Sarah Lahbati, ‘di pa rin maamin ang anak kay Richard Gutierrez?

Sarah-LahbatiSarah-LahbatiMALAMANG NAGING open na si Sarah Lahbati sa GMA 7 pagkatapos nilang magkaayos ni Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Nasagot niya kaya at inamin kaya niya kung ano talaga ang totoo sa isyung kinasangkutan niya?

Siyempre ang tinutukoy ko ‘yung tungkol sa baby. Totoo kayang nabuntis talaga siya? Inamin kaya niya ‘yun kay Atty. Annette at sa GMA Artist Center. Kasi protektado na siya sa GMA 7, eh.

Nu’ng nagsalita sila ni Atty. Annette sa media tungkol sa kanilang pagbabati, ‘yun lang ang puwedeng pag-usapan at huwag daw muna ang ibang isyu.

Kaya hindi tuloy natanong ang tungkol sa isyung buntis at ang tungkol sa kanila ni Richard Gutierrez.

Magkakaroon naman daw ng tamang panahon para du’n.

Okay! Tingnan na lang natin kung kailan na talaga sasagutin ‘yan ni Sarah at pati na rin ni Richard.

Basta masaya na ngayon si Sarah dahil naayos na ang problema niya sa GMA 7. Tuloy na ang trabaho niya at marami na raw balak ang GMA 7 sa career niya.

May gagawin din daw siyang telesine sa TV5. Pero mauuna pa rin siyang lalabas sa GMA 7.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.