Sarah Geronimo, muntik nang magrebelde sa ina! – Boy Abunda

ANO PA BA ang mahihiling ni Sarah Geronimo sa kanyang buhay? Tugmang-tugma kay Sarah ang titulo ng kanyang last concert na Record Breaker dahil talaga namang record-breaking ang kanyang mga accomplishments as a box-office queen, recording artist, concert performer, television host at product endorser. At kahit hindi siya magpaseksi, she compensates this with her great voice and powerful performances. Mabait na bata si Sarah kaya naman everybody loves her.

Sa lovelife, ano naman kaya ang rating ni Sarah? Record breaker din kaya? Aminado siya that she is a certified member of NBSB (No Boyfriend Since Birth). Career ang kanyang priority right now at nasa backseat ang usaping pag-ibig. Nananatiling tikom ang bibig ni Sarah kahit maraming boys ang umaali-aligid sa kanya. May nagtapat na kaya ng pag-ibig sa kanya o hanggang ngayon ay nagpapalipad-hangin pa rin sila dahil sobrang guwardiyado raw si Sarah ni Mommy Divine?

Kamakailan lang ay kumalat ang balitang nagrerebelde na raw si Sarah because of Mommy Divine’s strictness especially when it comes to her lovelife. Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang isyu sa pag-uugnay kina Sarah at Rayver Cruz. Was there a point in her life na gusto nang magrebelde ni Sarah? “To be honest po, siyempre may feeling ka na parang gusto mong may ganoong gawin, pero ‘andyan ang parents ko. Iyon ang maganda dahil nagagabayan ka ng magulang mo ‘pag gusto mo nang kumaliwa. Itatama ka nila. Sinasabi ko po ito dahil ayoko namang sabihin na ‘ay hindi’ kasi tao rin naman ako na may mga pagkakamali rin. Pero natutuwa po ako’t nagpapasalamat dahil nand’yan ang magulang ko. Hindi ako napupunta sa mali.”

Rayver is very outspoken about his interest in Sarah but she clarifies the real score between them. “Magkaibigan. Nasasabihan ko siya ng mga sikreto ko, ganoon din siya. Sinasabi ko nga na kung may balak siyang manligaw kapag p’wede na ako, tingnan natin.”

Reding-ready na parang hindi pa rin daw ang puso niya sa tawag ng pag-ibig. Ano ba ang pananaw nilang mag-ina tungkol sa pag-big? “Ang dami pang kailangang asikasuhin like iyong pag-aaral at career. Pero hindi niya (Mommy Divine) naman po ako pinipigilan. Hindi naman mapipigilan ang puso ‘pag meron kang nagustuhan, ‘di ba?” Ang sabi naman ni Mommy Divine, “Alam n’yo naman po kung anong pinanggalingan namin. Kung gaano kahirap ang lahat. Ito po iyong opportunity na ibinigay ng Diyos sa amin. Huwag padalus-dalos sa mga bagay na hindrances sa pangarap niya. Huwag magmadali kasi maraming darating.” Sarah added, “Wala naman sigurong masama kung meron kang kaibigan na makakausap pero hanggang doon lang kasi, iyon lang muna ang puwede sa panahong ito.” Sa tingin ko ay parehong may point sina Sarah at Mommy Divine.

Naaalala ko tuloy ang pelikulang Terms of Endearment starring Shirley MacLaine and Debra Winger who play mother and daughter in the movie. The film gives us an insight about their relationship that despite having different opinions, they can be bestfriends. Ipinaaalala sa atin ng pelikula that a mother will always be there for her daughter. Just like Mommy Divine to her daughter Sarah.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

3 thoughts on “Sarah Geronimo, muntik nang magrebelde sa ina! – Boy Abunda

  1. Yah…Strike while the Iron is Hot…sayang din ang oppurtunidad..di nman palagi sikat kah.

    Anyway san ba kasi nagsimula ang Issue nato? sa THE BUZZ diba?!!! ino OA/Exaggerate kasi nila yung title di nman yun ang laman.haaizt! para lng tlga panuorin.

    Take your Time SG, Gosh 21! ka pah nman…

  2. the title is an exaggeration though the content is good.

    i also agree with sarah and her mother. they know what to prioritize.

    strike while the iron is hot.

Leave a Reply

Your email address will not be published.