Sarah Geronimo, sobra nang sakal sa mga magulang?

Sarah-GeronimoSarah-GeronimoKUNG SI Matteo Guidicelli ay pahapyaw na nagsasalita tungkol sa relasyon nila ni Sarah Geronimo, kataliwas naman ito ng Pop Princess na tikom pa rin ang bibig tuwing pag-uusapan ang tungkol sa kanila ng aktor. Iba’t ibang bersyon na ng mga kuwento ang naglalabasan tungkol sa dalawa, nandiyan na break na raw sila, na nagalit daw si Daddy Delfin Geronimo dahil itinakas ni Matteo si Sarah pero may basbas naman daw ito ni Mommy Divine. May tweet namang lumabas na nakita raw ang dalawa na um-attend ng service ng Victory Christian Fellowship sa The Fort.

Nang tanungin si Sarah kung bakit nananatiling tahimik siya ‘pag napag-uusapan ang tungkol sa lovelife, sinagot naman ito ng singer/actress na personal na buhay niya ito at kahit bilang isang artista at public figure, naniniwala siguro si Sarah na dapat maging pribado pa rin ito.

Marami ang nagsasabi na sobra-sobra at wala raw sa lugar ang paghihigpit kay Sarah ng kanyang mga magulang partikular na si Mommy Divine. Sa amin, naiitindihan namin ang punto nito. Alam naming bilang isang ina ay kabutihan ang iniisip ni Mommy Divine para sa anak. Kung ang pagbabasehan ay ang mga kinauwian ng relasyon ni Sarah sa mga lalaking naugnay sa kanya, hindi naman nagkamali si Mommy Divine sa paghihigpit kay Sarah, kahit minsan ay maaaring sumusobra na ito. Sa amin kung may nakakilala man kay Sarah nang higit sa lahat, ito ay ang kanyang mga magulang partikular na ang ina, alam nito ang lakas at kahinaan ng anak.

Maaaring sa dami na rin ng mga pagkabigo na pinagdaanan ni Sarah, natuto na rin ito sa mga nangyari sa kanya, na mas matalino na ito sa paggawa ng desisyon lalo na pagdating sa pag-ibig, hindi na rin ito bata. Bente singko anyos na ngayon si Sarah. Hiling namin sana ay bigyan na ng laya nina Mommy Divine at Daddy Delfin na makapagdesisyon sa sarili ang anak. Magmahal man ito at magkamali, bahagi ng buhay ang madapa at masaktan dahil dito tayo natututo at tumatapang.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

19 thoughts on “Sarah Geronimo, sobra nang sakal sa mga magulang?

  1. Sa opinion ko pagmamahal at kasakiman na ang umiiral sa parents ni SArah. Mahal nila si Sarah kasi anak nila yun. Pero sakim na sila sa kinikita ng anak nila. Kita nyo bata pa rin naman parents ni Sarah pero di na sila ng work. Ang dahilan nila babantayan ang anak. Bakit????!!!! Silang dalawa pa????!!!!! Pano naman ang ibang anak nila????!!!! Tama yung sinasabi ng iba na nasa right agena ang anak nila kaya hayaan naman nila itong magdesisyon ng sarili. Ba

  2. PWE PUBLICITY GERONIMO IS JUST FOOLING THE PEOPLE OF THE PHILIPPINES SO THEY WILL PATRONIZE HER WATCH HER CONCERT BUT QUESTION ARE YOU BETTER OF THAN GERONIMO IN PATRONIZING? OR GERONIMO IS GETTING ALL YOUR “DOUGH” ?

  3. mommy Divine at daddy Delfin, umayos nga kayo! malaking blessing sa inyo si Sarah. wag nyo hintayin na magrebelde iyan . baka nag-aalala kayo na mawalan kayo sa kinikita ng anak nyo

  4. Hindi ako naniniwala na mahal ni Mommy Divine si Sarah at ayaw niyang masaktan. THis is the real world, of course heartbreak and pain happens. Kapag patay ka na at nasa langit na, dun di ka na masasaktan. Heartbreaks makes a person grow stronger and more learned in life. Ang ayaw mawalan nila ay PERA, gusto nilang forever breadwinner si Sarah. Thats the bottomline.

