Sarah Geronimo, selos na selos kay Cristine Reyes?!

SELOS NA SELOS pala si Sarah Geronimo kay Cristine Reyes. Ayon sa ating source, one time daw ay nagre-rehearse sina Cristine at Rayver Cruz sa isang room sa ABS-CBN at nagkataon na naroroon din sa kabilang silid si Sarah na naghahanda para sa isang production number niya sa ASAP XV.

Ayon sa aming source, panay raw ang sulyap ni Sarah kina Cristine at Rayver. “Mahal na mahal pa rin ni Sarah si Rayver. Hindi lang niya magawang ipaglaban talaga si Rayver dahil takot siya sa kanyang mga magulang, lalo na kay Mommy Divine.”

Kung paniniwalaan pa rin natin ang mahadera naming kaibigan, sinabi pa rin nitong wala raw kasigla-sigla si Sarah habang nire-rehease ang isang kanta para sa ASAP. “Sino ba namang gaganahang kumanta kung nakikita mo ‘yung lalaking mahal mo na masaya kapiling ang iba.”

KUMPIRMADONG LILIPAT NA nga si Anjo Yllana sa Singko, kung saan kamakailan ay nagsimula na itong mag-taping kasama si Tuesday Vargas para sa isang amazing story na may pagka-comedy ang tema.

Nakausap namin si Anjo at inamin nitong nasa Channel 5 na siya ngayon pero wala naman daw siyang exlusive contract na pinirmahan. “Matagal na akong may show rito sa Singko pero iba itong sa amin ni Tuesday. Maganda ito at tiyak na magugustuhan ng mga tao, kasi ang tema nito may pagka-comedy, may mga nakakatakot at kung anu-ano pa, kaya masaya.”

Sa kabilang banda, inamin ni Anjo na nangangarap sila ng kanyang asawa na si Jackie Manzano na magkaroon ng anak na kambal. “Kaya lang medyo may dapat kaming ayusin bago namin gawin iyon, dahil may kailangang tanggalin sa katawan niya bago uli siya magbuntis,” at iyon ay IUD, na ikinabit noon nang manganak ang aktres sa bunso nilang si Sean.

Sa pagkukuwento pa rin ni Anjo, aming napag-alaman na muntik na siyang magpa-vasectomy. “Mabuti na lang umayaw ako at siya na lang ang nagpalagay ng IUD.”

Next year daw ay balak muling magpakasal nina Jackie at Anjo. “Kasal na kami sa Amerika, pero may plano kaming magpakasal next year.”

Ang isa raw sa natutunan ni Anjo sa paghihiwalay nila noon ni Jackie ang huwag maging padalus-dalos sa mga desisyon.

FEELING WAGI SI Willie Revillame dahil since nang umere ang programa niyang Willing Willie, “sumakit” na ang ulo ng mga big boss ng News Department ng Channel 2 at Channel 7. Ang time slot kasi ng programang Willing Willie ay siyang pinaghaharian ng mga programang pambalitaan.

“Masaya siyempre si Willie. At least, napatunayan niyang marami pa rin siyang tagasunod,” sabi ng isang taong malapit kay Willie, na nagsabi pa ring nabago raw ni Willie ang mundo ng primetime show.

SPEAKING OF PRIMETIME show, mukhang nagiging basura ang Noah nitong mga huling linggo. Papangit nang papangit ang takbo ng istorya, na labis naming pinanghihinayangan dahil sinubaybayan namin ang programang ito, bukod pa sa Imortal nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

Ang totoo niyan, hindi lang kami kundi marami rin ang disappointed sa pagtatapos ng Magkaribal, partikular na sa huling gabi na hindi mo maintindihan kung bakit ganu’n ang ginawa nilang ending. Para bang nagalit ang direktor at scriptwriter sa pagtatapos.

