Sarah, matibag kaya sina Anne at Vice?

MATATANDAANG DALAWANG BESES nang itinanghal si Sarah Geronimo bilang Box-Office Queen sa Guillermo Mendoza, una noong 2009 para sa A Very Special Love at sumunod noong 2010 para sa You Changed My Life na parehong si John Lloyd Cruz ang nakapareha niya sa dalawang pelikula. Malapit na ring ipalabas ang pangalawang pelikula nila ni Gerald Anderson na Won’t Last A Day Without You. Naging maganda ang tinakbo sa takilya ng kanilang unang tambalan, kaya bonggacious ang Pop Princess. Pero may pressure ngayon kay Sarah kung mahihigitan ba nito ang dalawang naunang pelikula ng Star Cinema at Viva Films (No Other Woman at Praybeyt Benjamin) na parehong kumita ng mahigit P200 milyon. Natsa-challenge daw ang dalaga para lalong pagbutihan ang trabaho nila ni Papa Gerald. Ang tanong, matibag kaya ni Sarah ang pinagsamang puwersa nina Anne Curtis at Vice Ganda?

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleCynthia Jordan: Production Manager ng Toda Max!
Next articleSino ang magbabayad — ang employer o ang ahensya?

No posts to display