  5. Ganid ang mga magulang ni Sarah habang ang ibang anak ay malaya at nagpapasasa lalo na si Delfin. Maawa na sila kay Sarah baka mamaya huli na ang lahat madeppress si Sarah. Kung mabuti silang magulang hindi nila itotorture ang anak. Mga palamunin na nga ang buong pamilya may gana pa silang pagalitan si Sarah. Makasarili ang pamilya ji Sarah at sarili lang nila ang iniisip. Makunsensiya sana sila pag nag break down si Sarah.

  6. Tama rin magulang ni Sarah sa paghigpit kc bka mtulad sa iba nabuntis at nanganak ng d kasal. pero dpat bigyan din kalayaan basta lagi cila nkasubaybay ng d mpahamak c Sarah…

    • tama, 25 going on 26 na si sarah ngunit ayaw pa rin pagkatiwalaan ng mga magulang. hayaan sana siyang magmahal, ang papel lamang nila ay gabayan siya upang di mabuntis ng hindi kasal kung iyon ang kanilang ikinatatakot. if magkamali ang anak despite their guidance, so be it.

    • tonita wag kang makialam ikaw kais haltang bitter parin pati sa lalake eng eng utak mong nga walang laman nakkihalo kapa rito wag kang magcomment at magbigay ng opinyon bawal ang bobo gaya mo rito! ingit ka sa kalandian bakit ikaw kahit lumandi wlang pumatol pakialaman mo buhya mo wag buhay ng iba nabbuhay ka nalgn sa tsismios ganyan ka kawawa!

  7. Sarah should be truthful to all her fans and to herself. Fans adore her and are spending a lot of their time and money just to see her and listen to her music. She twitted only if she wants to promote something. She’s 25 going to 26 and not baby anymore. She is very talented, beautiful, and a very good daughter. People are blaming her parents for not allowing her to have a boyfriend, but is that really the reason? The answer with regards to question between her and Matteo – they are friends, not ready yet, lovers or yes or no. That’s it. Period.

  8. i won’t get shocked kung eventually eh mas iprefer nalang ni sarah ang same sex relationship. with what her parents are doing hindi malayo na mawalan na ng tiwala si sarah sa lalaki. =D

  9. Nakakaumay na ang kuwento ni Sarah. Rayver, Gerald, Matteo. . .Wala namang nangyayari. Parang nakakaloko na. Kung tutoong may boyfriend, magsabi na. Kasi, tingin ko, wala.

    • WALA nga! as in WALA,,pinag loloko lang kayo ng mga Publicist at PR ng katol network bwahahahahha parang si tetay ang peg niyan..nagbabayad ng mga writers para isulat ang” mahiwagang lover kuno ni Tetay….atsaka hindi papayag ang mga magulang ni sarati na mapunta lang yung virgin??? looking na anak nla sa isang artsita lang,,,gusto nila LORD…..alam mo ba yun may LORD yun ang gustong makatuluyan ng Virginal???? na anak nila hahahaa pili ka na lang Political. Drug. o war lord yun na,,diba Spanky asshole hahahahha

      • naligaw kanamn tulo! yang tulo mo sa utak mo ang pagalingin mo umaalingasaw angh baho! sus me bat nandito ka tanga kanamn walng karapatan magcooment mga tulo ang utak gaya mo dun kasa mga starlet magbbigay kanamn ng kabbohang kommento mo gaya nila tonita as if naman may kuwenta ka! wala pala ano pang nginagawngaw morito p[arta mag comment ka bobo! kaloka ka wala pala may kuwenta ba comment mo eh di wala tanga! pahiya ka lang sumsige kapa nagcomment kapa di ba wala sabi mo so may saysay comment mo teh! makita lang komento mong katanghan papasin kanaman kahon lagi komento mo! magcomment kaq sa mga starlet ok! hind need mga gaya mong komento rito mga basher na puro kahon ang utak walng saysay kinokomment. hind ka nagcomment tanga engot ikaw nagsabi wala susme tanga talga as if always!

  10. I am a parent too and I understand that as parents, we should guide and protect our children.

    Pero sa age ni Sarah, siguro, it is best to let her decide for herself – she is old enough to learn how to make decisions and be responsible. Kailan pa siya matututo?

    To her parents, ano ba talaga ang reason ninyo? Are protecting her or you have your own vested interest?

Leave a Reply

Your email address will not be published.