Sarah Lahbati’s Fierce Comeback

Sarah-LahbatiISA SI Sarah Lahbati sa pinaka-kontrobersyal na artista noong 2013. Paano ba naman, umpisa pa lang ng taon ay samu’t saring issue na ang kinasangkutan at bigla na lang itong nag-baboo sa madla. Marami ang nanghihinayang dahil siya na ang next in line sa balak pasikatin ng Kapuso network. Add the fact na that time din pinalabas ang launching movie niya na ‘Seduction’ with Solenn Heussaff and real-life boyfriend na si Richard Gutierrez.
It is proven that there’s no permanent enemies in showbiz. Before you know it, nag-apologize ang dalaga sa mga nasaktang tao at this year ay nakatakda siyang lumabas sa isang TV series sa bakod ng TV5. Pinahiram lamang siya sa Singko dahil exclusive talent pa rin siya ng GMA Artist Center.
Inabangan ko ang special comeback production number ni Sarah Lahbati sa Sunday All Stars and my, she didn’t disappoint! Wearing a sexy but not really a revealing outfit, she sang live and eventually danced to new Beyonce songs ‘Yonce’ and ‘Partition’. Sumayaw ito in a sensual yet classy way. Alam naman nating lahat na marami talagang sexy sa programang iyon, pero karamihan sa kanila ay medyo hindi ganu’n ka-graceful mag-project. Do we need to name names?
Magaling na noon pa man si Sarah Lahbati, at mukhang mas determinado pa ito ngayon keysa dati. The girl is on fire!
Napaka-suwerte ni Sarah dahil hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng second chance lalo na sa lahat ng isyung kinasangkutan niya. With her talent and determination, it seems that she will go a long way. This is just the beginning!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.