Sarah Lahbati, tutuluyan na ng Siyete!

AYAN! NAGDEKLARA na ang GMA 7 na kakasuhan na nila si Sarah Lahbati dahil sa mga inilabas nitong expose laban sa kanyang home studio at sa ilang executives na dinadamay niya sa mga pasabog niya.

Mahaba ang huling statement na ipinadala ng GMA 7 sa press, at isa du’n sa hindi nila matanggap ay ang sinabi nitong “under  the table” negotiation, kung saan involved sa ibinibintang niya si Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Kaya ang ending, hindi lang ang GMA 7 ang magdedemanda sa kanya, kundi baka pati si Atty. Annette dahil sa ibinibintang sa kanya ni Sarah.

Ang dinig ko, meron na naman daw tinu-tweet si Sarah, na ang talagang tinitira niya ang GMA Artist Center. Meron pa raw siyang collectibles na hindi pa nabibigay sa kanya. Kaya hindi na raw niya ma-take ang ganu’ng pagtrato sa kanya ng GMAAC.

Ang tapang ng batang ito, ha! Pero ang tingin ko naman diyan, iniimbestagahan na ‘yan ng GMA 7 at hindi naman ‘yan pababayaan. Siguro dapat ngang maayos na ‘yan, kung meron ngang ganu’ng problema.

Pero ang tanong ngayon, ano na ang mangyayari sa career ni Sarah? Willing ba siyang manahimik na lang sa Switzerland at ituloy ang pag-aaral.

May kumalat na nga na kuwentong umalis na raw ito sa Switzerland, pero ang alam ko nandito pa siya.

Itutuloy pa rin ba ang pag-alis niya? Matutuloy ba ang demandahan? Ano ang mangyayari n’yan?

Hindi naman natin alam kung ano ngayon ang naglalaro sa isip ni Sarah. Pero baka naman gusto na niya ng tahimik na buhay.

Gusto na lang nga siguro niyang nasa Switzerland na lang siya at ituloy ang kanyang pag-aaral. Ibang career na siguro ang gusto niyang tatahakin.

Sana tama na nga itong desisyon niya.

 

NAPAKA-IMPRESSIVE DAW ng Indio na pinanood ng movie press sa special screening nito na ginanap sa Cinema 5 ng SM-Megamall nu’ng kamakalawa ng gabi.

Gabi na naman kasi kaya hindi ako pumunta dahil alam n’yo naman, hahabulin ko pa sa bahay ang Pahiram ng Sandali at matutulog na ako pagkatapos, ‘no!

Pero sa trailer pa lang, mukhang napakalaki talagang proyekto ito ng GMA 7 kaya nakakakaba pero nakaka-excite para kay Bong siyempre.

Ipinanood sa media ang day one ng Indio na mapapanood na sa Lunes at manghang-mangha ang lahat na nakapanood.

Kaya tuwang-tuwa ang GMA 7 dahil inaabangan na talaga ito at malaki ang expectations sa epic-seryeng ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

12 thoughts on “Sarah Lahbati, tutuluyan na ng Siyete!

  1. hanga ako sa tapang mo Sarah. Siguro naman ikaw na ang magiging susi para mabago kalakaran dyan sa network mo or sa showbiz industry. syempre tama lang na lumaban ka kapag tinatapakan ka

  2. HINDI SISIKAT ANG KAGAYA NG BABAENG ITO NA PALENGKERA NA SUMBUNGERA PA SIPSIP PA SA BIYENANG HILAW NA PAREHAS NIYANG PALENGKERA. ANNABEL PALENGKERA. RUFFING PALENGKERA. RAYMONDING BAYOT. WE ARE FAMILY LANG ANG PEG.

  3. wow ha matapang tong c sara labatibang to ha mga big boss mismo ng kumpanyang ngbigay ng breaks saknya kinakalaban nya ha tignan nga natin kung hanggang saan ang itatagal ng babaitang kokak na itech…

  4. Buntis lang yan kya gusto bumalik sa switzerland pra kuno mag aral. After 9mos babalik ulit yan saying “Imiss being in the limelight. Nililihis lang ang issue pra hindi mafocus sa pagbuntis nya.

  5. GO GO GO SARAH ! DAPAT LAHAT NG ARTISTA KASING TAPANG MO PARA WALA NG GULANGAN AT ITULOY MO YAN !DAPAT MGA ARTISTA MAGTAYO NG UNION PARA HINDI BASTA MAKAPANGGULANG  MGA NETWORK,MGRS,ETC AT DAPAT 8 HRS LANG A DAY ANG TRABAHO,AFTER 8 hrs DOUBLE TIME NA!!!!

    • yes, yes, tayo kayo ng Union,,,lahat ng artista,,,dapat kasali,, yeheeey,,,lalo na yung mga taga star magic. ang dami sa kanila, walang project, naka tenga,, inuuna yung may mga kapit sa taas, go go mo yan

  6. GO SARAH LAHBATI IM ON YOUR SIDE ALL THE WAY…i’m sure me pakinabang ang inbang new artists s gagawin mong iyan pra matigil na ang panggugulang ng ibang talent center at managers mismo na kaltasan ng npkalaking porsyento ang mga talents nila…at d pagbabayad s mga tinrabaho nyo na!!! Alam kong malaking isyu ito at d bsta basta ang kalaban mo pero kung me mga ibedensya k nmn eh ipaglaban mo teh…!

    • calling all talents na naka tenga, both gma7 at abs cbn,, magka isa na kayo,,,ha ha ha lalo na kayo diyan sa star magic,, kailan kayo magtitiis diyan, gayahin ninyo si sarah lahbati ng gma artist center, pumalag,,he he lumabas na rin kayo diyan sa kuwadra ninyo,,,

    • pati yung pang aabuso ng mga baguhang talents, dapat mabulgar na na rin,,,kaligayahan muna ng mga bakla at tomboy na T.V. executive, bago kasikatan,,,calling calling coco martin,,,matteo, Ejay, kailan kayo maglalakas loob,,,,eto may isang baguhan,,, lumabas,,hak hak,,,,babae pa,,,eh kayo,,may balls ba kayo..hak hak

    • YAHAHAH KAMPI AKO SA IYO DIYAN SARAH, PAG NALUSUTAN MO YAN,,TAMA SI VIGILANTE,,LAHAT DAPAT NG TALENTS, BOTH NETWORKS MAGKAISA,,HAHAHA,,, KAYA LANG KUNG NAG IISA KA NAMAN,,,WALA RIN,,,KUNG PURO FANS LANG AT SALITA DITO SA POST, WALEEY RIN MANGYAYARI,,YAHAHAHA, DAPAT SUPORTAHAN KA, LALO NA YUNG IBANG TALENTS NG ABS CBN, NA MATINDI PA DIYAN SA IYO ANG GINAGAWA,, WAHAHAHA, NAABUSO PA ANG KATAWAN NILA,,HAHAHAH

Leave a Reply

Your email address will not be published.