Walang mabigat na detalye sa pagkakakulong ni Vera (Angel Aquino). At ano ang nangyari nang bumagsak ang chandelier? Basta na lang ni-narrate na sina Chloe (Erich Gonzales) at Caloy (Enchong Dee) ay nagpakasal, habang si Victoria naman ay lumapit sa dalawang bata na nangangarap ng bagong sapatos at damit habang nakamasid sa billboard ni Gelai (Bea Alonzo).

Cheap at basura ang last night ng Magkaribal. Sinayang nila ang maganda nilang sinimulan. Parang tinipid na hindi mo maintindihan ang ending ng nasabing programa. ‘Yun lang!

More Luck
by Morly Alinio

loading...

30 thoughts on “Sarah Geronimo, selos na selos kay Cristine Reyes?!

  1. icompare ba si sarah at cristine??
    si cristine madami nang karanasan sa lalaki.. si sarah wala pa.. tanga ni rayver.. di hamak na mas disenteng babae si sarah compare kay cristine.. mag-aagaw lagi yang si cristine.. bugaw pa yan sa mayayamng pulitiko!!

  2. as for the ending of Magkaribal.. It seems like some of you were not at all paying attention. If you re watch the ending you will see that..

    Vera was in prison (continuing fashion while in prison) read the headline on the magazine!
    Chloe/Caloy got married
    Gelai still alive and kicking and continuing with the fashion insdustry
    Victoria well as you could see she was still happy and alive..

    So for people who were confused about the ending.. Well I hope this helps.. you just have to really just analize the ending..

  3. bwisettttttt …….nakakainis un ha kung cnuh man sya ha! BURAOT BA PINAPALAKI NA NAMN UNG ISSUE ……. HAHA KALA MO tatalab sa amin yan sisiraan mo pa c ate Sarah ang sama mo namn…… ! grabeh ka hindi pa ba sapat sa iyo na hindi talaga cla naging mag BF GF ….. oh baka ikaw ang iingit …… GRABEH BA WALANG MAGAWA SA BUHAY! kakaloka ka……. palibhasa sikat …. pilit pinapabagsak …. hindi namn nila kaya…… haissst naku LORD I BLESS MO NLNG UNGMGA TAONG GANYAN! :) plssss lng….. nakakaloka……..

  4. ikumpara ba si sarah at christine? Marami nang pinatunayan si Sarah. Hit Albums, Movies, Shows… singer, actress, host sya. si Christine, maliban sa mukha niya at katawan, anong meron siya? Acting talent? huh, dah…. teleserye niya laplapan at hubaran kaya laging gabi na. In singing, dancing and hosting, kaya ba ni Christine si Sarah? just asking…

  5. kawawa naman si sarah malungkot ang lovelife niya:((
    normal lang mag-selos si sarah kay cristine,dahil si cristine sanay ‘yan makipag flirt sa mga lalake

  6. DON’T READ THIS TRUTH

    OO nga pansin ko tong writer na to BIAS! Maganda ang noah no hindi pangit ang istorya, kaya lang ganyan kasi naiinip ka na sa kapapanood. Panong pangit? Aber ang istorya tama lang naman ah na nakapunta yung dalawang kontrabida sa isla kasi sila sisira ng mundo! Gets ko na nga ang mangyayari para bang yung kay moises nagbaha tapos makakapagligtas lang si eli.

    About magkaribal, hindi ko natapos ending pero I’m sure maganda yan, kasi maganda naman ang whole episodes diba? so bakit mo sasabihin na pangit. You know what, iniba nila yung style ng ending kasi may utak sila, dahil ang tao alam na yung mga common na ending ng isang teleserye. Kung di mo gets, gumawa ka ng special edition ng ending nila.

    About kay willie, actually, nakakatuwa naman yung show niya, but mas madami yatang tao ang tumututok ng balita kasi importante yun, either sa 2 or 7. Mas marami of course balita, kung nanonood man sila, like me, pasulyap sulyap lang yung tipong lipat tapos pag nabored dun na sa iba.

