Sarah Geronimo, walang latoy ang acting sa Idol

OLA CHIKKA! MARAMI na nga ang excited sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa taon. Sa mga pelikulang tiyak na kaabang-abang, isa na rito ang Agimat ni Enteng kung saan ang dalawang pinakapatok na artista sa MMFF ay magsasanib. Sina Sen. Bong Revilla Jr. at Vic Sotto ay magsasama sa kanilang movie entry for this year at tiyak na marami ang nasasabik nang mapanood ito. Paano ba naman ay kapag sinabi mong MMFF ay ang pangalan ng dalawang bigating artista ang agad mong maiisip, hindi ba?

Ngunit ano itong aking narinig na chikka na sa kabila ng mabilis na paglipas ng panahon at nalalapit na ang Disyembre, hindi pa rin nasisimulan ang script ng nasabing pelikula. Ang script ay sinasabing backbone ng mga pelikula, dahil ito

ang pinagbabasehan ng bawat ekesena. Papaano makapaghahanda ang buong production kung wala silang sinusundang guide?

Narinig kasi ng aking parazzi girl na hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang script ng Agimat ni Enteng, dahil nahihirapan daw diumano ang scriptwriter kung papaano niya bibigyan ng tamang exposure ang dalawa.

Kung sa bagay, kahit ako naman ang magsusulat ng script ay mahihirapan din ako lalo na at dalawang bigating artista at palaging bida ng MMFF ang mga ito. Kailangan nga naman niyang maging maingat upang mabigyan ng tamang exposure ang dalawa dahil baka pagmulan pa ito ng mga intriga at siyempre para magkaroon pa ng part 2, hindi ba?

Pero siyempre sa ganitong kalaking proyekto,  hindi makapapayag ang buong production na hindi maituloy at masilayan ang kapangyarihan ng Agimat ni Enteng.
MUKHANG MARAMI ANG magagalit sa aking beauty kapag sinabi kong hindi ko bet ang bagong palabas nitong Pop Princess na si Sarah Geronimo. Kung ikukumpara mo noon, mukhang mas magaling pa siya umarte kaysa ngayon. Noon kasi ay mas madarama mo ang kanyang pag-arte ngunit ngayon ay parang hindi mo ma-feel ang mga eksena. Mas nakakaiyak pa ang mga arte ng mga bata kaysa sa kanya. Buti na lang ay nababawi niya sa pagkanta ang kakulangan niya sa kanyang pag-arte.

Or maaari rin namang sadyang hindi lamang siya makasabay sa pag-arte sa kanyang kasamahan. Si Sam Milby pa lang, panalo na ang pag-arte tapos idagdag mo pa si Coco Martin na bagay na bagay ang role sa palabas ay papa’no na makahihirit sa pag-arte ang Pop Princess?! Sige Sarah ibirit mo na lang… birit lang! Paak!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong sexy actress na napapasama sa panibagong listahan ng mga pa-booking na mga artista? Tamah!

Kamakailan lamang ay naisiwalat sa akin ng aking parazzi girl ang nasagap na isang chikka sa advertising agency na maraming connection sa entertainment world.
Ang chikka kasi ay matagal na itong naiintriga tungkol sa kanyang sugar daddy, ngunit nang maka-chikkahan ko itong aking parazzi girl ay buong tapang niyang ibinulgar na hindi pala local personality ang sponsor ni sexy actress kung hindi foreynjer. Ha-ha-ha! Bongga!

Hindi ako makapaniwala dahil kung puwede ko lang sabihin kung sino ang nagpa-booking sa kanya ay tiyak na kahit sinong babae sa Pilipinas ay nanaisin na ring magpa-booking kahit wala nang bayad ay go pa rin sa talentadong foreynjer na ito.
Napakasuwerte talaga ni sexy actress dahil hindi lang niya nakamit ang kaligayahan maging ang kaperahan ay naka-getching din siya! Sino siya? Kailangan n’yo pa ba ng clue eh, napaka-given na! Pak!

Hindi niyo pa rin mahulaan? Subaybayan na lamang sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12: NN. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

67 thoughts on “Sarah Geronimo, walang latoy ang acting sa Idol

  1. No one should be offended if somebody’s opinion differs from their own. What pleases one may not please another. So Sarah’s fans should cool it down when they read negative comments about their idol, and to avoid abusive language to keep discussions on a decent level.

