Sarah Geronimo, tatandang dalaga

OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka! Nakakaloka naman iyong nakarating sa akin, kasi kapit-bahay ko lang itong tinaguriang Pop Princess na si Sarah Geronimo dito sa Mindanao Ave. Q. C.

Kasi, may nagkuwento sa akin na napadaan daw sila sa Ino’s resto nu’ng nakaraang araw para sa kanyang thanksgiving dinner ek-ek. May nagtanong daw kay Sarah kung si Gerald Anderson lang ba ang pangalawang lalaki na nagkaroon siya ng heartache. Kasi ‘di ba inamin naman niya na si Rayver Cruz ang unang lalaking sumugat sa kanyang puso, dahil inagaw raw ni Cristine Reyes ang kanilang nasimulang pag-ibig.

Kaloka, as in! Tahasang sinagot ni Sarah ang tanong na, “Hindi po. Marami rin naman, kahit wala pa ako sa showbiz.”

Na ibig sabihin, parang inamin niya na marami ring siyang naging lalaki. O say n’yo, Rayver and Gerald?

Pero kumambyo si Sarah na crush-crush lang naman lang daw ‘yun at walang seryosohan. Kung si Gerald daw, walang pinagsisisihan sa mga nangyari sa kanila ni Sarah, pero si Sarah ay malaki ang pagsisisi. Sabi niya, “Ako po kasi, ‘pag nagbigay ng tiwala ko, buong-buo, todo-todo talaga. Kaya ang nakapanghihinayang doon, parang hindi pa rin ako natuto, heto na naman, naulit na naman.”

Na ang buong akala niya, tunay na pag-ibig ang naghihintay sa kanya, pero bula lang pala na biglang naglaho. Kaya tamang-tama sa kanya ang paboritong kanta na ‘Pusong Bato’, na karamihan ngayon sa showbiz, padadamahin ka lang. Kailangang malakas ang pakiramdam mo, kasi karamihan ngayon ng mga lalaki sa showbiz ay playboy at chickboy, as in, pwede sa chick at puwede sa boy. Kaloka, bakit hindi na lang call boy?

So, ang ibig sabihin sa paliwanag ni Sarah, na hindi bato ang puso niya. Kasi maraming lalaki na rin ang nagdaan sa kanya, kahit wala pa siya sa showbiz. Ang tanong, alam kaya ito ni Mommy Divine? Na hanggang ngayon, parang isang robot si Sarah. Kasi ayon sa chikka, si Mommy Divine pa rin ang nagpapakilos ng katauhan ni Sarah, na ibig sabihin, sunud-sunuran pa rin siya sa mga kagustuhan ng kanyang ina. Na kung tutuusin, nasa tamang edad na si Sarah na 25, na puwede na siyang magdesisyon sa kanyang napupusuan.  Sabi nga ng iba, kung ganyan nang ganyan si Sarah, malamang na tumandang dalaga ito.

Pero kahit papaano, tama naman ang naging desisyon ni Mommy Divine sa pag-ayaw niya kina Rayver at Gerald, lalo na si Gerald na may mga lumalabas ngayong tsismaks na si Gerald daw ang taguri sa kanya ngayon ay ‘tuhog king’. Kasi sa tunay na buhay pala, itong sina Sarah, Kim Chiu at Maja Salvador ay BFF, as in best friends forever, na isa-isang tinuhog ni Gerald. Una ‘di ba si Kim? Pangalawa si Sarah.

Ngayon ang latest ay si Maja. Kasi raw madalas kasama ngayon ni Gerald ay itong si Maja, maraming nakakita sa Misimis Bay sa Albay, at ito raw ang kasama ni Maja nu’ng wedding ng kanyang pinsan last Jan. 2. Ang nakakaloka, nandoon din ang ex-boyfriend ni Maja na si Matteo Guidicelli, dahil imbitado rin ito ng pamilya ng pinsan ni Maja. Mabuti walang nangyaring eksena na tulad ng nangyari kina Coco Martin at Matteo nu’ng pinagsabay ni Maja. Kasi magkaibigan naman daw na matalik itong sina Gerald at Matteo.

At nu’ng Jan. 6 naman, nakita si Maja at Gerald na nag-dinner sa Anix resto at ang chikka, may blessing naman daw ito sa dating ex ni Gerald na si Kim. Kasi may Xian Lim na ito. Paano naman si Sarah?

Hay naku, kung totoo man ito Gerald, ginagamit mo lang ang pagiging guwapo mo para tuhugin silang tatlo. Hay, naku talaga! Ang showbiz nga naman… mabubuang ka talaga sa Earth lalo na ang fans na nakikipag patayan sa Kimerald at Ashrald.

Ano naman ang magiging taguri sa Maja at Gerald? P’wedeng Maje as in majic! Well ‘yan ang showbiz!

 

PITIK-BULAG: Sino itong sikat na personalidad na balitang wala na sila ng pinakasalan niyang politician?

