Sarah Geronimo, pinangatawanan na ang pagtawag ng ‘Babe’ kay Gerald Anderson!

IMPORTANTE TALA-GA sa isang show, mapa-teleserye o variety show, ‘yung maganda ang samahan ng mga artista o ng mga hosts.
Kami we make it a point na nililinaw ko na una pa lang sa mga artistang nakakasama namin na ‘wag silang mag- alala sa amin, dahil ‘pag kami ay artista, hindi kami reporter kaya p’wede nila kaming pagtiwalaan o kung type nilang isambulat ang tunay nilang ugali, gusto nilang mag-inarte o magmura, keri lang sa amin as long as ito ay kayang i-justify.
Ayaw kasi naming ma-conscious ang mga artista sa presensiya namin, kaya hangga’t maaari, malinaw na ang policy namin, bago pa man mag-umpisa ang show.
Meron ding ibang show na ‘pag napapanood mo, akala mo ay super duper close sila at okay na okay at kainggit-inggit ang kanilang samahan. Pero ang totoo ay meron silang lihim na iritasyon sa kanilang kasamahang hindi marunong makisama o laging inihihiwalay ang sarili sa mga kasama.
Kaya iba pa rin ‘pag marunong kang makisama at hindi puro pangsarili lang ng iniisip mo. After all, silang mga kasama mo rin naman ang susuporta sa ‘yo sa oras na ikaw ay mangailangan ng karamay sa pagdadalamhati mo.

KAYA PALA matagal ding nawala si Shaina Magdayao sa ASAP 2012 ay dahil ilang linggo rin siyang nagpahinga mula nang matapilok siya sa isang production number niya nu’ng b-day niya sa naturang show.
Magang-maga raw ang paa ni Shaina kaya pati ang taping ng bago niyang teleserye ay matagal ding nabakante ng iskedyul dahil siya ang bida nito, kaya tengga rin ang mga artista nito.
But we heard from a source na okay na now si Shaina at p’wede na uli siyang mag-taping ng bagong teleserye na ewan lang namin kung pahinga muna siya sa prod number sa ASAP.
Ingat na lang next time para hindi nala-lock ang paa, ha?

MASAMANG-MASAMA RAW ang loob ng mayor ng isang bayan sa Abra kay Jennylyn Mercado dahil ginawang big deal ang pagkakakuryente sa kanya nu’ng mag-shower siya.
Sabi ng aming source, natural daw na maga-ground si Jen, dahil nilublob niya ang kamay niya kung saan nakasawsaw pa ang water heater sa timba.
Ayon pa sa source, ilang artista na raw ang dumayo sa kanilang lugar pero walang ganu’ng experience, “Dahil alam nila ang gamit ng water heater!”
Parang gustong palabasin ng aming source na pinairal ni Jen ang katangahan. Pero kami naman, ang basa namin diyan ay gusto lang ni Jen na maging aware ang mga tao para hindi na mangyari sa kanila.

BIRTHDAY CELEBRATION kahapon sa ASAP 2012 ni Gerald Anderson kung saan ang huling bumati sa kanya sa VTR bago siya nag-production number ay si Sarah Geronimo.
I’m sure, tuwang tuwa ang mga AshRald at ang mga Sasa-Gege fans nila dahil malinaw pa ang pagkakabigkas ni Sarah sa huling linya ng tawag niya kay Gerald, ang ‘Babe’.
Pero ano nga kaya ang naging damdamin ni Kim Chiu that time? Tapos, ‘andu’n pa ang na-link din noon na si Bea Alonzo? Nagbatian kaya sila off-cam o deadmahan na lang?
Eh, sina Piolo Pascual at KC Concepcion kaya, nagbatian din kahapon? Sayang, sana, nandu’n ako para nasagot ko mismo ang mga tanong ko.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleBano na raw umarte, feeling magaling pa Bianca King, kinaiinisan ng production staff ng Siyete?!
Next articleAngelica Panganiban, hindi na maitago ang pagkadismaya sa dos!

No posts to display