    About dun sa nagsabi na super apektado yung channel 2 at nangunguna ang ratings ng 7, actualy totoo yan na number one sila madalas, sa MEGA MANILA lang, meaning sa Metro Manila. Pero kung NATIONWIDE, isama mo dyan lahat ng probinsiya at ibang cities,in short the PHILIPPINES, channel 2 pa rin ang panalo! Nagtataka kayo kung bakit laging mega manila ang may ratings results agad kasi accessible siya lalo na na mas developed tayo.

    Hay hrap magcomment ng pagkadamidami… hehe

    • teh, pano mo naman nalaman na iniba yung style ng ending nung magkaribal e kaw na mismo nagsabi na hindi mo natapos yung ending?
      hindi naman pinaguusapan rito kung gusto mo ang ending o ano, tinatanong rito kung ano ba nangyari nung bumagsak yan chandelier na yan! ano nga ba kasi ang relevance nun?
      puro kayo nagsasabi na matalino lang ang makakaintindi nung ending. e di isplika nyo kung ano nga ba!
      aminin nyo na kasi na pati kayo naguguluhan!

      • hingi kami naguguluhan talagang kayo lang magulo no, yun na yon kung baga sa ending nila, kung ano yun, bahala na kayo ang mag-isip ng sariling ending gets mo ba? para maiba naman daw

      • yun na yun?? hahaha! meron bang “matalino” na sasabihin na lang “yun na yun?” kita mo na, nde mo rin masabi kung ano meaning ng ending!
        nagmamagaling kasi, obvious naman na wala ka ring “talino!”

  7. pagdating kay sarah nega lagi sinusulat mo, maganda ang ending ng magkaribal. Siyempre dapat inintindi mo ang panonood. Malay mo ung sinasabi mong panget na ending may Part 2 pala sa 2011. Dba?

  8. asus! may masabi lang! sa mga nagmamagaling dyan at nagfi-feeling “matalino,” sige nga, i explain nyo kung ano ba talaga ang ending ng magkaribal?

  9. Grabe talaga ang pagka-fickle-minded ng fans. Just last year, sobrang favored ni Sarah in terms of popularity, top movie, top concert, mabentang CDs, etc. Tapos yung mga fans na mas mayabang pa sa idol nila, kung laitin si Charice na at that time medyo hindi pa sumisipa ng husto international career ay ganon na lang. But now, isang kisapmata, baliktad na ang sitwasyon. Si Sarah ang nasa ilalim, at hindi naman magkamayaw sa papuri at pagtili kay Charice ang maraming tao. Di rin kasi maipagkaila, may ginawang mali ang handlers ni Sarah sa career nya para lang kumita ng malaking pera agad agad. Nagmalaki pa agad dahil sa sobrang sikat ni Sarah last year. Yung fans ni Sarah na nagmamayabang dahil sa box-office results ng team-up nya kay JLC, medyo nahimas-masan dahil ni hindi umabot sa kinita ng Kim-Gerald movie yung team-up nya with Juday. Lesson to learn is to keep your feet on the ground, at wag masilaw sa pera at magpagamit sa mga pulitiko. Sana lang na-invest ng maayos yung kinita dun.

  10. susme, di isang willie revillame ang magpapabagsak sa news program..ung totoo, may nanonood ba ng show ni willie?

    itong si morly-MML! May masabi lang- Kung pangit ang Noah at Magkaribal, anu na lng yung Willieng Willie? SOBRANG PANGIT! hahahaha

    si willie at ang mga bayaran nya-nanaginip ng gising..tsk tsk

  11. UNIQUE nga ang ending ng MAGKARIBAL.

    mapapa isip ka talaga ano meaning ng ending nila.

    at para sa mga taong matatalino, gets nila meaning nun.

