Sarah Geronimo, tuloy na ang paglipat sa TV5 next year?!

Totoo kaya ang tsikang lilipat na si Sarah Geronimo sa TV5?

Nabasa kasi namin sa Pinoy Gossip Boy na si Willie Revillame pa diumano ang nagsabing mag-o-ober da bakod na ang Pop Star sa Singko. Sa kanyang show na Willing Willie pa raw ginawa ni Willie ang announcement.

Anyway, matagal na rin namang pinag-uusapan ang napipintong paglipat ni Sarah sa TV5. Bago pa man siya pumirma ng one-year contract sa ABS-CBN months ago ay napabalita nang malapit nang mamaalam si Sarah sa Dos.

Kung mangyayari ang paglipat ni Sarah, for sure ay next year pa ito magaganap kasi hanggang 2011 pa ang kontrata ng dalaga sa Dos.

Kapani-paniwala naman na may tendency na lumipat si Sarah sa Singko dahil na rin sa kanyang manager, si Boss Vic del Rosario ng Viva. May connection kasi si Boss Vic ngayon sa TV5 kaya naman posibleng ilipat niya ang dalaga sa papasikat na network.

Anyway, makatulong kaya sa career ni Sarah ang kanyang paglipat kung sakali? Suportahan pa kaya siya ng kanyang fans kapag nasa Singko na siya?

HINDI NA PALA bago kay Zsa Zsa Padilla ang maging producer. Ito ang aming napag-alaman sa singer-actress na siyang producer ng Metro Manila Film Festival official entry ng RVQ Productions na Father Jejemon.

“My main concern talaga was the money. Doon ako natoka, sa pag-handle… kung saan pupunta, kung ano ang mga babayaran,” esplika ni Zsa Zsa sa presscon ng nasabing movie.

Hindi naman bagong experience ito para kay Zsa Zsa dahil nakapag-produce na siya ng TV specials and concerts in the past.

“Kung ano ‘yung experience ko bilang producer ng concert at saka noong specials niya ay nakatulong.”

Pagbubunyag pa ni Zsa Zsa, hindi siya kuripot na producer.

“Actually, gusto ko nga bayad ako kaagad. Kung hindi kami nakakabayad ay hindi pa naaayos ‘yung papeles. Kumbaga, wala pang request, wala pang billing.”

Noong una, medyo na-stress si Zsa Zsa kaya naman pumayat siya.

“Actually, I lost a lot of weight because of this project. It was stressful in the beginning because it was overwhelming for me. Kumbaga, hindi ko alam kung kakayanin ko ‘yung responsibilidad. Pero okay naman. Kinaya naman.”

BLIND ITEM: NAKAKALOKA pala ang dating wife ng isang TV personality. Matabil kasi ang dila nito at walang pakundangan kung magsalita.

Minsan, nakita nito ang anak ng isang female singer. Nang makatalikod ang singer, nagbitaw raw ang hitad na hindi raw maganda ang anak ng mang-aawit.

Siyempre, nagulat ang mga kaharap ng ex-wife ng TV personality. Namangha sila dahil hindi nila akalain na ganoon kaprangka ang hitad.

Okay na sana kaya lang may nagparating sa singer nang tinuran ng dating dyowa ng TV personality. Siyempre, na-shock siya nang malaman na nilalait ang kanyang anak. Hindi na lang kumibo ang singer dahil super close siya sa TV personality. Nahihiya siyang ikuwento ang sinabi ng ex-wife nito tungkol sa kanyang anak.

Sino ang mahaderang ex-wife? Well, matagal na siyang wala sa bansa pero this month ay may aasikasuhin siyang importanteng okasyon na may kinalaman sa TV personality.


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

11 thoughts on “Sarah Geronimo, tuloy na ang paglipat sa TV5 next year?!

  1. nakagawa aku ng 23 account sa facebook
    para pangboto kay sarah  g.
    sa starmometer most beautiful filipina
    if lumipat sya
    kay kim chiu ko na lang ipangboboto
    and i will not support her anymore,,,

  2. Sarah g,i love watching you on asap,on idol,on movies that you make,etc,but do you have to move to kuya willie's?If so,it would be nice if tv5 is seen in the united states,coz i also miss kuya willie and his great sense of humor.Actors and actresses come and go (at abs-cbn),but it is also nice to see them come back,so i hope that if you move sarah g.,i would wish for you to come back or kahit sa gma ka lumipat,ka c i also have gma on the cable.Love u,sarah g,stay as sweet as you are.
    Daly City

  3. i hope sana nmn hindi kc maganda takbo ng career ni Sarah G sa abs and kitang kita nmn n di sya pinapabayaan ng dos.

  4. galingan mo pa sarah g. because of you im proud to be a filipino. hindi lahat ng maririnig mo kelangan mong sagutin at labanan.. we love you sarah.. filipinoes in canada loves you.. young filipino in this generation loves you. obey GOD JESUS CHRIST and obey your parents.. next time be careful when you say opinions or comments.. this issue teach some lessons..

  5. sarah your issue now reminds me of judy ann and claudine and rico yan.. dear youre doing perfectly right and ok. let them talk and shout whatever they want to say.. keep quiet. maybe sometimes you spill out something on your mouth that hit other party but its ok… everybody did same thing and before we know it.. it already slip out of our mouth.too late to take it back. but we love you.we will support and pray for you. be strong sarah and just do your job.

  6. please sarah g… stay on abs cbn. please abs cbn specially mam charo santos make sarah g stay with you specially asap… i love her in asap xv. sarah please stay.. boss vic dont pull out sarah in channel 2.. pleaseeeeeeeee

  7. I’ts a blessing for you Zsa-Zsa…I hope it will take your success well… tell the end. By the way…back to Sarah G, I still wish she won’t move to TV5…on her on show not with Willie R. coz he is very mayabang…I love watching her due to she my Idol but when it comes with Willie…I am not very fond of him at all. I don’t like his personality for some reason…I am very please that he is not in kapamilya anymore coz he act like he own the world. Sorry, Sarah G…I will do anything for you but please I beg you not to do with co-host with him coz I’ll be very unhappy watching you with him. I love you, as like my daugther and you’ll know that I will support you until the end what ever it happened. Is there a way for you to stay in kapamilya? Nalulungkot ako sa move mo sa ibang channel…I have a bad feeling in regards to your decision…I am very sad and feel fear. Please,,,please…think it over 1,000 times before you sign contract, it doesn’t matter who is your manager. It might not a right move for you, as of now you are very successful, but what when you go to other side is not that greener…Ooooh I will be very sick and sad :-(

  8. I am not worried if Sarah G…move to TV 5 coz when ever she move I will stop na sa TFC. Of course I will follow with my idol. Kapag si Sarah G lumipat I’ll make sure to stop su TFC; syempre ilipat ko ang subscribe ko sa GMA of course!!! Anu pa kaya ang gagawin ko, if Sarah G, has a better offer in other side. I wish she stay…not because CR and RC. Kung toto-usin…Sarah is big gross in the industry; she has the knowledge of multi-talented and TFC will able to communicate with Sarah G and Vic. If you give me choice I would love to see her in Kapamilya (TFC). My suggestions for Sarah is to continue through higher education coz the most important in case her singing career and movies will end. I will promise you…you’ll have my full support until the end. I love you Sarah G. And thank you Mega Sharon and Juday for protecting our pinakamabait nating princess popstar Sarah…Merry X-mas and Happy New Year.

Leave a Reply

Your email address will not be published.