Sarah Geronimo, threatened with newcomer Angelino Quinto?

HEALTHY COMPETITION LANG ang namamagitan kina Sarah Geronimo and Angeline Quinto who are both gifted with brilliant voices. Hindi maiiwasan na maikumpara sila sa isa’t isa na noon pa man ay mahigpit nang magkatunggali sa larangan ng pagkanta. Unang nagkrus ang kanilang landas nang sumali sila sa Star for a Night noong 2002 kung saan naging champion si Sarah.

Marami ang humahabi ng mga sari-saring kuwento na kesyo naaalarma raw si Sarah ngayon dahil sa unti-unting pagsikat ni Angeline who is Star Power’s first female pop superstar. At hindi pa rito natatapos ang pang-iintriga sa dalawa dahil umani ng iba’t ibang reaksyon ang kanilang duet sa ASAP Rocks. Isa raw malaking banta si Angeline sa career ni Sarah.

Nagsalita na si Sarah tungkol sa pagkukumpara sa kanilang dalawa ni Angeline nang makausap ng The Buzz. “Masama ‘yung iniisip na may threat. Baka ma-psycho ako. Hindi maganda ang ganoong ugali.”

Sarah emphasized that she is happy for Angeline who she considers a friend. Aniya, “Masayang-masaya ako for Angeline. Sabi ko nga sa kanya, sa wakas talaga. Lalo na nung narinig ko ‘yung istorya niya. Masakit sa aking malaman na ganoon ‘yung nangyari at ito ngang pagkapanalo niya ay sobra akong natutuwa.”

Nagbigay rin siya ng pahayag tungkol sa kanilang duet sa ASAP. “Nakaka-tensyon ‘yung duet namin. Nanginginig ‘yung tuhod ko. Hindi naman kasi kami dapat kabahan pero, alam mo naman, parang laging ganoon, may nagso-showdown. Parang contest ulit. Pero sana hindi na ganoon sa susunod na production number namin together, para mas magawa na namin ng maayos.”

Aminado siya na palagi na silang maikukumparang dalawa. Knowing Sarah, she only has good words for everyone including Angeline. “Lahat naman tayo laging may darating na mas okay sa ‘yo. ‘Yon ang challenge doon. Kailangan mong i-sustain kung ano ‘yung meron ka. Ipagdadasal mo rin kung ano ‘yung plano sa ‘yo ng Diyos. Ganoon. At saka healthy competition lang.”

Tama si Sarah, in showbiz only a few can endure longevity. You have to play your cards right and make the right moves. And you also need to pray hard.

Dagdag niya, “Ang masasabi ko lang, time talaga ni Angeline nga-yon. Ako, tapos na ako. Kailangang pangalagaan ko na lang kung ano ang meron ako.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

6 thoughts on “Sarah Geronimo, threatened with newcomer Angelino Quinto?

  1. mas maganda si angeline kasi si sarah ginamit lang nya si gerald dahil para marami syang fans eww sarah

  2. tam aung sagot ni sarah..palgi nmn tlgang may dumating n mas higit pa sau..ang kelangn lang ay imaintain kung ano ung nagwa mo before…napakgaling mo tlga sarah…wag mon lang pansinin ang mga naninira sau dahil sila ang hndi maktulog s agingwa nila…

  3. NAKU, HAYAN NA ANG MAGPAPABAGSAK DAW SA CAREER NI SARAH G. HEHE! TINGNAN NATIN KUNG MAANGATAN NI ANGELINE ANG POP STAR PRINCESS…. AGAWIN MO ‘TEH ANG KORONA NI SARAH HAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.