Sarah Geronimo, tuluyan nang pinagpalit si Rayver Cruz?!

OLA CHIKKA! HINDI naman na ako nagtaka nang marinig ko ang chikka na itong si Sarah Geronimo raw ay mayroon nang bagong prospect. Ibig sabihin ba nito ay naka-get-over na siya kay Rayver Cruz na matagal-tagal ding na-link sa kanya?

Ang chikka kasi ng ating parazzi girl, masayang-masaya ang aura ng Pop Princess at kitang-kita ang kinang sa kanyang mga mata nang tanungin tungkol sa kanyang bagong ka-love team na si Gerald Anderson. Gagawa ang dalawa ng pelikula under Viva Films at Star Cinema, kaya’t tiyak na marami na naman ang naghihimutok sa galit kapag narinig ang ating chikka.

Nang tanungin daw ang singer-actress tungkol sa kanyang kaparehas, buong-loob niyang sinabing gusto niya ang pagkatao ni Gerald, dagdagan pa ng napakaguwapo nitong mukha at parang naka-jackpot ka pa sa napaka-yumminess niyang katawan.

Oh, ano naman ang masasabi ng mga Kimerald tungkol sa pagkakapareha ng kanilang Gerald sa ibang babae? Malamang, kaliwa’t kanan na ang bantang natatanggap nitong si Sarah. Pero mukhang chikka na naman ito upang pag-usapan ang kanilang pelikula, hindi ba? Ngunit kung totoo man na may pagtingin ang actress sa actor, masasabi nating itong si Sarah ay mahilig talaga sa thrill, ‘di ba?

Habang tumatagal mas challenging, dahil kung si Rayver ay may Christine, itong si Gerald ay may Kim Chiu na, may Bea Alonzo pa. Well, goodluck na lamang sa ating Pop Princess kung saan hahantong ang kanilang love story… este, pelikulang love story.

BAGONG BUHAY NA nga ba talaga ang drama nitong si Mariel Rodriguez at talagang career mode na sa bago niyang role nitong 2011. Full-time housewife na nga ang dating host actress para sa kanyang mister na si Robin Padilla. Kahit marami na silang mga maid, siya pa rin ang nagluluto para sa kanyang asawa. Maging ang mga gawaing bahay ay inaaral na niya para naman magampanan niya ang pagiging mabuting may-bahay.

Mukhang tuwang-tuwa naman ang kanyang asawang si Robin Padilla dahil sa pag-exert ng effort ng kanyang asawa. Kung sa bagay, dapat nga naman niyang paligayahin itong si Binoe dahil sa dami nila sa listahan, nararapat lamang na maging the best siya. Aja, Mariel!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Malamang ay mahulaan n’yo ang bida sa ating kuwento para sa araw na ito na nabalitaang nagkasakit dahil sa dedication niya sa kanyang trabaho. Isang host-dancer daw ang nasugod sa ospital dahil sa kanyang mga exotic moves na ginagawa sa kanyang trabaho. Siyempre kapag sinabi ng boss mo na performance level, ibig sabihin nu’n ay to the highest level dapat ang energy mo na hindi mo namamalayang nabigla na ang katawan mo at hindi mo na pala kaya.

Mukhang nasa utak nitong dancer-host ay never say ne-ver kaya ayun na-diagnose na nagkaroon ng internal hemorrhage at ngayon ay nagpapagaling na. Get well soon iha, dahil tiyak mami-miss ka ng iyong mga fans na naghihintay sa iyong pagbabalik at sisigaw ng… tOooooot!! ‘Yun na!

Ayan ha! Imposibleng hindi n’yo pa rin gets?! Kung hindi n’yo pa rin mahulaan ay pakisubaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12:NN upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

10 thoughts on “Sarah Geronimo, tuluyan nang pinagpalit si Rayver Cruz?!

  1. How Sarah answered the questions about Gerald is interpreted by the press people whether no malice as it is, or palalabasin na merong ibang ibig sabihin gaya ni Tito Swarding ang nag-sulat ng artikulong ito. Mas mabuti pa na panoorin yung actual videos ng interviews from http://www.viva.com.ph website or http://www.sarahgeronimo.ph dahil pure-hearted ang personalidad at ang mga sagot ni Sarah.

  2. nakakaawa talaga si sarah,palagi na lang sya naaapakan ng mga taong walang modo,but then again SARAH is SARAH…go girl kasama mo ko sa kalandian…

  3. Take your time, Sarah. The right man will come along. Ratver was not for you – you deserve a better man. Let those two wallow in their misery.

  4. hahaha..si sarah may pag-nanasa rin pala kay gerald…after 2 years natupad din matagal na inaasam maka-pareha si gerald…. hehehe..type pa atang sumali ni sarah sa quartet love affair ni gerald with bea, rb and em….go sarah go..chance of a lifetime mo na ito… make gerald your first sexperience….hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.