Kasi nakarating sa lalaki na hindi na ito manganganak at hindi naman nakatulong sa kanyang political career. Kasi hinihila raw siya pababa dahil sa katarayan ng sikat na personalidad at may sakit daw itong kati sa katawan.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

18 thoughts on “Sarah Geronimo, tatandang dalaga

  1. naku , si mz.sarah napakatino nyang tao,isang mgandang example sa mga kabataan. wala pakialam ang lahat  kung wala pa siyang lovelife , buhay nya un kaya MYOB !!!(MIND YOUR OWN BUSINESS) yong iba na pinapakialaman si mz .Sarah 

    basta all i know is shes’s the one my ultimate idol ever ,…. 
    alam ko na malinis si Sarah g. compara sa ibng celebrities na babae at  may takot sya sa dios .,

  2. HINDI NA BALENG TUMANDANG DALAGA C SARAH GERONIMO KESA NMAN MAGAYA CYA SA IBANG ARTISTA AT MGA BABAE NA TUMANDANG PUTA BWAHAHAAHHAHAA

  3. …ayan sa sobrang sama ng pananalita ng mga katulad n’yo about SARAH GERONIMO at sa Mommy n’ya, binubuhos ng Panginoon ang biyaya sa mag-ina. Ikaw naman na masama ang dila, alam na naming lahat na kampon ng kadiliman ang kakampi mo at puro kasamaan rin ang binubuhos sa ‘yo!

  4. MASYADO NG O.A. ANG MAG INANG ITO. PA ELITE ANG PEG NI DIVINE MUKHA NAMANG KATULONG. HINDI NA NAKAKATAWA ANG SOBRANG KA OAYAN NG MAG INANG YAN. KUNG 25 YEARS OLD NA AT KUNG MAG ISIP PARANG 12 YEARS OLD ME SALTIK NA SA PAG IISIP ANG BABAENG ITO. MASYADONG MAARTE KUNG MUKHA RIN NAMAN KATULONG ITONG SI SARAT KUNG HINDI PA YAN NAGPARETOKE AT LUMAKLAK NG PAMPAPUTI HINDI YAN SISIKAT. RETOKADA.

    • mabait lng na bata si sarah sumusunod sa utos ng magulang di tulad ng iba jan napapariwara kase d nakikinig sa magulang at alam yang tama yun,o baka isa ka dun sa mga napariwara kase dka nakikinig sa parents mo.

  5. Hay! naku Swarding! tigilan mo ms si Sarah, masyado ka nang madaming below the belt na pinagsasabi kay Sarah tanda naming mga fans ni Sarah yan! at sure kang tatandang dalaga sya?!! Di ba pwedeng hinahanda muna ng Diyos sya at ang lalaki na darating sa kanya para sa TUNAY na PAG- IBIg? at Tonette pwede mo siguro i overhaul ang bunganga mo at isip mo Masyadong bastos at malaswa!!! Sarah G. is Sarah G! super sikat, TALENTED at mabait kaya pinagpapala pa!! mga bashers at haters nya NGANGA!!! peace!. :)

  6. Eh kasi ang normal na trend ngayon.. Pag age 13 may Boyfriend na, age 15 buntis na. kaya sa age ni Sarah na 24 wala pang BF sa tingin ng karamihan matanda na, kasi sa utak ng mga taong walang moral values, pagtuntong mo ng 18 dapat lumalandi ka na. Come on guys! she is just 24, give her a break. there is so much in store for her.. She is too young. Para sa mga responsable at matitinong tao, ang marrying age ngayon ay between 32 to 35. Bakit ba kayo nagmamadali para kay Sarah? Kayo ba ang makikisama? Kayo ba ang masasaktan pag nagkamali sya. Grabe lang!

    • teh un cnsbing marrying age nyan eh applicable lng yn s kakarampot n kta at wala png naiipon pero in Sarah’s case khit xa p mgpakain s mgingign sawa nya eh dxa mghihirap!

  7. kung tumandang dalaga CARE NYO, kesa naman mg boyfriend sya puno naman ng kunsumisyon, she is not a BIMBO na kahit cno na lng papatulan, ay ung mga writer na tumitira kay sarah un ung d naimbitahan sa thanksgiving party for the press, kasi ang mga naimbita lng naman kasi ay ung mga legit na press people, ung mga press na minsan napipitik sya pero hindi namemersonal, ung mga tumitira sa kanya un ung mga pinabili lng suka ay reporter na daw THE WHO kumbaga

  8. kayong mga Fans ni Sarah Geronimo, may isa pang matindi ang banat ngayon kay Sarah, yung columnist na si Pete ampoloquio, araw araw tinitira si Sarah, sa kanyang column sa remate, hayup ang baklang yun,,,tawagin ba namang Sarita si Sarah,,,matandang bakla na rin ang hayup na yun, tulad din nitong si Swarding , pag nakita ninyo yun sa Abs Cbn, every Sunday,, ay murahin ninyo, Pete Ampoloquio ang name nun

  9. Its either that or she will end up marrying a real lemon. Her parents are too picky and they seem to know well enough who to choose for her like thay can read everyones mind.

  10. Hehehe.. sinabi lang na maraming heartbreaks in the past.. maraming lalaki agad ang conclusion? OMG! gamitin ang utak. Pag ang kagaya ng tito swarding ang magiinterpret syempre malaswa ang interpretation.. pero pag matinong tao, kagaya ni Sarah ang magiinterpret.. maaring.. maraming naging crush ang na nagcause ng heartbreak.. Kaloka ka Swarding! Me masabi lang..

Leave a Reply

Your email address will not be published.