SARAH GERONIMO, MALDITA AT PLASTIKADA?!

OLACHIKKA! NOW na! Thank God, it’s Friday again! At dahil weekend na naman, todo rin ang chikka ko para sa inyo. Hahaha!

True ba na maldita itong si Sarah Geronimo? Plastikada pa raw ang singer-actress? Naku, kung anu-ano na ang intriga sa Pop Princess, huh! Dahil kaya may bago siyang movie na ipalalabas? ‘Yun na!

Pero may mga nagsasabi na hindi nga raw kagandahan ang ugali ng dalaga ni Mommy Divine. Wa naman ako mase-say d’yan, dahil si Sarah naman kung makapag-project sa harap ng kamera, akala mo, e hindi makabasag-pinggan. Pero, ‘eto nga ang mga chikka na nakakarating sa akin – plastikada at maldita si Sarah. At walang bree-ding daw talaga? ‘Kalurkey!

Like mother, like daughter? Hahahaha!

Awayin rin kaya ni Sarah itong si Angeline Quinto? Ang Star Power winner na ngayon ay ka-level na niya! Maraming nagsasabi na mas magaling si Angeline kay Sarah, kaya tiyak daw na mai-insecure ang Pop Princess kuno. Gano’n?

How true din na balak makipagbalikan ni Mark Bautista kay Sarah? Huwaaattt? Naging sila ba? Hindi ba kwestyunable ang gender ng singer-actor? Hahaha!

Hay, naku! Kung may attitude problem talaga si Sarah, ang talagang makakatagal lang sa kanya ay ang nanay niya! ‘Kalurkey!

BLIND ITEM: SINO ang ‘Bakekang’ na feeling magaling at nagdudunung-dunungan na akala mo kung sino? Kung makapamintas pa ang Chaka Doll na ito, akala mo, e wala siyang kapintasan sa katawan! Masyado rin siyang pakialamera, kaya kinaiinisan na siya ng mga nakakatrabaho niya?! O, getz n’yo na?

For more fun, more chikka, abangan na lang po ang a-king programa kasama ang aking anak na si Lady Camille sa DWSS 1494khz, Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:00 ng tanghali. Subaybayan pa rin ang aking programa sa DZRH 666khz, every Sunday 2:30-3:30 ng hapon!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleATE SHAWIE AT ATE VI, MAGSASAMA SA MOVIE!
Next articleMANNY PACQUIAO AT JINKEE PACQUIAO, GRABE KUNG MAGPATALO SA CASINO?!

No posts to display