Sarah Lahbati, tiklop sa GMA exec?

Sarah-LahbatiANG ISA pang hinihintay natin ang mga kaso naman nina Atty. Annette Gozon-Abrogar at Sarah Lahbati.

Na-dismiss na kasi ang mga kasong isinampa ni Sarah laban kay Annette, pero ang mga kaso naman kay Sarah, nandiyan pa rin. Kaya lang nasa mediation na sila at mukhang magkakaayos.

Sabi sa amin ng mga taga-Startalk, baka magkaroon daw ng presscon para i-announce ang pagkakaayos nilang dalawa.

Gusto na kasi ni Sarah na bumalik sa trabaho at mukhang mapupunta naman ito sa pag-aayos, at open naman si Annette basta makita lang daw niyang sincere si Sarah sa paghingi ng tawad sa kanya.

Tingin ko naman maaayos ‘yan kaya mukhang maganda ang resulta ng mediation nila.

Siyempre, exclusive na mapanood n’yo ‘yan sa Startalk sa Linggo.

 

ANG ISA pang aabangan n’yo sa Startalk ay ang tell-all interview ni Wally Bayola tungkol sa pinagdaanan niyang iskandalo.

Nagsalita na rin ito ay napakabigat pa rin ng pinagdaanan niya, dahil nahihirapan itong mabalik sa dating sigla, Siyempre kailangan niyang magpatawa, pero nandiyan pa rin daw kasi ang guilt at nahihiya pa raw siya sa mga tao, kaya nahihirapan ito.

Nag-guest na nga ito sa Celebrity Bluff nu’ng isang gabi at mabuti naman alalay siya nang husto ng mga kasamahan niya sa game show na ‘yun.

Pero guesting pa lang ‘yun at hindi pa masabi kung tuluy-tuloy na siya.

Sana nga makabalik na talaga si Wally, dahil may anak pa itong may sakit na talagang ginagastusan niya nang husto sa hospital at sa pagpapagamot.

Kawawa naman eh.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.