SARAH GERONIMO, NASA LISTAHAN NA NG MGA SINUNGALING?!

ISANG NAPAKALAKING HAMON sa showbiz career ni Sarah Geronimo ang panahong ito na ipino-promote na niya ang pelikulang Catch Me I’m In Love ng Star Cinema, na pinagtatambalan nila ni Gerald Anderson. Kasi nga, dito raw mapapatunayan kung magiging blockbuster pa ulit ang kanyang pelikula kung hindi na si John Lloyd Cruz ang kanyang kapareha. ‘Di kasi nga, parehong patok sa takilya ang dalawang pelikulang kanilang pinagtambalan, at kinuwestiyon din, na kaya siya nakoronahang Box-Office Queen ay dahil na rin sa magic ni Lloydie sa takilya.

Wala namang duda sa kasikatan ni Sarah bilang singer, dahil talagang napakarami niyang fans na mga matatanda, at kabataan, pati na mga batang paslit. Pero kailangan talagang makawala siya sa anino ng matagumpay nilang pinagtambalan dati ni John Lloyd.

Bagong tambalan ang sa kanila ni Gerald, kaya kailangan nilang makiliti ang masa para pilahan at panoorin ang kanilang pelikula. Mas malaki at napakahusay na artista ni Lloydie, kaya pagtiisan na lang muna ni Sarah ang mga intriga at ang maikumpara si Gerald sa original na ka-loveteam ni Bea Alonzo.

Makatulong din sana ang pagiging kontrobersiyal ngayon ni Sarah dahil sa katatapos niyang lovelife. Hayan nga, naaakusa-han na siyang kasama sa listahan ng mga artistang sinu-ngaling sa pakikipagrelasyon. Umamin na kasi siya na naging sila rin ni Rayver noon, pero lihim nga lamang.

Imagine, kapag iniinterbyu si Sarah sa talkshow ay dinadaan niya sa matunog niyang mga halakhak ang tanong kung mayroon na siyang inspirasyon? Inililigaw niya ang mga tanong. Na para bang wala pa talaga siyang karanasang ma-in love.

Hay, naku! Si Sarah talaga! May lihim at kasinungalingan palang nakatago sa likod ng malakas niyang mga halakhak na iyon.

MARAMING TAGA-SHOWBIZ ANG nawiwindang sa ugali ng katarayan ni Cristine Reyes, dahil sobrang maangas daw ang dating. Siya kasi ‘yung tipong walang preno ang bibig, at hindi niya iniisip na sa kanyang mga sinasabi ay mayroon na siyang mga taong nasasagasaan. Nilalait na tuloy siya, na wala pa naman siyang sobrang napapatunayan sa showbiz, pero parang mayroon siyang ipinagmamalaki, ipinagyayabang na pinaghuhugutan ng lakas ng loob para magtaray.

Pinagkukumpara tuloy ang ugali ni Cristine sa kanyang ate na si Ara Mina. Consistent daw kasi ang ugali ni Ara, na napakabait sa kanyang kapwa artista. Maamo at masayahin kasi ang dating sexy actress, na hindi nag-aalangan ang mga tao sa kanyang paligid na siya ay kausapin, dahil mabilis makagaanan ng loob ang dating karelasyon ni Jomari Yllana. Hindi raw katulad ni Cristine na parang takaw-gulo, dahil maraming nakakaintrigahan at nakakaaway.

Huwag kasing hanapin kay Cristine ang ugali ni Ara. Una na nga kasi sa lahat, iisa ang kani-lang ina, pero magkaiba ang kanilang tatay. Kaya kahit magkapatid sila ay magkaibang-magkaiba silang magdala ng kanilang personalidad.

Relihiyosa naman ang mommy nina Ara at Cristine, dahil wika ng mga nakakakilala sa kanilang pamilya sa Marikina, ay puro daw tungkol sa Diyos at panalangin ang laging namumutawi sa bibig ni mommy kapag kakuwentuhan siya. Bigyan na lang natin ng chance si Cristine, dahil baka naman magbabago pa rin ang kanyang ugali ng katarayan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

15 thoughts on “SARAH GERONIMO, NASA LISTAHAN NA NG MGA SINUNGALING?!

