Sarah Geronimo, manonominate in next year’s acting awards

Sarah Geronimo

KUNG TAMA AKO, never pa na-nominate si Sarah Geronimo as “Best Actress” sa mga pelikula na nilabasan niya bilang isang artista.

 As a singer and performer, umaapaw na ang mga recognitions and awards ng Pop Princess and no doubt ay magaling naman talaga ang dalaga.

Ang bagong pelikula ni Sarah na Miss Granny ay halaw sa isang Korean movie na naging super box-office ang resulta sa Korea na may iba’t ibang adaption in different languages.

Ang Pinoy version kung saan Sarah portrays the lola bida ay nagpakitang gilas ito na hindi lang siya isang magaling na singer-perfomer kundi isa din siyang competent na aktres.

Ang galing ni Sarah sa portrayal niya. Isang kakaibang Sarah. Bago, hindi luma.

With her performance in the film, no doubt na mano-nominate siya as “Best Actress” for next year’s acting awards competition.

For the first time, naungusan ni Sarah ang mga dati niyang mga performances sa mga romcom movies niya.

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.