Sarah Geronimo, matindi ‘pag nagalit! – Chit Ramos

Kakaibang interview ang natuklasan natin kay Sarah Geronimo kailan lang. Marunong din palang magalit ang Reyna ng “kahinhinan” na anak nina Mommy Divine at Papa Delfin.

“Tao lang po ako!” natatawa niyang wika. “Meron din po akong ganoong moments. Ang malaking kaibahan lang, eh, kami-kami lang ng pamilya ko at sa bahay ko lang o sa kuwarto inilalabas ang expression ko ng galit. Hindi naman po kasi madalas mangyari ito, paminsan-minsan lang. Pamilya ko lang po ang nakaaalam nito at nakakakita. Uulitin ko po, paminsan-minsan lang.”

Leo-born si Sarah. “Tulad po ng mga isinilang sa buwan ng mga leon, parang leon din po ako kung magalit!”

Saglit akong natigilan sa pahayag ni Sarah, “Matindi po akong magalit. Para nga pong leon. Huwag na nating i-elaborate, dahil, hindi po pisikalan ang nakakaya kong gawin. Basta sa mga pagkakataong ito, alam na alam ng Mommy ko na gusto kong mapag-isa. Kasi nga po nangyayari lang naman iyon kapag sobra na ang pagod ko at gusto ko nang magpahinga. Kaya nga po, sinasabi kong pamilya ko lang ang nakaaalam noon. Tinginan lang po kami at alam na nila kung ano ang nararamdaman ko.”

Nangyari na ba ito nang magalit siya kay John Lloyd noon?

“Naku, hindi naman po ako nagalit sa kanya, nagtampo lang. Pero, okey na po kami at may bago na siyang intriga, kaya huwag na po nating dagdagan ang problema niya. Sarah must be referring to the alleged JLC-Shaina secret affair na siya raw dahilan kung bakit break na sina Shaina at John Prats.

MASAYANG-MASAYA ANG KAIBIGANG Leo Bukas, dahil sa wakas ay natupad na ang kanyang pangarap na magkaroon ng isang kotse. At libre pa niyang natanggap noong Jan. 16 ang brand new Suzuki 2009 model na Celeri Gold, courtesy of Ara Mina.

Sa mga panahong, maraming movie press ang sobrang ini-ignore ng kani-kanilang “alagang” artista, kakaiba nga si Ara.

Sa totoo lang, nilapitan ko na rin si Ara minsang may isang 6-month old baby girl na kailangang operahan sa ngala-ngala dahil nakakabit ito sa kanyang dila. Lalaki raw na ngongo ang pagkaganda-ganda pa namang batang babae.

Hindi nagdalawang-salita ang inyong lingkod. Ini-refer niya ito agad sa isang espesyalista at binantayan habang ginawa ang operasyon. The baby is now a normal child at matatas ng magsalita.

Likas ang pagiging mabait at matulungin ni Ara. Hindi lang ito napapansin ng karamihan dahil mas nagco-concentrate ang iba nating kapatid sa hanapbuhay sa mga intriga sa kanyang buhay.

“Naiyak talaga ako sa saya. Nag-iyakan kami. Pasensiya na raw ako dahil natagalan bago siya nakaipon ng pambili nito. Marunong siyang magpahalaga sa tulong at pagmamahal ng kapwa, movie press man na katulad ko at ‘yung batang binanggit mo, Ate Chit,” sabi ni Leo.

OCTOBER PA LAST year nang ilunsad ang paghahanap ng bagong Picture Flawless endorsers. Ang unang raffle draw ay naganap noong Jan. 8 at ang last raffle ay Feb. 18.

Magkakaroon na ng dagdag na endorsers sa billboard sina Lorna Tolentino, Richard Gutierrez, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Alyssa Alano at Butch Francisco. At may premyo pang P80 thousand each ang isang pares ng Flawless contestants.

Big deal para sa bawa’t isang contestants ang magkaroon ng billboard, lalo na’t makahihilera nila ang mga sikat na artistang sa movie at tv lang nila nakikita.

“Institution na po si Lorna T.,” wika ni Feina Fawa, isang most probably ay makaka-win ng titulong Picture Flawless. She has the personality, beauty, height and charm. She dreams of meeting Richard Gutierrez, who she thinks us the personification of a real Prince Charming. If I win at maka-face to face siya, hihimatayin siguro ako,” buong ningning niyang pahayag. “Lalo na siguro kapag nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama siya sa billboard. It will be a dream come true.”

Ang iba pang finalists sa Picture Flawless contest includes: John Rudolf Villaflor, Jayson Ryan Sumang, Stephan Shielman, Saman Sohrabi, Rafael Nanquil, Paul Reyes, Cerafin Lentim, Paolo Antonio Jereza, Akhaton Eleazar, Robert de Claro, Aristotle Corrales, Apple Seva, Catherine Santos, Rhiza Ostonal, Jennifer Regaspi at Teresa Rose Agoncillo.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

10 thoughts on “Sarah Geronimo, matindi ‘pag nagalit! – Chit Ramos

  1. Di ko type your advertisment nya sa TV dito sa North America for Star-i-tech. Paulit ulit nila pini-play yung ad niya sa GMA Pinoy TV. kakasawa.

  2. naging sila jl at sarah….mu ata sila basta may something kaya nagtampo si sarah kay jl noong lumabas ang ruffa jl issue

  3. Chit..dapat si Kristapok ang nilalapitan mo. Marami na siyang pera. Bakit si Ara na has been na ni Manny. Me bago na si Manny….di bah, si Krista? Hindi mo ba mahiritan si Krista? Aba naman..dapat mag share si Krista ng perang ibinabahagi ni Manny sa kanya. Enjoy naman siya sa kapalit ng perang iyon..dapat huwag madamot ang pamilya niya.

      • totoo ka magdalena, wala pang napapatunayan kung totoo nga ang chismis kay monkeypack at kreestal ipinako na sya sa kruz. maglabas ng matibay na ibedensya bago husgahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.