Sarah Geronimo, maraming gustong maranasan na ‘di magawa-gawa

MARAMI NA talagang karapatan si Sarah Geronimo bilang isang tao at dalagang nasa tamang edad na para ma-enjoy ang puwedeng magpasaya sa kanyang sarili nang walang nakikialam. Pero sa totoo lang nga, ang unang katangian ng singer-actress ay napakabait niyang anak. Kaya kung anuman ang mga bagay at pangyayari na gusto niyang subukan na hindi na kasali ang buo nilang pamilya, napakahirap isakatuparan sa ngayon.

Milyonarya na si Sarah, dahil magmula nang sumikat siya ay marami na siyang kinita, lalo pa’t hindi naman lumalaylay ang kanyang career. Wala siyang pahinga kung rumaket. Pero dahil single nga siya at nasa sobrang tamang edad na para makapagsarili, baka nagdadalawang-isip pa siya na gawin iyon. Una sa lahat, ang bigkasin pa nga lang na gusto niyang magplanong magsarili ng tirahan halimbawa’y sa isang condo unit ay baka mainsulto at magtampo na ang kanyang mga magulang, dahil conservative silang pamilya.

Maraming laman ang utak ni Sarah na gusto niyang maranasan, para maramdam niya na hindi na talaga siya bata. Kaya lang, kapag nagsalita na ang sino man sa kanyang mga magulang ng: “Pinoprotektahan lang namin ang aming anak, dahil ayaw namin siyang mapahamak!” ay wala na siyempreng magagawa si Sarah, dahil salita iyon ng magulang. Kahit kailan, ayaw ni SG na sasama ang loob ng mommy’t daddy niya sa kanya.

NAKAPAGTANIM SI Ai-Ai sa mga taga-showbiz ng mabuting pakikisama, kaya ang dami-daming naawa sa kanya at naapektuhan sa kalungkutan niya ngayon dahil sa paghihiwalay nila ni Jed Salang. Kung papaanong bilang komedyana ay maraming nakikitawa kay Ai-Ai kapag mayroon siyang pelikula, ay mas marami ang nakikiiyak sa kanya habang umiiyak siya dahil sa kabiguan at napakabilis na pangyayari ng kanilang hiwalayan.

Lahat naman ng salita ay matatanggap ni Ai-Ai kapag mukhaan mong sinabi sa kanya. Pero walang puwedeng manumbat na hindi na siya nadala o wala siyang takot, dahil ilang ulit na siyang muntik-muntikang maloko ng mga lalaking mas bata na nakipagrelasyon sa kanya, pero heto’t sa huli ay nagpakasal pa siya para lang lumuha ng bato! Kasi, consistent si Ai-Ai sa kanyang depensa, na gusto lang naman talaga niyang maranasang magpakasal at magmahal.

Napakasaya ng mundo ni Ai-Ai, kaya nga niya napapasaya ang masa sa pamamagitan ng pelikula. Pero pagdating sa pag-aasawa at pakikipagrelasyon, ay para siyang may balat sa puwet. Kasi’y lagi siyang inaalat. Kasi nga, ang nangyayari ay parang siya ‘yung laging mas nagmamahal kesa siya ‘yung minamahal ng lalaki. Ayaw ni Ai-Ai na tumandang walang katabing minamahal. Kauna-unawa siya roon. Bakit naman ang hindi? Kung ang mga bading nga na tumatanda ay patuloy na naghahanap ng lalaking makakapiling, si Ai-Ai pa kaya na isang babaeng-bakla?

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

5 thoughts on “Sarah Geronimo, maraming gustong maranasan na ‘di magawa-gawa

  1. dapat humanap si aiai ng kaparehas nya ang edad wag yong mas bata sa kanya peperahan lang xa ng lalaki tapos iiwan iiyak ulit hanap naman ng mas bata paulit ulitna lang d na natuto…

  2. oh basta ako congratz kay Gerald ANDERSON ON THE JOB and the rest of staff number one sa screemming ng FRANCE GOOD JOB GUYS MUAHHHH…. CAN WAIT TO WATCH IT !

  3. For Sarah mas OK na rin siguro na hindi muna siya papasok sa relationship gaya ng ginagawa ng mommy niya. Ang problema kasi magkaka boyfriend ka rin lang ng ka trabaho mo sa showbiz magulo lang din. Madalas nga palitan lang ng shota ang nangyayari. Matapos matikman at parausan bumabaling na naman sa iba ang lalaki. Sa showbiz ngayon wala nang relasyon ang tumatagal. Puro na lang parausan.

  4. TAMA KA JAN, MELCHOR. MALAKAS NGA SA PAKIKISAMA YANG SI AI-AI. KAYA NGA LAGING BEST ACTRESS, DEVAH? LALO NA SA PRESS. SA TOTOO LANG, YUNG UNANG “TANGING INA” LANG ANG NAKAKATAWA AT MAGALING SYA DOON. THE REST, PURO MGA BASURA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.