Sarah Geronimo to be teamed up with Gerald Anderson

ChorBA!
by Melchor Bautista


MARAMI NAMAN ANG
natutuwa sa proteksiyong ginagawa ni Willie Revillame sa kanyang co-hosts sa programang Wowowee ng ABS-CBN na sina Pokwang, Mariel Rodriguez, RR Enriquez, Valerie Concepcion at mga ang mga nagseseksihang dancers na gumigiling sa show gaya rin nina Luningning at Saicy Aguila. Cute ang dating, na parang kapag mayroong mga kalalakihan na gustong magparamdam ng panliligaw sa mga nasabing kababaihan, nagbibiro ang komedyanteng TV host, na sa kanya raw muna makipag-usap.

Deadma na lang si Willie, kahit na madalas ay nilalagyan ng malisya ng ibang tao ang pag-iingat niya kina Mariel, RR, Valerie ganu’n din kina Luningning at Saicy. Medyo absuwelto naman siyang maintriga sa ngayon, dahil masaya naman ang kanyang lovelife, dahil sa batambata niyang girlfriend ngayon na si Nadine Ignacio. Napatunayan naman kasi, na kahit si Pokwang na may pang-aliw na kagandahan, hindi rin pupuwedeng kantiin, dahil ipinagtatanggol din niya kapag mayroong umaapi.

Bilang “Kuya” sa turing ng kanyang co-hosts, laging ready si Willie na ipagtanggol sina Pokwang, Mariel, RR, Valerie, Luningning at Saicy, dahil aware ang komedyanteng TV host, na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan ang mga iyon. In fairness naman sa mga babaeng kasama niya sa programa, naiintindihan nila ang proteksiyong ibinibigay sa kanila ng Papi Willie ng bayan.

PAGKATAPOS NG NAGING matagumpay na tambalan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na napatunayan sa mga pelikulang A Very Special Love at You Changed My Life ng Star Cinema at Viva Films, maganda ang plano na ipareha naman ang singer-actress kay Gerald Anderson, habang sa ngayon ay pinaplano pa rin ang muling pagsasama sa project nina Sarah at Lloydie pagkatapos ng project na pinagsasamahan ngayon ng mahusay na actor at ni Governor Vilma Santos.

Nakaraos na si Sarah sa mga intrigang pinagdaanan niya sa mga pagtutol dati ng mga fans nina Bea Alonzo at John Lloyd. Nagkaunawaan na tungkol doon, na trabaho lang naman talaga ang mga nangyayari, at hindi nang-aagaw ng ka-love team ang singer-actress.
Ngayon pa lang din, nakatatanggap na siya ng mga pagtutol mula naman sa mga fans nina Gerald at Kim Chiu. Pero ganu’n pa rin ang pinaniniwalaan ni Sarah. Wala siyang taong tinatapakan. Kaya kapag nagkasama na sila ni Anderson sa pelikula, mauunawaan din iyon ng mga loyalistang tagahanga ng Kimerald loveteam.

Magandang plano kung matutuloy ang tambalan nina Sarah at Gerald. Pabor ito sa tisoy na actor, para mapatunayan din, na ang kanyang kasikatan ay hindi nakadepende lang sa love team nila ni Kim, lalo pa’t sa ngayon ay mas sumisikat kesa sa kanya ang tsinitang young actress. Baka mapag-iwanan siya sa kasikatan.

Samantala, may kilig lang kapag sinabing pupuwedeng magkaligawan sina Sarah at Rayver Cruz. Kaya lang, bagets pa rin na magaling sumayaw ang tingin ng showbiz sa pamangkin ni Tirso Cruz, III. Guwapo, matangkad at marespeto siyang tao. Pero kailangan pa ng konting hasa sa kanyang career. Kulang pa sa tindi ang kanyang panghatak sa mga moviegoers para maging leading man ng Box-Office Queen sa mga panahong ito.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.