Sarah Geronimo, tuloy na sa mala-Glee na teleserye!

MAAARING LOW PROFILE lang ang ABS-CBN sa kanilang news feed, pero alam n’yo bang nakatakdang gumawa si Sarah Geronimo ng mala-Glee na teleserye sa primetime bida ng Kapamilya network?

Aba, bonggacious naman po talaga ang chikang ito and for sure, ang solid fans naman ni Sarah ang magdiriwang sa balitang ito, huh! Sikat na sikat worldwide ang Glee na musical from abroad, kaya naman inspired ang mga taga-Dos at nakaisip na since singer naman talaga si Sarah – and a superstar in her own right, at that – eh, bakit nga ba hindi sila gumawa ng mala-Glee na program?

Ayan at sa ilang araw na paghahanap nila ng supporting cast sa pamamagitan ng auditions, eh nag-leak na ang chika about the Sarah new starrer.

Ang isa pang bonggang kasama sa cast ay si Sam Concepcion na habang nagbibintata ay gumuguwapo talaga, huh. ‘Di lang kami sure for now kung makakasama rin si Sam Milby, pero sure na ang aming source na pasok si Sam Concepcion.

So, it’s Sam and Sam for Sarah Geronimo sa mala-Glee na primetime teleserye. Why not? Aabangan ‘yan ng kanilang fans worldwide!

LITERAL NA DINUMOG ng excited fans ang buong cast ng I’ll Be There ng Star Cinema nang mag-red carpet premiere night ito sa SM Megamall Cinema 10 last Tuesday at nandoon ang inyong lingkod, at nabaliw kami sa pagdagsa ng fans!

Sabi nga ng direktor ng pelikula na si Direk Maryo J. delos Reyes, I’ll Be There is an event, and we certainly agree, the fact na first time magkakasama sa isang pelikula ang real-dad-and-daughter na sina KC Concepcion at Gabby Concepcion, na through the years, eh ang guwapo-guwapo pa rin ng lolo n’yo.

Andu’n pa rin talaga ang charm ni Gabby on screen kahit na may edad na ito. Novelty ito for KC and Gabby to be in one film na baka hindi na maulit pa, at mahirap malagpasan ang success na tinatamasa ng movie ngayon sa box-office.

Click din ang chemistry on the big screen nina KC and Jericho Rosales, na in fairness eh, hindi nga lang naging palamuti sa I’ll Be There. ‘Wag rin kayong kukurap sa kissing scene nina Echo at KC na tinilian ng fans nu’ng premiere. Pero siyempre, hanggang movie lang ‘yun.

Follow me on Twitter at www.twitter.com/mellnavarro

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleMocha Uson, pinag-iinitan ni Marian Rivera?!
Next articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #326: June 18-21, 2010

No posts to display