma Building sa Rockwell), dahil mahuhusay ang doktor do’n.

Siyempre, diyan kami nagpa-lasik (laser-assisted in situ keratomileusis), kaya 20-20 na ang aming vision at wa na kami wear ng iba’t ibang kulay ng contact lenses na apat na taon din naming ginawa.

Nakakalokah, ‘no? ‘Pag marami kang pera, kung hindi emotional o personal, health naman ang problema mo.

PROMISE, TRUE NGA na binato ng kinuyumos na tissue ni Mommy Divine si Direk Cathy Molina nang hindi sumisigaw ng cut si Direk, dahil papalapit na nang papalapit ang lips ni John Lloyd Cruz sa lips ng anak nitong si Sarah Geronimo habang kinukunan ang “kissing scene” sa You Changed My Life na showing na sa Feb. 25.

Pero sabi naman ng nakausap namin, “Hindi naman galit na nambato ng tissue si mommy, in fairness. Nakangiti naman siya, pero nandu’n ‘yung tensiyon niya na baka biglang maglapat ang mga labi nila ni John Lloyd,” sey pa ng aming source.

Eh, si Direk Cathy, na-offend ba?

“Hay, naku, sanay na si Direk Cathy kay Mommy Divine, dahil alam naman ni Direk Cathy na reaktora palagi si Mommy sa mga eksena.”

Kami naman ay naniniwala na ang success ni Sarah ay dahil na rin sa maayos na pagpapalaki sa kanya ng ina.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig sa Wow! Ang Showbiiiz! sa DWIZ 882khz at maririnig din nang bonggang-bongga sa www.dwiz882.com, 11-12nn. Kasama namin dito si Ms. F.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

One thought on “Sarah’s mom throws tissue at Direk Cathy

  1. ..mabuti pa tong c OGIE DIAZ…maayos mgbgay ng issue…kya gs2ng gs2 q sya weh..pti sa MAY BUKAS PA…

    ..go ogie..keep up d good work..

Leave a Reply

Your email address will not be published.