Sarah Geronimo, tinawag na ‘babe’ si Gerald Anderson Magdyowa na!

MAGDYOWA NA sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.

‘Yan ang rebelasyon sa amin ng isang source na hindi nagtaka kung bakit nadulas si Sarah nang tawagin niyang babe si Gerald nang mag-guest ito sa pilot episode ng Sarah G Live!.

Actually,  sabi   pa   ng   aming insider ay matagal nang magdyowa ang dalawa kaya lang ay dinadahan-dahan lang nila ang pag-amin. Although hindi pa naman talaga umaamin ang dalawa, makikita naman daw sa gesture ng dalawa na they’re more than friends.

Reregaluhan daw ba ni Gerald ng mamahaling Tiffany necklace ang dalaga kung hindi niya ito dyowa?

Well, kinda make sense.

Isa pa, si Gerald lang daw ang nangahas na magpunta sa bahay ni Sarah at harapin ang kanyang mga magulang.

That, we have to agree kasi mukhang totoo nga.

At take note, nag-date ang dalawa noong Valentine’s Day. Kaya lang, group date nga lang ang nangyari dahil kasama ni Sarah ang kanyang family.

And higit sa lahat, approve kay Mommy Divine at Daddy Delfin ang relasyon ng dalawa.

Ano’ng say mo, Rayver Cruz?

VERY COOL si Mo Twister sa panlalait ng isa niyang follower matapos niyang i-post sa kanyang Twitter account ang photo ng kanyang anak na si Moira.

Gamit ang instagram ay ipi-nost ni Mo ang dalawang photo ng kanyang anak kay Bunny Paras. Sabi niya sa message  na  nakalagay kasama ang photo, “This is my daughter Moira. I remember when an ex-girlfriend of mine recently said that she would hurt me so much that I wouldnt be able to be around when I lose my daughter. Well, I flew her in for the weekend here in Orlando. We are going to go to Disney World, so eat shit ex-gf.”

After that, isang follower ni Mo, Rhian4Ever, ang biglang nagtaray.

“RT @Rhian4Ever @djmo-twister UR daughter is ugly just like u. I hope she has a good heart unlike u! Ur career is downhill,” Rhian4Ever posted.

Ang akala namin ay magtataray rin ang controversial radio jock pero hindi ito nangyari. Isang  “I LIKE MY CAREER” lang ang kanyang naging sagot.

Gusto sigurong galitin ng nasabing follower si Mo kaya naman may isa pa siyang ipinost patungkol sa anak ng controversial TV host.

“Using your daughter now are you? well it;s not gonna work… no wonder ppl hate ur guts coz ur such an asshole!” Rhian4Ever posted.

Actually, parang si Rhian4Ever lang naman ang tila may galit kay Mo. Maraming nagkagusto sa photo ni Moira at mayroon itong 432 likes.

“Beautiful daughter, handsome dad, shitty exgf!,” tweet ni kaycharmed.

“You have a very pretty daughter, stay strong Moira! You are lucky to have a father who will fight for you :) keep smiling! :),” sabi naman ni Joankashina.

BLIND ITEM: Nakakaloka itong aktres na ito. Sa sobrang kakuriputan ay wala siyang keber kung mapanis na ang mga pagkain sa kanyang ref.

Mahilig daw mag-imbak ng pagkain ang aktres na ito. Kaya lang, mukhang sa sobrang tagal ay madalas na napapanis lang ito.

At ang isa pang bisyo ng aktres ay mag-take home kapag may handaan. Asahan mo raw na may bitbit siyang pagkain kapag naispatan mo siya sa isang gathering.

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleGrace Lee, tinawag na isip-bata si Angelicopter!
Next articleBanggaang Rhian Ramos at Erich Gonzales, kasado na!

No posts to display