Sarah Geronimo replaces Toni G. new Careline endorser

SA BIRTHDAY PARTY ng katotong Wendell Alvarez namin muling nakadaupang-palad ang ala-alaga ng amin ding katotong Jobert Sucaldito na si Gabby Concepcion.

Sa kapirot naming tsikahan, mukhang gustung-gusto na nga ni Gabo na muli nang makapag-emote sa big screen. At isa lang ang wish niya na makaparehang muli sa pelikula – walang iba kundi ang Star For All Seasons at Governor ng Batangas na si Vilma Santos.

Marami kasi sa mga nakausap ni Gabo nang gabing ‘yon ang nakaalala sa pelikulang pinagsamahan nila a long time ago (Pahiram ng Isang Umaga) kaya ito raw ang nami-miss na makatrabaho ng guwapo pa ring aktor!

AGAD NA NAGPASINTABI ang executive ng Ever Bilena Cosmetics, Inc. na si Christine Gabriel, sa status ni Toni Gonzaga bilang endorser ng kanilang Careline Cosmetics for the past three years, dahil may kapalit na ito in the person of Sarah Geronimo.

Ipinaalam naman daw ni Christine sa pamilya ni Toni na meron na silang kukuning bagong endorser, dahil ang produkto nga nila eh, nagki-cater sa teenagers. At sa puntong ito, masasabing nag-mature na si Toni at matatapos na rin ang kontrata nito sa kanila very soon.
Nagpahatid naman ng magagandang salita si Mommy Pinty ni Toni kay Christine sa pagkuha nila kay Sarah, at masaya naman daw ito, pati na ang kanyang anak, na si Sarah ang napisil nila para gampanan ang papel ni Toni. At in fairness naman daw, nagkatulungan naman si Toni at ang in-endorso niyang produkto to make it number one in the market.

Sa bibig din ni Ms. Christine nanggaling ang mga katagang si Sarah ang hottest star sa kasalukuyan. Hindi rin daw mahirap kausapin si Sarah at ang kanyang manager dahil naniniwala naman ito sa mga produkto ng Careline at kahit nga hindi pa sila nagpipirmahan noon ng kontrata, napatunayan na nina Ms. Christine na talagang ginagamit na ni Sarah ang kanilang mga produkto.

As far as Sarah’s talent fee is concerned, si Ms. Christine rin ang may sabi na kapag sikat ang artista, may katapat ito talagang halaga.

Bawat kataga ngang lumalabas sa bibig ni Ms. Christine, tinatapatan na ng intriga ng mga kaharap. But again, nilinaw niya na hindi niya planong makipag-away at lalong ayaw niyang magkaroon ng bad blood with Toni and her family. Dahil aminado silang malaki ang nagawa ni Toni para lumakas ang Careline sa merkado.

Open pa rin naman daw sila na kunin si Toni sa iba nilang line with Ever Bilena na nagki-cater naman sa mas adult na consumers ng beauty products nila.

“Sana, huwag namang ang dating eh, laos na si Toni kaya kumuha na kami ng bagong endorser. Hindi naman gano’n ‘yon.”

SAMANTALA, HINDI PA rin maamin ni Sarah na, hindi lang ang Careline ang nagpapaganda at nagpapa-bloom sa kanya kundi ang makakasama niya sa susunod niyang pelikula under Star Cinema Productions, na si Rayver Cruz.

Hindi naman daw pinipigilan si Sarah ng Mommy Divina niyang magpaligaw na. Siya raw mismo sa sarili niya ang umiiwas muna sa bagay na ito. Dahil ayaw nga niya nu’ng nagpapalit-palit ng karelasyon, lalo pa at kung nasa showbiz din ang mapapalapit sa puso niya. Ang gusto niya, when the time comes, it’s the right time, and with the man na meant to be na magmay-ari ng puso niya.

Kaya, kagaya ng mga nagsisimulang umusbong na pagtitinginan sa labas ng TV at pelikula, nasa getting-to-know-you stage pa rin daw sila ni Rayver.

“Si Lord lang po ang nakakaalam talaga ng lahat. Kung siya ang maging future boyfriend ko, puwede rin naman. Darating po tayo dyan. At ayoko itong madaliin.”

The Pillar
by Pilar Mateo

Related Post

loading...

5 thoughts on “Sarah Geronimo replaces Toni G. new Careline endorser

  1. GUSTO KO SILANG DALAWA…. GALING NILA THE BEST SI SARAH WHEN IT COMES TO TALENT…. AT SI TONI SA HOSTING……

    GOGOGOGOGO

  2. Ano itong nasa mukha ni Pilar Mateo? Kamatis? Ay hindi , ilong pala. Palagi ka bang nakakaamoy nang mabaho, Pilar?

  3. It’s very clear. Careline, nag ca cater sa mga teenagers. It is proper that Sarah gets the job. Toni had her turn and she did a good job.

Leave a Reply

Your email address will not be published.