  1. no worries my dear… God is preparing a right man for you… a guy who deserves you the most!!! keep going dear, do everything for the glory of God and not for man…
    be a light and salt where you are right now, God put you where you are now for a purpose, ask wisdom from the Lord to desern His will and boldness to share the Gospel to them… God bless… Be Strong always, always read your bible and pray..take care

  2. yan ba ang flop nag naka 15 mil in just one day.. tingnan natin if makaka15 mil or more pa ba ang tumbok… 

  3. lahat nang nagcomment dito na flop ang movie..

    NGAYON NYO SABIHING FLOP>>NA UNTIL NOW MADAMI PA DING NANONOOD..

    mga itshuserang plaka kayo..inggetera

  4. ayaw pang tanggapin ng mga fans eh. masama bang magsinungaling para depensahan ang sarili?

  5. grabe ang mga writer dito. sinungaling daw? big deal na big deal na di ipinagkalat na may BF na si SARAH, ano ba? wala na bang mas may kabuluhan na kasinungalingan ang kayang isulat ng writer na 'to! Mommy D, naghihintay ng bayad 'to, di ka kase "close" at nagbabayad ng writer, ayan tuloy! eh ba't 'yang kubeta (CR) girl mo di pinagtapat ang kangkangan nila ni Dennis Trillo at kung sino-sino pa???

  6. Chona Magsalang, katulad ka rin ni Christine Reyes. You have no breeding and I bet no education as well. Your mind and your hands are as dirty as the Pasig River.

    • @troi; At least si Christine Reyes, nagpapakatotoo ! Unlike yang Sarah Geronimo na yan……kung ano ang Pangit ng Mukha….(kamukha ni Pokwang)….yun din ang Pangit ng ugali………
      Look at her kung paano siya manamit,..daig pa siya ng Katulong……….baduyyyyyyyyyyy
      At take note,…"SINUNGALING" pa siya………..har har har har har har har har har….
      Sarah…SSSSSSSSSSS…..Sinungaling…har har har

      • ebu74, look in a mirror first. You might find something uglier and maybe more horrifying. I haven't
        even seen you, but just reading the things you said, speaks loudly about your character. Oh wait,
        what am I saying, YOU HAVE NO CHARACTER!

  7. sus..pinoyparazzi magsara na lang kau tulad ng accesspinoy..wala naman halos pumupunta d2 hnd gaya sa starmometer at pep..ang kokonti ng comments…at puro paninira ginagawa nyo d2 sa mga artista wala naman ganito sa starmo at pep d2 lang

  8. pag handaan mo dai ang kayabangan mo isipin mo na lang nde c jlc leading man mo.swerte ka lang nuon sa movie nio n jlc naging box office queen ka.ngaun maging queen of flopcinaa na tsimee ka. mayabang suplada,nag babaitan sa harap ng kamera.laossssssssssssssss bagsak na career mo.kumanta ka na lang ha.para lalo kang pumangit kaya pala iniwan ka n rayver ung ugali mo nde makain ng aso pati mukha mo ang pangit mo.ang lau mo kay chtristine reyes no.parang ka2long ka n christine kaya hwag tumabi kay christine sa asap ha pls lang

    • bwahahahahaha! nakakatawa ka lang!!!! manood ka na lang, CATCH ME…I'M IN LOVE, palabas na sa MARCH 23. malayo talaga si SARAH GERONIMO sa kubeta girl mo (CR)!!! kung ang sabi mo si SARAH "kumanta na lang" eh ano ang sasabihin ko kay kubeta (CR) mo "maghubad ka na lang"???

  9. walang chemistry parang yaya na sumakay sa kotse kasama ang kanyang amo na c ferald sa shoot ng kanilang movie hindi bagay c tsimee sarah kay gerald anderson 8t's a bgi flopcina f walang hucos fucos gawin sa viva wat s reyna nla ang nakasalalay feeling good actress pweeeeeeeeeeeeeeee.