Sarah Geronimo, palaban na sa mga intriga!

BINASAG NA FINALLY ni Sarah Geronimo ang kanyang katahimikan tungkol sa kanyang pagkakasangkot sa diumano’y controversial love triangle nila nina Rayver Cruz at Cristine Reyes. Sa recent presscon ng kanyang Valentine concert with Martin Nievera, hindi nakaligtas si Sarah sa mga tanong ng mga press people na nandoon.

Buwelta ni Sarah na may karapatan din naman siyang magsalita tungkol sa isyu. Masakit daw para sa kanya na pati ang kanyang pamilya ay nadamay sa gulo. Nagulat daw siya dahil nasangkot siya sa intriga na ang pinag-ugatan daw ay ang kanyang mga nabitiwang salita. “Wala po talaga akong intensiyon na manakit ng ibang tao, na mang-insulto ng pagkatao ng isang tao.”

Buong tapang din niyang sinagot ang akusasyon na nagpapanggap lang siya ng magandang imahe sa publiko. “Siguro ganoon lang talaga po na lahat tayo ay may kanya-kanyang opinion, may kanya-kanyang perception sa ibang tao. Hindi mo naman iyon mako-control na, ‘Uy, isipin mo naman na mabait ako talaga.’ Kung anuman iyong nasabi ng isang tao, kailangan mong tanggapin at kailangan mo ring patunayan na mali iyong pananaw sa iyo. Hindi po ako marunong mam-plastic ng ibang tao. Kung may galit ako o sama ng loob, sasabihin ko sa iyo iyon.”

Sarah was very grateful and felt apologetic sa lahat ng mga sumuporta sa kanya sa kinasangkutang kontrobersiya. “It’s really overwhelming na makita mo iyong suporta sa iyo ng mga tao na kahit sandali mo pa lang nakikilala ay nand’yan sila para ipagtanggol ka. Sobrang nakakahiya talaga at sobra ko pong na-appreciate iyong ginawa ni Ate Sharon (Cuneta) na nagpa-interview pa siya. Hindi niya po kailangan ma-involve dito. Nakakahiya.”

Matapos ang pinagdaanang heartbreak ay hindi pa raw uli handang tumibok ang kanyang puso. “Siguro parte na rin po iyon [natatakot masaktan], pero ‘di pa rin po tamang panahon kasi baka made-focus lang sa career. Magiging ready po ako kapag ready na iyong mga tao sa paligid ko. Mahirap naman iyong magmahal ako pero [di pa ready mommy at daddy ko].” Na-realize daw niya that true love can wait.

Mukhang palaban na si Sarah ngayon at hindi na basta-basta lang tatahimik sa mga isyung ibinabato sa kanya. Patunay dito na mas marami pa raw siyang lilinawing detalye tungkol sa hindi mamatay-matay na intriga. “May mga kailangan tayong i-prioritize na proyekto, pelikula, at concert. Siguro hindi po muna maganda kung ihalo iyong mga personal na issues. Hahanap po ako ng tamang panahon para hindi po iyong ibang tao naman ang nagsasalita para sa akin. ‘Pag ako po ang nagsalita bonggang-bongga po,” she promised.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleRyan Bang, may video scandal?!
Next articlePiolo Pascual, inamin na si KC!

No posts to display