Sarah Geronimo, nagbago na ang kulay?!

OLA CHIKKA! NAIS ko lamang bigyang babala ang mga kasamahan ko sa buhay tungkol dito sa minsan ay nagpahamak sa akin at naging dahilan ng pagka-galit ng mangilan-ngilang fans ni Marian Rivera. Gaya nga po ng sabi ko noong nakaraang araw, huling beses ko nang babanggitin ang tungkol kay Marian, ngunit ngayon ay ibabahagi ko lamang ang natuklasan kong mga tunay na pangyayari sa katauhan ni Rona De Villa na inilathala ko na ang kanyang number – 09129173427 – na halos lahat ng mga kilalang personalidad sa showbizness katulad ni Butch Francisco, Ricky Lo, Lolit Solis, Kuya Germs, Cristy Fermin pati ang president ng Philippine Movie Press Club o PMPC na si Melba Llanera, at ang girl Friday ni Kuya Germs na si Shalala ay iisa ang numerong itine-text sa akin nitong mapagpanggap na si Rona De Villa.

Kaya maging aware po tayo sa number na ito, kasi manloloko siya at sana ay maliwanag sa lahat na iisang tao lang ang naninira kay Marian na siya ay may anak na. Klarado po na sinabi kong hindi totoong may anak na siya.

Salamat naman at naisulat ako sa column ni Lolit Solis, kaya natuklasan ko ang lahat na pinaggagagawa ng baklang ito.

DADAKO NA PO tayo sa mga chismax to the maximum authority of chikka na ito ngang si Sarah Geronimo ay mukhang in-demand sa mga kandidato ngayong eleksiyon, dahil kaliwa’t kanan ang mga intriga na ibinabato sa kanila. At ang pinaka-latest na chikka tungkol sa kanya ay bumalimbing na raw itong si Sarah, dahil sa litratong kumakalat na naka-hand sign ng “laban” at nakasuot ng dilaw.

Pero inamin ni Sarah na noong 2007 pa raw ang kuhang iyon kung saan ay may event na idinaos noong nabubuhay pa ang dating pangulong Cory Aquino.

Kung tutuusin naman ay wala siyang kinalaman sa pag-endorse na ‘yan dahil sumusunod lang siya sa humahawak sa kanila. Ngunit ano itong naririnig ko na sinabi raw umano ni running for vice president na si Mar Roxas na pera-pera lamang daw ang pag-endorso?!  Tsk, tsk, tsk!

Kunsabagay, hindi nga naman malabong totoo ‘yun, dahil marami nang artista riyan ang makapagpapatunay nito.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong bagong harbatera queen na singer-actress-comedian na grabe raw talaga kung makapag-gangster ng pera lalo na sa mga tumatakbo sa matataas na puwesto tulad ng president, vice-president at senator?

Ganito kasi ang chikka na itong harbatera queen ay tuwing magpe-perform daw sa entablado tuwing may kampanya ay doon niya niyayari itong mga kandidato. Paano ba kasi siyempre, lilibangin niya ang mga tao at sa harap ng madlang pipol, doon niya dudukutin ang wallet ng kandidato at saka hihiritan ng pera.

At hindi pa nakuntento, siya na ang dumudukot. Eh, ano pang magagawa ng kandidato? Alangan namang agawin niya iyon, ‘di ba?

Kaya ang istratehiya ng mga ibang kandidato kapag si singer-actress-comedian na ang kasama nila sa stage, sinisigurado nilang walang laman ang kanilang mga pitaka para walang siyang maharbat!

Taray, ‘di ba?! At hindi lang ‘yan. Umabot pa hanggang Japan ang pagiging buraot nitong komedyante dahil isang fan ang natuwa sa kanya at isinama sa isang mall upang bilhan ng souvenir, ngunit take note! Souvenir lamang

pero tanong n’yo ilang cart ang dala? Dalawang punong cart lamang, kaya nang umuwi ay over baggage sa airport! Gusto n’yo ng clue? O sige… matutuwa nito si Allan K! Given na ba? Ha-ha! ‘Yun na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articlePhoto Oops: Iwas-Dukot! (Rochelle Pangilinan)
Next articlePapa-rampa: Rubi is Hot in Red!

No posts to display