  2. di naman kasi kailangang magcomment kung masama lang ang sasabihin nito sa artist…kung ayaw sa artist, sana pabayaan na lang sila….wag nang magbigay o magbitaw ng masasamang salita!!!kung gusto naman, go on…..kung masasama kasi ang sinasabi para lang iprisinta yung kung sino man ang idol nila sana wag na lang sumawsaw sa usapan ng iba para lang isingit yung sarili nilang idol!!!
    sana magcomment na lang tayo dun sa artist kung maganda ang sasabihin….kung hindi naman please wag na lang kasi maraming nasasaktan tulad ng mga fans ni Miss Sarah…tulad ko..syempre natural lang na ipapagtangol namin sya kasi hinahangaan namin sila…pero kung hindi kayo agree sana wag na kayong magreact…kasi nasasaktan din naman kami…di man kami si Miss Sarah…pero yun ang nararamdaman namin

    • ano raw? ahahha..ijo..we are entittled to our own opinion..kaya nga nasabing comment para sbhin ntin kung ano ang pananaw natin.Chillax! sarah is an artist wether u like it or not..madami din ang may ayaw sa kanya.Kaya nga may sinasabing ANTI at PRO..So kung nasasaktan ka man..wala na kming paki doon..khit mga idol nmin sinasabhan nyo din ng d maganda! aminin nyo man yan o hinde!so wag kang ampalaya effect ijooooo!good day!

  3. ahahhahha wala daw naniniwala sa mga sinabi ko..search mo ung videos na un sa utube kung saan kumanta c charice,rachel and sarat ngungo..andaming galit kay sarat! mas lalong tumaob pa ng career ng nag endorse ng mga politikong ewan.tas sinabayan pa ng intriga nya sa AMA na d nya sinipot at ang sinisisi ay si mr m..tas kasunod non ung inayawan nya si loydi na makatrabaho ulit dhil daw kay shaina..baka d na mag rate movie nila lol..so ayan napala nya! tapos kasunod non ung breake up nila ni rayver cruz na cnsb nya na d pa daw xa pwuedeng mag boyfriend kc bawal ng parents nya..tas natiklo din ala na boyfriend nya tas naghiwalay sila..kaya sila nagkaroon ng issue ni cristine reyes…tapos ang kasunod na pina ingay nila eh ung kidnap issue ng tatay nya na ang daling nawala ahahha.kasi gawagawa lng un..kaya anung lumabas sya ng idol..nagsawa na mga tao kasi wala na sya ma ioofer na iba..nakita na lahat ng tao ang lahat lahat ng kaya nya..sa pagkanta nagsasawa na din mga tao.kc evry week ba nman na 3 or 4 ang numbers nya sa asap! tas ung iba isang spiel lang! lol so asan jan ang sinasabi nyong talent!! sabihin nyo over exposed na sya!

  4. oh my gulay! buhay pa pala itong swarding na to? or nagpaparamdam lang? harharhar… sino ba ang gusto mong panuorin namin, ikaw? or ang ibang mga trying hard wannabees???
    anyway, nanood ka ba talaga ng idol? kung yes, then good for you, and thank you… kung hindi naman, wala kang K para mag-critique ng isang bagay na wala kang ka-alam-alam…
    anyway, alam naman natin lahat na palagi ang tira mo kay sarah, para sumikat ka… wawa ka naman… actually, naaawa din ako sa sarili ko dahil pinatulan ko ang write up mo… ngeeeee… go back to your coffin…

    • iha/iho my dear, obviously buhay sya (ayan o…andami nyang artikol!!!) and obviously rin, nanood sya ng AYDOL(ing) kase nasabi nya yon… which is tama naman lahat ng mga sinasabi nya!!! meaning nanood nga sya! yon nga lang, di na nya inulit dahil WA NA TYPE ang ACTING ng SARAH mo… commonsense lang yan… meron ka? bili ka…piso lang ang commonsense dun sa kalye… pag sarah fan daw P0.50 lang

    • tama,,,,,,, madaming syang alam hahaha,,,,, bongga ha… daming naniniwa sa writer na yan noh,,,,, bongga sya kuya db,,,,, and comment ko sa kanya… never ever mung mapapabagsak si sarah g. ko noh,,,, WHATEVER !!!!!!!!!!!!!!!!!!! MAJOR !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! LOSER……………………………….. ikaw lang ang laos,,,,,,,,,

  5. SA ASAP SINO BA ANG TINITILIAN NG FANS…DI BA SI SARAH? AMININ NYO NA KC NA KHIT ANONG PANINIRA NU KAY SARAH WALANG EPEKTO AS IN USELESS DAHIL SIKAT NA SIKAT PA RIN SI SARAH.