  12. Writer na Ito di gets ang ending ng magkaribal kasi nga mahina umintindi…grabe mukhang nabayaran ni Willie kay a Panay panira sa show ng ABS-CBN

  13. syempre isa lang ibig sabihin sa taong toh i mean sa writer na toh ., BOBO! lol di naintindihan ang ending ng makarbal kung tutuusin may class ang ending ng magkaribal..bobo lang ang mga di nakaintindi ng ending ng magkaribal! hahaha

  14. syempre isa lang ibig sabihin sa taong toh i mean sa writer na toh ., BOBO! lol di naintindihan ang ending ng makarbal kung tutuusin may class ang ending ng magkaribal..bobo lang ang mga di nakaintindi ng ending ng magkaribal! hahaha

  15. SARAH AMBISYOSA!

    at ano naman ang panama mo kay CRISTINE REYES? kumanta at sumayaw ka na lang na parang manyikang de susi. tutal sunud-sunoran ka lang naman na parang puppet sa mga magulang mong mukhang pera!

  16. hindi naman naaapektuhan ang GMA 7 dahil malakas ang 24 oras, sila ang nangunguna pagdating sa balitaan ang taas -taas ng rating niya kahit nung tumapat si willie, ang ABS lang kasi ang nagpa apekto eh, mali na mabigla sila kung sakali man na tumaas saglit ang rating ng WW,
    dahil pagdating ng oras na yun ang pinapanuod talaga ay balita at hindi ang pagpapakita ng mga babaeng sumasayaw sa likuran ni willie.

    mahalaga talaga ang balita lalo na pagka me krisis na nangyayari sa bansa natin, o kaya ang pagputok ng bulkan o kaya ang nagbabadyang lindol at bagyo pinakaimportante talaga na tumutok sa mga balita.

    baka kung pasasabugin na yung studio ng WW at binabalita na sa tv eh andun pa rin sila at nanunuod ng cirko-cirkong show ni willie dahil hindi sila nanunuod ng balita hahaha….

  17. itong writer na to hater to ni sarah wala ng sinulat na maganda puro nega na lng. khit walang basehan sige lang sulat puro haka-haka di naman sure basta makapanira lng. pasikat to eh si sarah ang headlines palagi kahit walang sense, hello sure ka ba hindi makafocus si sarah eh ang ganda kaya ng mga performances niya sa asap lalo na pg sos. sinungaling ka tlaga bakla ka!…….di naman basura ang show ni willie para sa akin masaya nga. may tv 5 dito sa zamboanga city at totoong maraming followers si willie dito. wrong ang perceptions na malakas lng ito sa mega manila dahil malakas din ito sa ibang panig ng pilipinas….

    • im also from zamboanga city…
      agree ako sau…masaya nga ang willing-willie…
      dito sa subd. namin makawilling-willie…8z not true na basura ang show na yan…how cum maging basura yan eh maraming taong napapasaya ang show ni willie either nandun ka live or ur just watchig over television…ur really enjoying…

  18. Tinawag mong basura ang ang Mgkaribal at Noah .. bakit hindi mo tawagin ang show ni Willie na BASURA dahil ba sa isa ka sa bayaran ni Willie oo nga pala mg ina pala kayo ni Lolit hindi na ko mg tataka kung ano klase kang writer mga mukhang pera …

  19. patawa’ masyad0 kng bilib sa willie muh’ aminado aq dati gust0ng gust0 q c willie’ pikit mata at nagbinge bingihan aq sa madaming nagsasbi mayabng at bast0s xa’ ngaun isa aq sa maraming ngbago ang pgtingn ke willie ny0h,t0t0o nga mayabang nga’ kung bukal sa kal0oban mu ang tmulung ilihm mu nalng un at wag ipagyabang’..

  20. duhhhhhhh!!! ang engs nmn ng writer na to! di nya na gets ung ending ng magkaribal! Puro nlng si willie pinupuri tsk..tsk.. money talks!

  21. ikaw lang yata at ibang mga kapuso ang hindi nagandahan sa ending ng magkaribal. Di mo kasi sinubaybayan ang teleserye kaya di mo naintindihan ang ending lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.