Sarah Geronimo, naghahabol kay Rayver Cruz?!

OLA CHIKKA! MAS lalo ngang nag-iinit ang intriga sa pagitan nina Cristine Reyes at Sarah Geronimo na nag-ugat sa pagkaka-link nilang parehas kay Rayver Cruz. Nitong Linggo lang, December 12, nabuhay muli ang alitan ng dalawa nang magsimulang mag-post sa kanyang Twitter account si Cristine, kung saan ipinahayag niya ang kanyang pagkainis at sama ng loob sa isang taong hindi niya pina-ngalanan.

Para mas malinaw, narito ang kanyang tweets directlty from her account:

“I AM SO PISSED RIGHT NOW!

“Hindi ko gusto yun banat ng drama princess porket wala ako sa ASAP XV. Akala mo ba e hindi makakarating sakin? Punong puno na ako sayo.

“Pagmamagaling magsayaw habulin ng mga babaeng sexy… FYI mali ka ng dialogue e baka habulin mo. Ikaw ang naghabol! Binreak ka nga e!

“Nakikipaghiwalay sayo ikaw ang habol ng habol! Alam mo yan! Alam mo ang TOTOO!!! Sa microphone mo pa sinabi para marinig lahat ng artista!

“Uulitin ko ang ha bago mo ka magbitaw ng salita siguraduhin mong Totoo! Kumanta ka na Lang!

“Wag mo ko paparinggan at sasabihan ng walang katotohanan wag mo ko simulan kasi marami ako alam na kaartehan mo! IDOL pa naman kita!

“MAGBIRO?!? PERO WALA NG PASARING!!!! alam naman ng lahat Kung ano yung biro na yun Di kami tanga. At kapag magpaparinig man o magbibiro make sure it’s true! kasi alam mo naman na siya ang halos mamatay na sa kakahahol. Diba?

“Hindi ako nag-rereact ng walang dahilan at hindi ako magiiyak sa sama ng loob kung walang dahilan.”

Sa kanyang mga statements ay kitang-kita ang kanyang galit at mga clues kung sino ang kanyang pinatatamaan at base sa perception ng nakararami, ito ay none other than Sarah. So ibig sabihin, itong si Sarah talaga ang naghabol kay Rayver.

Sa bagay, sa guwapo ba naman ni Rayver at talent, sino ba naman ang hindi mapapaibig sa kanya? Eh, sobrang guwapo naman pala niya at pinag-aagawan siya ng mga babae. Pero take note, huh! Silang dalawa ay magkaibang klase ng babae. Si Cristine ay mala-diyosa na pinapantasya ng mga kalalakihan habang si Sarah naman ay iniidolo sa kanyang pagiging simple at conservative.

Paano na ngayon ‘yang conservative image ni Sarah kung totoo ang isyung naghahabol siya sa lalaki? Gawain ba ng isang konserbatibang babae iyan?

Sino man ang nagsasabi sa kanila ng totoo, isa lang ang impact ng kanilang pinaggagagawa… NEGATIVE! Si Rayver, Cristine at Sarah, lahat ng image nila ay nag-iba. Tsk!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong male singer na kung magbintang sa kanyang kapwa, walang katulad? Ang chikka kasi ay ganito: Pagkatapos kumain sa isang restaurant nitong male singer with his friend, bigla niyang napansin na wala na ang kanyang mga gamit. Kaya ayun… dahil dalawa lamang sila ay pinagbintangan niya ang kanyang dear friend na magnanakaw.

Imagine! Friend pa niya ‘yung pinagbintangan niya, huh! Siyempre gulat na gulat si dear friend at halos hindi mo matimpla ang kanyang reaction nang ma-realize ni male singer na naiwan lamang niya pala ito roon sa restaurant na kanilang kinainan.

Tsk, tsk, tsk! Poor male singer. Sa bagay, hindi na natin siya masisisi kaya pagbigyan na lamang at intindihin na it’s a sign of aging na rin. Ha-ha-ha! Three more years to go at senior citizen ka na. Kailangan pa ba ng clue eh, recently lang ay nagbalik-showbiz siya matapos ang ilang taong pamumuhay nang tahimik. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.