  6. correct si sarah ang tanda na ..lubog pa ewan ko ba bakit ba nandito pa yan eh insecure masyado kay charice are we..magbigay daan ka naman sa ibang may talent matanda ka ana

  7. sa mga taong ubud ng inggit kay sarah pwes namnamin niyo ang pgkainggit niyo sa kanya hanggang sa matuluyan kayo sa sobrang inggits. kasi kahit ano imbento ng paninira niyo kay sarah walang matinong tao maniniwala sa inyo………..kahit mgwelga pa kayo kaming mga fans ni sarah patuloy ang pgmamahal namin sa kanya……..hindi kami uto-uto dahil hindi kami naniniwala sa tsismis na walang basehan at walang kwenta…… si swarding ever since hater yan ni sarah wala kang mababasa magandang write ups abwt sarah mula sa kanya puro kanegahan……….at ano ba oa na kayo mag-isip, inimbento na naman ang abwt sa david foster issue. hello ako bilang fan ni sarah d ko trip na ang idea na yan kc hindi ako hangul sa international thing na yan, mas masarap ang feeling pg sikat ka sa sarili mong bansa tlga………hindi kaya insecure si sarah kay charice mo overrrr ang guni-guni mo dong…….at lalong hindi gawa-gawa ang nangyari sa tatay ni sarah, eh kung sayo kaya nangyari yun masaya k kaya? si mr. m ggimik ng ganun? sa tingin mo hindi magiging alanganin ang security at abs as a whole pg natuloy ang pgkidnap dahil sa sarili nilang bakuran……….pagbutihan niyo pagimbento ng kasinungalingan kasi matatalino kami tao…………kangug!

    • ano naman ang ikakainggit kay sara?

      mataas ba ang reyting ng AYDOL?
      nakakabirit pa ba ang sarah?
      nakakakanta pa ba sya ng maayos pag live?
      hindi na ba sya mukhang najiJEBS pag kumanta ng medjo mataas na pitch?

      sagutin mo….lololoz

  8. ANGEL BAKLA….MASYADONG NAGPUPUTOK ANG BUTSE MO DAHIL SINUNGLING KA. WLANG NANINIWALA SA YO.
    KHIT ANONG PANINIRA MO SIKAT P RIN C SARAH HINDI KTULAD MO MAANGHIT NA SINUNGALING PA…..GUMAGAWA LAGI NG KWENTO.

  9. ANGEL PUTOK…MAS MABAHO KA KESA SA ANGHIT MO!!!!!!ANG DAMI DAMI MONG SINASABI PURO KASINUNGALINGAN NAMAN. TUMIGIL KANA NGA PRO HANGIN NMAN ANG LAMAN NG UTAK MO.

  10. TSAKA UNG KIDNAP ISSUE NG TATAY NI SARAH KAGAGAWAN NILA UN! KAGAGWAN NI MR M NG STARMAGIC AT NG FAMILY NI SARAH G LUMOLUBOG NA KASI ANG CAREER NG FAVORIT NILANG ALAGA NG DOS KAYA GUMAGAWA NA SILA NG GIMIK!..KC AFTER NA IPAKULONG NAKAPAG BAYAD DAW NG BAIL UNG TAO KAYA NAKALABAS TAS MAY INTERVIEW PA SI SARAH SA SNN..KUNG PAPAYAGAN NA MAGBAYAD NG BAIL UNG TAO SINABI PA NYA NA PANO NMAN PO PAG HINDI NAKALIGTAS UNG DADY KO BLAHBLAH BLAH TAS ONE DAY NAKALABAS NA PALA UNG GUY! AFTER THAT WALA NA TAUNG NARINIG DON SA KIDNAPPER DW NILA! SINABI NA LNG NILA NA NAGKAROON NA NG BODYGUARD SI SARAH G.WAHAHHAHA NICE TRY PERO HINDE BUMENTA!

