Sarah Geronimo rivals Charice over Justin Bieber?!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes! Now na! Don’t make your Monday a blue Monday. Dahil ang mga chikka ko ngayon ay nakakalurkey at nakakawindang… hahaha! Gaya nga ng tsinika ko sa aking on-line streaming sa Pinoy UK radio, dahil usong-uso talaga sa ibang bansa ang on-line streaming.

Heto na nga… sina Sarah Geronimo at Charice ay magkaribal sa isang lalaki! Ooooppps! Sino naman itong lalaking ito? Sino pa eh ‘di si Justin Bieber na pinagkakaguluhan nga nitong dalawang singer.

Intrigahin natin si Sarah, ano naman kaya sa tingin niya kung paano siya magugustuhan ni Papa Justin? Hahaha! E, si Charice din kaya?

Pero sa tingin ng madlang pipol, mukhang si Charice ang malakas ang points na magwagi, kasi international na rin ang beauty niya.

‘ETO NAMAN… SPEAKING of Charice, napapabalitang siya ang ipapalit ni Oprah Winfrey sa bagong gagawing show na Miss Saigon. Siya raw ang ipapalit na Kim. ‘Di ba nakaka-windang? Kasi naman, kaya niya bang tapatan ‘yun?

Pagdating kasi sa boses, wala naman tayong mase-sey pa, eh pagdating sa fez, ano na kaya ang eksena? Mukhang walang laban… hahaha!

Anyway, abangan na lang natin sa concert ni Justin kung sino ang mas type niya… si Sarah o si Charice?! Pakkk!

BALIKAN NAMAN NATIN ulit ang chikka about Aiko Melendez. Nagsalita na rin kasi ang dati niyang karibal kay Jomari Yllana. Marami kasing nagtatanong kung ano ang masasabi ni Ara Mina sa naging isyu ngayon ni Aiko. Ang sey naman niya ay ‘no comment’ daw siya d’yan. Pero sa isa pang tanong kung okey na ba sila ni Aiko, ang sabi naman niya ay okey na raw, pero hindi pa rin nga sila nagpapansinan.

Tinanong din si Ara kung may sugat pa rin daw? Wala na raw sugat, pero bakas na ang peklat. Ano ‘yun?

‘Pag sinabing peklat, hindi na nawawala ang awayan nila nu’ng nakaraan. Okey na nga sila, pero wala na talagang pag-asang magkaayos sila?

Nakakawindang! Pati naman si Ara Mina, nakikisali? Masamang pangitain ‘yan, ha?!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong magdyowang ito na nakakaloka talaga?

May nag-chikka sa amin na talaga namang napaka-PDA nitong magdyowang ito, at naloloka ang buong staff sa isang network, dahil ayaw talagang magpaawat ng dalawa. Sa dressing room pa lang daw, naglalapangan na ang dalawa at walang puwedeng sumita sa kanila.

Pero kung ganu’ng eksena naman, dapat magpaaway naman sila, kasi respetado ang dalawang magdyowang ito. Kaya ‘pag pinagpatuloy nila ito, baka mawalan ng career ang merlat.

Clue: Ito ang nagsabi na kung wala raw siya ay hindi sisikat si Pokwang… hahaha! Sa dyowa namang merlat… ooops, ‘wag muna… hahaha!

Kaya naman para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

5 thoughts on “Sarah Geronimo rivals Charice over Justin Bieber?!

  1. hahahahha katawa ka naman swarding tga pick up ka lng ng issue sa ibang write up,,ang galing mong gumawa ng mga kwento, nanalo ka cguro ng best story teller nuh,, lagi mo nlng gnagawan ng kwento c sarah,,, sino kya nag utos sau pra tirahin sya?,,,,

  2. Swarding bading di naman kilala ni justing bieber ang flopsinang si sarah duhhh. buti pa c charice namention ni justin bieber, eh c sarah flopstar, akala nya pa lang dun sa backstage hahahahahahaha

  3. Tita Swarding, speaking of Ara Mina, what a stupid lady to comment such things. Masisi ba niya si Aiko to act like that, di ba may tsismis na Ara was the third person in the relationship? Ara has no right to say anything, huwag siyang magpaka birhen. Anong tawag sa babaeng pumatol sa lalaking may asawa na? Just asking lang ho!!!!!!

  4. hahahaahah!!!!c mariel landi na porke kumabit kay robin e kala nya sikat n xa!!!!!pweeee!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.