Sarah Lahbati, dalawang kaso ang kinakaharap!

HAY, NAKU! Si Sarah Lahbati pa rin ang usap-usapan dahil dalawang kaso na ang isinampa sa kanya nitong nakaraang linggo lang.

Si Atty. Annette Gozon-Abrogar ang unang nagsampa ng kasong Libel sa Makati. Nu’ng Biyernes naman ay kasong Breach of Contract ang isinampa ng GMA 7 laban sa kanya.

Hindi na nagti-tweet si Sarah ng kung anu-ano. Siguro nag-iingat na rin dahil may kaso na, eh.

Sinubukan naman ng Startalk na kontakin si Sarah para magbigay ng statement pero nakiusap itong mananahimik na lang muna. Magpapa-interview naman daw siya sa tamang panahon.

Ang alam ko, magpapalit si Sarah ng phone number dahil ang dami na raw nanggugulo sa kanya. Ang Mommy na lang yata niya ang hahawak ng phone niya para hindi siya maapektuhan ng mga natatanggap na text na nanggugulo lang sa kanya.

So far, wala pang balita kung kailan ang alis nila pa-Switzerland. Baka hintayin pa raw nila ang showing ng Seduction.

Nagpahayag naman si Richard ng suporta sa young actress. Sinabi raw nito sa Instagram niya na nandiyan lang siya lagi sa pinagdaanan niya.

 

MAMAYANG GABI na magsisimula ang Indio ni Sen. Bong Revilla at ang laki ng expectations dito ng lahat, dahil sa trailer pa lang nakikita mo nang ginastusan ito nang husto.

Sabi nga ni Bong, parang sampung pelikula raw itong ginawa niya.

Pumayag siyang magpa-acting workshop kay Laurice Guillen at Pen Medina para maibigay lang niya ang hinihingi ng role. Nandiyan pa si Philip Salvador na nakatutok sa kanya para i-guide siya ng tamang acting.

Talagang pinahirapan daw siya nang husto. Pero okay lang kay Bong basta lumabas lang na maganda ang performance niya sa kauna-unahang drama series na ginawa niya sa GMA 7.

Abangan n’yo ‘yan mamaya sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

 

GUEST PALA namin sina Bela Padilla kasama sina Dion Ignacio at Pancho Magno dahil pinu-promote nila ang pagtatapos ng Magdalena ngayong linggo.

Tamang-tama naman, nagpadala roon ang FHM ng mga kopya na si Marian Rivera ang nasa cover.

Nu’ng nag-promote sila, sabay naman naming pinromote ang FHM at ibinigay ko pa ang kopya kay Bela. Pati si Ricky Lo, nakalimutan din, pinakita rin ang kopya kay Bela.

Tiningnan naman ni Bela at tahimik lang ito. Huli na lang namin naalala na may gap pa rin pala sina Bela at Marian, pero tahimik na lang sila at dedma lang si Bela.

In fairness, ang ganda ni Marian sa pictorial na ‘yun kaya sobrang mabenta raw ang kopya ng magazine na ‘yun.

150th issue ‘yun ng FHM kaya espesyal na kopya at tuwang-tuwa sila na pumayag si Marian na mag-pose.

Naintriga pang hindi raw pabor si Dingdong sa pag-pose na ‘yun ni Marian.

Sabi naman ni Marian, pagdating sa kanilang career ay hindi raw sila nakikialam sa isa’t isa. Nagkakaintindihan daw sila, kaya wala raw ganu’ng drama na kontra si Dingdong.

Tuwang-tuwa nga raw ang aktor nang nakita ang mga kuha niya sa magazine na ‘yun.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Sarah Lahbati, dalawang kaso ang kinakaharap!

  1. ay naku starlet naman yan.. d naman kagandahan marami pang starlet na mas maganda at sikat kesa sa kanya.. chura,chura,,,

  2. Wala rin namang nangyari sa career niya sa GMA 7 so wala ring kawalan kung umalis siya dun. Pareho sila ng co-winner niyang si Steven Silva ba yun? Pati na rin sa mga past Start Struck winners. Hayyy..

  3. Engot si Sarah na nagpasulsol kay Bisaya.  Parang storya lang iyan ni JC.  Inulukan ni Bisaya si JC na kalabanin si Wilma G.  Ang engot na JC hindi alam ang maitim na balak ni Bisaya.  Noong panahong iyon ay bumabango na ang pangalan niya at malapit nabg naungusan si Chard.  Matalino si Bisaya inilipat sa TV 5.  Ngayon naman si Sarah ang ginagamit dahil baka in love na talaga si Chard.  Pag nagkataon sira ang career ng anak at putol ang pera nila.  So  mega ulok na naman si Bisaya na kalabanin at magsalita laban kay Anette.  Tagumpay na naman ang Anabil.  Lalayo si Sarah pabalik sa Switzerland.  Tanga ka Sarah

Leave a Reply

Your email address will not be published.