  11. nakakatawa mga sarah geronimos fans! mga ineng masyado kaung feeling gay ng idol nyo! ALAM NYO NA PINAGPIPILITAN NA NG MGA SARAH FANS NA SANA DAW SI SARAH UNG KUKUNIN NILANG GUEST SINGER SA CONCERT NI DAVID FOSTER AND FRIENDS SA PILIPINAS! FEELING TALAGA SILA ANOH? DI PA NAKAKAPAMILI ANG MANANGMENT N DAVID FOSTER PINAGNGANGALANDAKAN NA NILA UNG IDOL NILA! KALA KO BA SIKAT NA UNG IDOL NYO SA BUONG MUNDO?!BUT KAILNGAN NYO PA NG EXPOSURE NYA DOON? TSAKA ONE MORE THING..PANO NILA KUKUNIN SI SARAH E SYA ATA UNG NANG AAPI KAY CHARICE NON NUNG KUMAKANTA SYA SA ASAP NUNG NAG START PA LNG SYA…FEELING NYA TALAGA SUPER GANDA BOSES NYA KAYA PATI LINYA NG IBA EH INAGAW NA! REMEMBER THAT PART NUNG TINAPIK PA NI RACHEL ANNE GO SI CHARICE KASI INAGAW NI SARAH UNG PART NYA..TODO BIRIT D NMAN NYA KAYA! MANIGAS KAUNG MGA FANS NI SARAH PERO UNG IDOL NYO LUMOLUBOG NA SYA! TSAKA DNYO BA NAPANOOD UNG SINABI NI DAVID? SABI NYA MERON AKONG KANTA NA GINAWA AND I WANT SOMEONE TO SING THAT SONG IF EVER A GUESS SINGER STAR HERE..MEANING PANLALAKENG KANTA UN..SO IT COULD BE A GUY ANG KUKUNIN NILA HINDI YANG SARAH NYO WAHHAHAHA!!! AT KUNG SAKALI MAN NA GIRL KUKUNIN NILA..IM SURE DI NILA PIPILIIN SI SARAH NGONGO! ALAM NA KC NILA ANG TACTICS NYA!

  12. Hmm bakit kaya late na late na ang timeslot ng Idol? Nauna pa yung Imortal at Magkaribal, samantalang mas akma naman sa Idol yung maagang timeslot dahil wholesome/pwedeng pambata ito. Haha dahil kaya sa ratings? :P

    • tama ka dyan kapatid. maganda idol kaya lang ‘yong story and facing ang hindi maganda. Wag kang mag-alala sarah more blessings ang dadating sa ‘yo basta be humble. Wag mo na lang silang patulan. God Bless always…

  13. nag iinarte na kc ang sarah nayan ang pakiramdam nya sarili nya sya na ang pinaka maganda at magaling eh kong tutuusin ang dapat nyang ilagay sa kukuti nya ay sya ang pinaka OA sa ASAp at plastik na tao akala mo mabait yan ang totoo nagiging mayabang na at akala mo kong sino na kong umasta malandi rin naman at mukhang pera don magaling ang sarah at ina nya

    • ohhhhh…. wag ka masyadong ma insecure kay sarah ha…. baka mabaliw ka nya,,,,, hahahahahahahahahahahahahaha :p :)))))))))

  14. Hehe prob kasi sa idol eh magulo eh! Di mo alam kung comedy, action, or drama ang focus ng show at ang dami pa mga who’s who doon na ngpapadami lng sa populasyon ng show na lalo pa ngpapagulo! And to top it all off masyado pang na hype ng abs to the point na lumaki talaga ang expectations ng tao sa show.

  15. Magaling naman umarte si Sarah. Si Sarah pa rin ang pinanonood sa Idol. Kung hindi kay sarah at Jovit walang manonood kasi pangit ang istorya. Inaabangan ko lng si Sarah at pagkanta ni Jovit.

  16. Kaya iyong title na pilit na ikinakabit sa kanya na Junior Superstar eh DI PUWEDE. Ni nunal ni Ate Guy eh di niya mapapantayan. Sa singing puwede pa siya pero mas bilib pa ako ke Rachel Ann Go kaya frustrated iyong isa lipat sa GMA 7 kasi di siya bigyan ng recognition ng ABS-CBN. Laging Sarah eh sa beauty and acting lousy. Kamukha lang siya ni Dra Vicki Belo noong kabataan ni Dra. Pagtanda ni Sarah mas pangit pa siya ke Dra. Belo.

