Sarah Geronimo, Sam Milby’s newest crush!

TUWANG-TUWA SI SARAH Geronimo nu’ng tawagin ang pangalan niya bilang Female Star of the Night sa katatapos na 25th Star Awards for Movies sa Ateneo de Manila University. Nasa loob kami ng dressing room at nakiusap si Sarah na samahan muna namin siya roon habang nagtsitsikahan sa likod niya ang mga bigating stars sa grandyosong awards night ng Philippine Movie Press Club na sina Christopher de Leon, Cesar Montano, AiAi delas Alas, Maricel Soriano, Snooky Serna, John Lloyd Cruz at Richard Gomez.

First time ni Sarah na manalong Star of the Night kaya ‘di siya makapaniwala. Sa dressing room, nagkaroon kami ng chance na makuha ang pahayag ni Sarah sa balitang isa siya sa mga crush ngayon ng leading man ni Angel Locsin sa Only You na si Sam Milby. Nu’ng una ay ‘di makapaniwala si Sarah na binanggit ni Sam ang pangalan niya.

“Syempre po, flattering. Sa dinami-rami ng magagandang artista natin ngayon, e, isa po ako sa napili niya,” sabi ng nakangiting si Sarah.

Itinanggi naman ni Sarah na pati na ang kanyang ina na si Mommy Divine ay inaayawan na makasama niya si

si Toni Gonzaga sa isang proyekto ng Star Cinema. Nasa Amerika raw sila noon at ‘di pa alam ni Mommy Divine na may pina-planong project sila with Toni, Vhong  Navarro at Rayver Cruz.

Sinagot din ni Sarah sa presscon ng kanyang The Next One Philippine Tour (June 12 sa De La Salle Sentrium – Lipa City, Batangas; June 20 sa Bren Guiao Convention Center – San Fernando, Pampanga; June 25 sa CSI Stadia – Dagupan City; September 20 sa Holy Cross Gym – Davao City) ang isyu tungkol sa hindi pagbabayad sa kanya nang tama ng nagma-manage sa kanya, ang Viva Entertainment.
“Hindi, honestly po, ang Mommy ko lang at si Boss Vic ang makasasagot niyan. Ako po kasi, hindi ako nakikialam sa financial matters. So, sila lang po talaga ang nakakaalam. Ako, tagatrabaho lang,” diin ni Sarah.

At sa sex video scandal naman ni Hayden Kho with Katrina Halili at Maricar Reyes, para kay Sarah, imoral ang mga nagtatalik without the sanctity of marriage.

SPEAKING OF STAR Awards, nakausap namin si Ms. Helen Gamboa sa thanksgiving party ng Tayong Dalawa at inalam ang reaksyon ni Megastar Sharon Cuneta sa pagkakapanalo niya bilang Movie Actress of the Year sa pelikulang  Caregiver.

“Tuwang-tuwa siya. Magka-text kami kanina. Sabi nga niya. ‘I’m so happy, Mama, that you are the one who accepted the award on my behalf,'” lahad ni Tita Helen.

May nagtataka naman kung bakit hindi tinanggap ni Tita Helen ang award ng apo na niya na si KC Concepcion na nanalo bilang New Movie Actress of the Year.

“E, hindi ko naman alam kung papa’no. Kasi nakaupo ako roon tapos si Vicki ‘yung nanduduun na, so, she decided to get the  award. ‘Tsaka siguro ayaw nilang ma-preempt dahil major award ‘yung i-accept ko. Mapre-preempt nga naman.”

May sinabi rin daw si Sharon sa pagkakapanalo ni KC kay Tita Helen.

“Sabi nga niya, ‘Wow! Mama, ikaw, ako at saka si KC, family. Genes lang ‘yan.’ Hahaha! Ang cute.”

Nakatanggap din kami ng text message mula kay Ms. Baby Gil na close friend ni Megastar. Very unexpected daw that she won kaya happy si Mega.

Narito ang pasasalamat na message ni Mega sa PMPC, “Thank you so much to the Star Awards. I am so thrilled. Sabay pa kami ni KC. Regards to everybody. God bless.”

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

One thought on “Sarah Geronimo, Sam Milby’s newest crush!

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #71

Leave a Reply

Your email address will not be published.