Sarah Lahbati, matindi ang akusasyon sa home network!

KALOKA NAMAN ang isyu between newcomer Sarah Labhati at ng GMA Artist Ceter and Kapuso Network.

Akala ko sa simula, promo lang ng pelikula niyang Seduction with boyfriend Richard Gutierrez ang balitang she’s quitting showbiz para bumalik na lang sa Switzerland para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral dahil sa maraming  mga kadahilanan.

Ayon sa kampo ng GMA, naging unprofessional si Sarah para layasan ang taping niya ng isang bagong teleserye na nagkanda-letse-letse ang iniwanang taping na hindi diumano nagpaalam.

Akala ko sa simula, tipikal brat girl lang si Sarah na biglang iiwanan ang kanyang mga commitment sa network, pero mas malala pala ang mga kuwento tungkol sa rason ng baguhan at ng GMA Artist Center.

Ayon kay Sarah, sinasabotahe siya ng istasyon dahil sa mga naglalabasang mga isyu laban sa kanya na nagsimula nang hindi ito pumirma sa kontrata sa ICONS (isang talent management) na ayon sa baguhan ay may under the table negotiation with GMA Artist Center na pinamumunuan nina Arsi Baltazar and Annette Gozon-Abrogar na President ng GMA Films na anak ng Chairman at CEO ng GMA Network na si Atty. Felipe Gozon.

Sa pagtanggi ni Sarah na pumirma sa ICONS (na hindi naman konektado sa GMA sa rekomendasyon ng GMA Artist Center na mag-handle sa kanyang career as co-manager) mas pinili ng baguhan ang talent management company ng ina ng boyfriend niya na si Annabelle Rama (ang Royal Era Entertainment) na hindi naman diumano madiretso nina Abrogar at Baltazar na ayaw nila kay Rama dahil sa impresyon na iskandalosa ito at negative ang imahe sa showbiz at sa mga advertisers na nakasisira sa talent.

Sa presscon last Tuesday ng sexy film na Seduction ng Regal Entertainment na dinirek ni Peque Gallaga kung saan bidang babae si Sarah, no show ito at ang balita ay tumakas na ito para bumalik ng Switzerland.

Kung saan hahantong ang isyung ito at mauwi man sa demandahan ay abangan na lang natin.

Sa ganang akin, there’s something fishy behind this issue.

 

SUPER SEXY si Richard sa pelikula niyang Seduction na magpapakilig sa mga bading.

Kung sina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo ay nagpakita ng kanilang butt sa pelikulang One More Try, ang sabi, hindi magpapatalbog si Richard sa pelikula dahil magpapamalas daw ito ng isang daring scene (first in his career) sa pelikula na tatalbugan si Daniel Fernando sa Scorpio Nights na nagpakita ng kanyang ari.

I’m sure, sa paglabas ng pelikula, unang-unang pipila ang mga bekie na nagpapantasya kay Richard.

 

INTERESTING ANG bagong pantaserye ng Kapamilya Network, ang Juan dela Cruz, na pagbibidahan ni Coco Martin.

We’ve seen the trailer at tipong pinaghalong fantasy cum horror ang serye na makikipagsabayan sa Indio ni Bong Revilla at Kidlat ni Derek Ramsay.

Based on trailer ng tatlong teleseryeng ito sa telebisyon, I find Juan dela Cruz more interesting than the two.

Ang pantaserye ni Derek, luma na ang dating (parang Kaptain Barbel). Ang trailer ng Indio, tipong Amaya ni Marian Rivera na walang ipinag-iba na lalaki lang ang bida.

Sa 2013, I want something new. I want a better teleserye na makahahatak sa atensyon ng publiko at sa interest ko.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

3 thoughts on “Sarah Lahbati, matindi ang akusasyon sa home network!

  1. naku papanoorin ko yan para makita ko ang katawan ni richard, sarap nun! hakhak! sana magpakita siya ng pototoy para mas happy haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.