  17. Tama di cia pang acting.Ang OA kaya nya sa movie nila ni JLC.Si JLC lang naman ang nagdala ng movie.Pinakilig nia ang fans ni SG pati na si Sarah so kumita ang movie.Forte naman ni JLC ang magpakilig talaga.Marami din nakakapansin na ang OA nya sa ASAP parang gusto lagi cia ang center of attraction.Di cia tulad ng iba na nagbibigayan.

  18. hanggang ngayon kinikilig pa kami doon sa movie ni sarah at john lloyd. sana mag improve ang storyline ng idol. tanggalin na si coco martin.

  19. BAKIT ANG TEMA NG IDOL AY PARANG HINDI MUSICAL. DAPAT MASAYA. SI COCO LAGING GALIT. SI ZHAZHA PADILLA LAGING PRANING. HINDI MAGALING ANG WRITER AT DIRECTOR DITO. WE STILL WATCH DAHIL KAY SARAH.

  20. kung anuman ang kahinaan ng IDOL, it only goes to show that not everything SARAH touches turns gold.

    tama si SWARDING–kumanta na lang siya pero huwag ng mag-ambisyong bumirit kasi ‘di na niya kayang abutin ang mga matataas na NOTA!

  21. Sarah, kelan kayo ulit ni JLC mag tatambal…sana, teleserye. Sobrang nag enjoy ako doon sa film niyo ni JLC.

  22. IDOL story is the problem masyadong naging seryoso na i’m sure will end with the death of Coco Martin, again just like all the teleseryes he was into!!!

  23. NAGIINAARTE KASI. MARAMING INAYAWAN NA SHOW DAHIL AKALA NIYA HINDI NA PAPATOK ANG KA-TANDEM DAHIL NA LI-LINK NA SA IBA, O MASASAPAWAN SIYA NANG IBANG ARTISTANG KASAMA SA PELIKULA. IYON PALA, ANG BITUIN NIYA ANG NAUUBUSAN NA NANG NINGNING.

  24. I love sarah. Good or bad teleserye or movie I will still watch it as long as Sarah is in it. My friends and I, here in the US, followed Sarah in all her concerts. We’re in our mid-fifties by the way, but we’re like teenagers following our idol everywhere. She’s a beautiful and decent young woman. We’re proud of her.

  25. Ngyek..eh wala namang credibility yang si Tita Swarding…a few months back nadinig ko sya s radio na di talaga mabubuntis si Judy Ann Santos dahil nadamage na ng radiation yong ovary nya na nakukuha sa katataping…OH eh bakit ngayon eh mangnaganak na si Juday, ewan ko ba jan panay ang pintas sa mga di nya feel..kailangan nga siguro lagay!

  26. Gaga ‘tong mga ito. Nasa Pilipinas tayo! Kung saan pumapatok ang mga pelikula at mga palabas sa tv basta ba sikat ang mga artista. Keber kung walang kwentang umarte. Kaya huwag na kayong magtaka kung mataas ang ratings ng Idol kahit panay walang kalatuy-latoy ang mga bida dun. Nakita niyo ba yung scene na umiiyak si Sarah sa loob ng pinagtataguan niyang kotse habang nakatitig kay Coco? Grabe ang mukha. Imbis na mahabag ka, matatawa ka pa sa itsura niya. Hinablot ko agad yung remote para maglipat ng channel after nun. Haha

    • kelan pa tumaas ang reyting ng basurang show na to? ha?

      dami daming magagaling sa abs freezer eh, bakit sya pa… pakantahin na lang nang pakantahin sa ASAP XV ang saraht (ilongnimo)… ok lang kahit lipsynch haha… lam mo naman mga tagahanga nya…uto uto…kahit lipsynch live pa rin daw…lol…

  27. sarah should stick to singing nlng! ang daming mga artista sa channel 2 na marurunong umarte kesa kay sarah d nabibigyan ng break.

  28. Okey ang banner mo Tita Swarding ah “Sarah Geronimo, walang latoy ang acting sa Idol”

    KAYA NAMAN PALA ANG TAAS NG RATINGS. KAYA MALI KA NANAMAN. GUSTO MO LANG NG LAGAY KAY SARAH.

Leave a Reply

Your email address will not be published.